Pumunta sa nilalaman

Hayop sa kalawakan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang "unggoy na pangkalawakan" na si "Baker" ay sumakay sa Jupiter IRBM papunta sa kalawakan noong 1959.
Mga palatandaang pangyayari sa pagpapadala ng mga hayop sa kalawakan
1947: Unang hayop na nakarating sa kalawakan
1949: Unang unggoy na nakarating sa kalawakan
1951: Unang mga aso na nakarating sa kalawakan
1957: Unang hayop na umorbit
1968: Unang hayop na nakarating sa malalim o mas malayong bahagi ng kalawakan
2007: Unang hayop na nakaligtas mula sa pagkakabantad sa kapaligiran ng kalawakan

Sa panimula, ang mga hayop na ipinadala sa kalawakan ay nagsisilbing mga pansubok lamang ng kakayahang pangkaligtasan o pagiging maging matagumpay ng paglipad sa kalawakan, bago isagawa at tangkain ang mga misyong pangkalawakan na mayroong lulan na mga tao. Sa paglaon, ang mga hayop ay ipinadala rin upang siyasatin ang sari-saring mga prosesong pambiyolohiya at ang mga epekto sa mga ito ng mikrograbidad at ng paglipad sa kalawakan. Anim na mga pambansang programang pangkalawakan ang sumakalawakan: na kinabibilangan ng mga programa isinakatuparan ng Unyong Sobyet, ng Estados Unidos, ng Pransiya, ng Tsina, ng Hapon, at ng Iran.

Ang mga hayop ay ginamit na sa mga panggagalugad na aeronotiko magmula pa noong 1783, nang magpadala ang magkapatid na Montgolfier ng isang tupa, isang bibi, at isang manok na nakasakay sa isang lobong pinapalipad ng mainit na hangin; na ang bibi ay nagsisilbing pangkontrol ng eksperimento. Ang limitadong dami ng nadakip na mga kwitis na V-2 ng Alemanya ay humantong sa paggamit ng Estados Unidos ng isang lobong pangmataas na altitud upang magdala ng mga langaw ng prutas, mga bubwit, mga hamster, mga kunehilyo (mga guinea-pig), mga pusa, mga palaka, mga isdang-ginto, at mga unggoy sa taas na umaabot magpahanggang sa 144,000 talampakan (44,000 m).[1] Ang mga lobong ito na napapalipad sa matataas na mga altitud magmula 1947 hanggang 1960 ay sumubok sa mga pagkakalantad sa radyasyon, mga pagtugong pangsikolohiya, pangsuporta ng buhay, at mga sistemang pambawi (mga recovery system). Naganap ang pagpapasakay ng tao sa pagpapalipad ng mga lobong pangmataas na mga altitud sa Estados Unidos sa loob ng kaparehong kapanahunan, na ang isa ay nagdadala rin ng mga langaw ng prutas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Beischer, DE; Fregly, AR (1962). "Animals and man in space. A chronology and annotated bibliography through the year 1960". US Naval School of Aviation Medicine. ONR TR ACR-64 (AD0272581). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-08-11. Nakuha noong 2011-06-14.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)