Heometriyang pasuri
Heometriya | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
||||||||||
Apat- / ibang-dimensiyonal |
||||||||||
Mga heometra | ||||||||||
ayon sa pangalan
|
||||||||||
ayon sa panahon
|
||||||||||
Ang Analitikong heometriya, o analitikal na heometriya ay mayroong dalawang magkaibang kahulugan sa sipnayan. Ang kasalukuyan at makabagong kahulugan ay tumutukoy sa heometriya ng analitikong maramihan. Ang artikulong ito ay tumutukoy sa makaluma at elementaryang kahulugan.
Sa makalumang kahulugan, ang analitikong heometriya, kilala rin bilang oordinatong heometriya, o Heometriyang Kartesyan, ay ang pag-aaral ng heometriya na gumagamit ng sistema ng tugmaang pampook at ang mga kaalaman sa alhebra at pag-susuri. Ito ay sumasalungat sa sintetikong pag-aaral sa Heometriyang Euclidean, na kung saan tinuturing primitibo ang ilang notasyong heometriko, at gumagamit ng deductive reasoning na nakabatay sa mga axiom at mga teorya para mahanap ang katotohanan. Malawakang ginagamit ang analitikong heometriya sa liknayan at inhenyeriya, at ito ang pundasyon ng makabagong pag-aaral sa heometriya, kasama na rito ang alhebraiko, diperensiyal, diskreto, at kompyutasyonal na heometriya.
Kadalasang ginagamit ang sistema ng tugmaang pampook para manipulahin ang mga ekwasyon para sa mga lapya, mga tuwid na linya, at mga kwadrado, sa dalawa o tatlong dimensiyon. Kung susuriin, nag-aaral ang isa sa Lapyang Euclidean (2 dimensiyon) at Kalawakang Euclidean (3 dimensiyon). Kapag itinuturo ito sa mga libro sa paaralan, maaaring ipaliwanag ang analitikong heometriya sa ganitong paraan: binibigyang kahulugan at inirerepresentasyon ang isang hoemetrikal na hugis sa numerikal na kaparaanan at pagkuha ng nemerikal na kaalaman mula sa numerikal na kahulugan at representasyon ng mga hugis. Maaaring maging numerikal na labas ang isang bektor o ang hugis.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Katz, Victor J. (1998), A History of Mathematics: An Introduction (2nd Ed.), Reading: Addison Wesley Longman, ISBN 0-321-01618-1
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Coordinate Geometry topics with interactive animations