Sirkumperensiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sirkumperensiya = π × diametro

Sa heometriya, ang sirkumperensiya (Kastila: circunferencia, Ingles: circumference) ay distansiya sa palibot ng isang saradong kurba. Ang sirkumperensiya ay isang espesyal na perimetro.

Sirkumperensiya ng isang bilog[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sirkumperensiya ng isang bilog ang haba sa palibot nito. Ang sirkumperensiya ng isang bilog ay maaaring makwenta mula sa diametro nito gamit ang pormulang:

o kung gagamitin ang radyus ng diametro:

kung saan ang r ang radyus, ang d ang diametro ng bilog, at ang Griegong letra na pi (π) ay tumutukoy sa rasyo ng sirkumperensiya ng bilog sa diametro nito. Ang numerikal na halaga ng π ay 3.141 592 653 589 793....