H. G. Wells
H. G. Wells | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Setyembre 1866[1]
|
Kamatayan | 13 Agosto 1946[1]
|
Mamamayan | United Kingdom |
Nagtapos | Pamantasan ng Londres |
Trabaho | manunulat,[2] historyador,[2] mamamahayag, manunulat ng science fiction, nobelista, sosyologo,[2] screenwriter |
Kinakasama | Margaret Sanger |
Pirma | |
Si Herbert George Wells (21 Setyembre 1866 – 13 Agosto 1946) ay isang kilalang manunulat sa larangan ng mga kathang-isip na kuwentong pang-agham. Kabilang sa mga interes niya ang sosyalismo, kasaysayan, pilosopiya, sining at pananampalataya.[3]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Wells sa Bromley, Inglatera. Sa gulang na 13, nagtrabaho siya bilang isang taga-ingat kwenta. Noong 1883, naging isa siyang guro kasabay ng pagiging isang mag-aaral. Nakapag-aral siya sa Paaralang Normal na Pang-agham sa London, kung saan naging guro niya si T. H. Huxley. Nagtapos siya mula sa Pamantasan ng London noong 1890. Siya ang pinakaunang patnugot ng Science Schools Journal at nakapagsulat din para sa Educational Times.[3]
Nagpakasal si Wells sa isang pinsan noong 1895, na humantong lamang sa paghihiwalay. Pagkatapos madiborsiyo ang kaniyang unang asawa, muling nag-asawa si Wells. Ikinasal siya kay Amy Catherine Robbins.[3]
Sumulat si Wells ng mahigit sa 100 mga aklat. Nahulaan niya ang pagdating ng paggamit sa larangan ng digmaan ng mga eroplano, tangke, at bombang atomiko. Naging tagapagtaguyod din siya ng deklarasyon ng karapatang-pantao sa Organisasyon ng Mga Nagkakaisang Bansa.[3]
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Time Machine (1895)
- Anticipations of the Reactions of Mechanical and Scientific Progress upon Human Life and Thought (1901)
- The Outline of History (1920)
- The Science of Life (1931)
- The Work, Wealth and Happiness of Mankind (1932)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb119290531; hinango: 10 Oktubre 2015.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 https://cs.isabart.org/person/16167; hinango: 1 Abril 2021.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " H. G. Wells " ng en.wikipedia. |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Mga pahinang may maling pag-tag sa salinwika
- Ipinanganak noong 1866
- Namatay noong 1946
- Articles with BNC identifiers
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Mga Ingles
- Mga nobelista
- Mga manunulat mula sa United Kingdom