Holiday economics
Ang holiday economics ay tumutukoy sa patakaran ng pamahalaan ng Pilipinas na nagsimula sa pamamahala ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2007 upang ilipat ang pagdiriwang ng ilang mga pistang opisyal sa pinakamalapit na katapusan ng linggo.
Pambungad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 292, o ang Pambansang Kodigong Administratibo ng 1987 ay tumutukoy sa ilan sa mga pambansang pistang opisyal sa Pilipinas. May dalawang uri ng pistang opisyal sa Pilipinas – regular at espesyal na pista opisyal na walang-pasok. Ang mga paaralan sa lahat ng antas ay pansamantalang huminto ng mga klase anuman ang mga pampublikong pista opisyal habang ang mga tagapag-empleyo ay maaaring o hindi maaaring mangailangan ng mga manggagawa na pumasok sa trabaho.[1] Ang mga kailangang pumasok sa trabaho kung hindi para sa pistang opisyal ngunit hindi nag-trabaho ay binabayaran ng kanilang karaniwan na sahod. Ang mga empleyadong kinakailangang magtrabaho dahil sa kanilang uri ng kanilang trabaho ay binabayaran ng dagdag sa kanilang pang-araw-araw na sahod at cost of living daily allowance (sustento para sa gastos sa araw-araw na pamumuhay) depende kung ang pista opisyal ay regular (200%) o isang espesyal na pista opisyal na walang-pasok (130%).[1] Kung ang pista opisyal ay bumagsak sa isang araw na hindi nagtatrabaho para sa empleyado, ang empleyado ay hindi binabayaran.
Paglikha ng patakaran ni Arroyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Proklamasyon Blg. 1211 ay nilagdaan ni Gloria Macapagal Arroyo noong Enero 10, 2007 na nagdedeklara sa Araw ng Kalayaan na pumapatak sa Hunyo 12 bilang isang pista opisyal na may pasok, at ang araw bago ito bilang isang pista opisyal na walang-pasok – na epektibong gumagalaw sa pista opisyal. Gayunpaman, ang mga seremonya na inorganisa ng pamahalaan ay nanatiling sinusunod sa aktwal na petsa.[2][3]
Linagdaan ni Arroyo bilang batas ang Batas Republika Blg. 9492 ang Holiday Economics Law noong Hulyo 24, 2007[4] na nagpapahintulot sa pag-obserba ng mga nakatakdang pampublikong pista opisyal maliban sa Bagong Taon sa Enero 1, Araw ng mga Santo sa Nobyembre 1, Araw ng Pasko sa Disyembre 25, at ang huling araw ng taon, Disyembre 31 hanggang sa pinakamalapit na Lunes. Ang panukalang batas ng Senado ay ipinakilala ni senador Joker Arroyo.[5] Ang panukala ay pinagtibay sa hangaring palakasin ang turismong panloob.[6]
Pagbuwag ng patakaran ni Aquino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinatili ni Benigno Aquino III, ang kahalili ni Arroyo, ang patakaran sa mga unang buwan ng kanyang panunungkulan. Ang sektor ng negosyo ay sumalungat sa patakaran dahil sa mga karagdagang gastos na nauugnay sa pagbabayad ng mga manggagawa ng dagdag na sahod sa mga pampublikong pista opisyal.[7][8] Ilalabas niya ang Proklamation Blg. 82 noong Disyembre 20, 2010, na nagtapos sa patakarang holiday economics. Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 9492, may "kaukulang karapatan" ang pangulo na ilipat o panatilihin ang mga pistang opisyal na palipat-lipat na nakasaad sa batas.[9]
Pagkabuhay-muli ng patakaran ni Marcos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Muling ipinakilala ni pangulong Bongbong Marcos ang patakarang holiday economics sa pamamagitan ng paglathala ng Proklamasyon Blg. 90 noong Nobyembre 11, 2022 na may kinalaman sa pagdiriwang ng mga pampublikong pistang opisyal para sa taong 2023.[10] Ito ay pinagtibay bilang isang paraan upang mapalakas ang industriyang turismong panloob na naapektuhan ng pandemya ng COVID-19 at mga kaugnay na pagsasara.[11]
Paggalaw ng mga pagdiriwang ng pista opisyal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang batas sa holiday economics ay hindi gumagalaw sa aktwal na mga petsa ng pista opisyal ngunit sa halip ay "nagbibigay-katwiran" sa pagtalima nito sa pamamagitan ng paglipat ng pagdiriwang nito sa pinakamalapit na katapusan ng linggo (Lunes).[7] Pipigilan nito ang mga pista opisyal sa kalagitnaan ng mga karaniwang araw at lilikha ng mahabang weekend o katapusan ng linggo..
Pistang opisyal | Petsa | Pagdiriwang |
---|---|---|
Bagong Taon | Enero 1 | |
Huwebes Santo | Nag-iiba taun-taon (Palipat-lipat na araw[c]) | |
Biyernes Santo | ||
Eidul Fitr | ||
Araw ng Kagitingan | Abril 9 | Pinakamalapit na Lunes |
Araw ng Paggawa | Mayo 1 | Pinakamalapit na Lunes |
Araw ng Kalayaan | Hunyo 12 | Pinakamalapit na Lunes |
Araw ni Ninoy Aquino (espesyal na pista opisyal) | Agosto 21 | Pinakamalapit na Lunes |
Pambansang Araw ng mga Bayani | Huling Lunes ng Agosto | |
Araw ng mga Santo (espesyal na pista opisyal) | Nobyembre 1 | |
Araw ng Kapanganakan ni Andrés Bonifacio | Nobyembre 30 | Pinakamalapit na Lunes |
Pasko | Disyembre 25 | |
Paggunita sa Kamatayan ni Dr. Jose Rizal | Disyembre 30 | Pinakamalapit na Lunes |
Huling Araw ng Taon (espesyal na pista opisyal) | Disyembre 31 |
Halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ang mga petsa ay kathang-isip lamang at ginagamit para sa layunin ng paglalarawan
- ↑ "Kung ang pista opisyal ay [magaganap] sa isang Linggo, ang pista opisyal ay gaganapin sa kasunod na Lunes" – Sek. 26, c (Batas Republika Blg. 9492)
- ↑ Ang "movable date" o palipat-lipat na araw ay isang katawagan na lumilitaw sa Batas Republika Blg. 9492. Hindi dapat malito sa mga pista opisyal na may pagdiriwang na maaaring ilipat sa pamamagitan ng nasabing batas.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Regular vs. nonworking holidays: What's the difference?". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Abril 7, 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 31, 2023. Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pimentel: GMA urged to stop tampering with recognized legal holidays". Senate of the Philippines (sa wikang Ingles). Hunyo 13, 2007. Nakuha noong Pebrero 19, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Proclamation No. 1211, s. 2007". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Enero 10, 2007. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 29, 2023. Nakuha noong Abril 29, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Republic Act. No. 9492". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Hulyo 24, 2007. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 18, 2023. Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sy, Marvin (Hulyo 26, 2007). "GMA signs into law bill rationalizing national holidays". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tan, Alyssa Nicole (Enero 17, 2023). "Senate bill to revive 2007 law on 'holiday economics'". BusinessWorld (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Sy, Marvin (Hulyo 8, 2010). "Noynoy signed on to holiday economics - Joker". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Felongco, Gilbert (Agosto 8, 2010). "Aquino to retain Arroyo holiday policy". Gulf News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Porcalla, Delon (Disyembre 22, 2010). "Noy defends removal of holiday economics". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Romero, Alexis (Nobyembre 17, 2022). "'Holiday Economics' Back In 2023". One News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cervantes, Filane Mikee (Enero 18, 2023). "PBBM holiday economics to boost domestic tourism: Salceda" (sa wikang Ingles). Philippine News Agency. Nakuha noong Pebrero 18, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)