Homo luzonensis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Taong Callao
Temporal na saklaw: Huling Pleistocene,
0.07–0.065 Ma
Klasipikasyong pang-agham
Kingdom: Animalia
Phylum: Chordata
Class: Mammalia
Order: Primates
Family: Hominidae
Tribe: Hominini
Genus: Homo
Species: H. luzonensis
Pangalang binomial
Homo luzonensis
Détroit et al., 2019

Ang Homo luzonensis o tinagurian ding Táong Callao ay tumutukoy sa mga labi ng hominid na natagpuan sa Yungib ng Callao sa Peñablanca, Cagayan, Luzon sa Pilipinas ni Armand Salvador Mijares noong 2007. Partikular, binubuo ang inisyal na nahanap ng nag-iisang 61-milimetrong metatarsal na, kapag pinetsahan gamit ang uranium series ablation, nasa gulang na 67,000 taon, na nagmula noong panahon ng Huling Pleistocene.[1][2]

Noong 2019, nilarawan ng isang artikulo sa talaarawang akademikong Nature ang sumunod na "pagtuklas ng labing-dalawang karagdagang elemento ng hominin na kinakatawan ang hindi bababa sa tatlong indibiduwal na nagtagpuan sa parehong stratigrapikong suson ng Yungib ng Callao bilang ang nakaraang natuklasang metatarsal" at kinilala ang mga labi bilang kabilang sa bagong natuklasang espesye, ang Homo luzonensis, batay sa pagkakaiba mula sa nakaraang nakilalang espesye ng genus na Homo, kabilang ang H. floresiensis at H. sapiens.[1][2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Détroit, F.; Mijares, A. S.; Corny, J.; Daver, G.; Zanolli, C.; Dizon, E.; Robles, E.; Grün, R. et al. (2019). "A new species of Homo from the Late Pleistocene of the Philippines" (sa Ingles). Nature 568 (7751): 181–186. doi:10.1038/s41586-019-1067-9. 
  2. 2.0 2.1 Zimmer, Carl (Abril 10, 2019). "A New Human Species Once Lived in This Philippine Cave - Archaeologists in Luzon Island have turned up the bones of a distantly related species, Homo luzonensis, further expanding the human family tree." (sa Ingles). The New York Times. https://www.nytimes.com/2019/04/10/science/homo-luzonensis-philippines-evolution.html. Hinango noong Abril 10, 2019.