Pumunta sa nilalaman

Huang Xiaoming

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isa itong pangalang Tsino; ang apelyido ay Huang.
Huang Xiaoming
Pangalang Tsino黃曉明 (Tradisyonal)
Pangalang Tsino黄晓明 (Pinapayak)
PinyinHuáng Xiǎomíng (Mandarin)
Kapanganakan (1977-11-13) 13 Nobyembre 1977 (edad 47)
Qingdao, Shandong
Iba pang
Pangalan/Palayaw
  • Xiaoming Huang
  • "Jiaozhu" (教主; "pinuno ng kulto")
Kabuhayanartista, mang-aawit, modelo
Kaurian (genre)Mandopop
Taon
ng Kasiglahan
1998–kasalukuyan
AsawaAngelababy (2015– )
Opisyal na Sityohuangxiaoming.com.cn

Si Huang Xiaoming (ipinanganak 13 Nobyembre 1977) ay isang Tsinong artista, mang-aawit at modelo. Ilan sa mga tanyag niyang pagganap sa telebisyon ang pagpapel bilang si Yang Guo sa The Return of the Condor Heroes noong 2006 at Xu Wenqiang sa Shanghai Bund noong 2007. Nakapagtapos si Huang sa Performance Institute ng Akademyang Pampelikula ng Beijing noong 2000, kasabay ng ilang mga sikat na artista na katulad nila Zhao Wei at Chen Kun. Una siyang umangat sa pagkasikat noong 2001 sa pagganap bilang si Emperador Wu ng Han sa teleseryeng Da Han Tian Zi. Nagtamo ang serye ng numero uno sa ratings noong ipinalabas iyon sa Taiwan, at pagkatapos ay nagtamo ang kanyang mga sumunod na drama ng matataas na ratings sa Tsina, Taiwan, Hong Kong at Macau. Noong 2007, naglagda si Huang ng kontrato sa Huayi Brothers at nagsimulang magbigay-tuon sa kaniyang karerang pampelikula, at lumabas sa mga pelikulang The Sniper, The Message, at Ip Man 2. Noong 2010, gumanap siya sa dramang Taiwanes na Summer's Desire, kasama sila Peter Ho at Barbie Hsu. Bumalik siya sa telebisyon noong 2013, sa pagganap ng pambansang bayaning si Yue Fei sa The Patriot Yue Fei.

Pangkabataang Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Huang sa Qingdao, Shandong at siya lang ang nag-iisang anak. Isang inhinyero ang kaniyang ama at isang accountant naman ang kaniyang ina. Sa edad na siyam, napili siyang ng isang film studio upang gumanap na isang batang protagonista sa isang pelikula.[1] Sa kabuuan ng kaniyang karerang pampaaralan, ninais ni Huang na maging isang dalub-agham (syentipiko),[2] ngunit hinikayat siya ng kaniyang guro sa wikaan na pumnasok sa Akademyang Pampelikula ng Beijing na bihirang pumunta sa Qingdao upang kumuha ng mga estudyante. Isang lingo bago ang kaniyang eksaminasyon para sa pagpasok, nasagasaan at nadurog ang kaniyang paa ng isang dyip; mapalad na hindi ganoong kalubha ang pinsala sa pagsuot niya ng sapatos na pang-army. Habang nag-aaral sa Akademyang Pampelikula ng Beijing, ginunita ni Huang ang tao na mayroong napakalaking impluwensiya sa kaniya, ang tagapagturo na nag-ngangalang Cui Xinqin. Malapit na kaibigan si Huang ni Zhao Wei, at ni Chen Kun, kaya naman nakilala sila bilang "Tatlong Mosketero".[3]

Kompara sa mga naging kamag-aral, nahirapan si Huang sa paghanap ng trabaho habang papalapit na ang araw ng kaniyang pagtatapos sa pag-aaral. Sa bisperas ng kaniyang pagtatapos, nakatanggap siya ng isang alok sa pag-arte para sa teleseryeng A Netizen's Diary (网虫日记). Habang isinasagawa ang palabas, halos napakalaking pinsala ang kaniyang natamo mula sa pagdaan ng trak sa kaniyang ulunan at nawalan siya ng malay ng halos kalahating oras. Kinailangan niya ng anim na tahi sa kaniyang babà at tainga.

Habang isinasa-pelikula ang Long Piao (龙票), napinsala naman si Huang sa isang aksidenteng pang-kotse, na nangyari noong papunta siya sa Yinchuan papunta sa Loobang Monggolya. Nagalusan ang kaniyang ulo at umurong ang kaniyang bertebra, at pinaalalahanan siya ng manggagamot na kailangan siyang lagyan ng plaster cast sa kaniyang ulo at leeg sa loob ng apat na buwan, na kung hindi ay maaapektuhan ang paghilom ng kaniyang mga buto. Ngunit tinanggihan ni Huang na magpahinga sa pag-aalalang maantala ang pagsasa-pelikula at pagkawala ng mga crew, kaya pumunta siya sa set na nakasuot ng neck brace.

Matapos na sumikat ang kaniyang mga kapwang "Mosketero", hindi naman naisip ni Huang na magiging sikat din siya, dahil nasabi ng isa sa kaniyang mga tagapagturo sa akademya na magiging mahirap para sa isa o dalawang estudyanteng magatatapos na magkamit na pambihirang tagumpay. Dumating sa kaniya ang tagumpay noong 2001, ganoon pa man, nang mapili siyang palitan si Lu Yi para sa pangunahing pagganap sa Da Han Tian Zi. Sapagka't sadyang napakalaking produksyon ang teleserye, at hindi pa ganap na kilala si Huang, marami ang mga nangambang tao, ngunit naging kahanga-hanga na ang pag-unawa at kawalang-gulat ng mga mamumuhunan. Itinampok si Huang sa tatlong installment ng serye, mula 2001 hanggang 2005, at siya ay naging baguhan hanggang sa maging front-line na artista.

Noong 2004, napili si Huang na gampanan ang papel na Yang Guo, ang pangunahing pagganap sa The Return of the Condor Heroes, ang teleseryeng hinango sa nobelang mayroong katulad na pamagat ni Jin Yong, at isang kasunod (sequel) sa The Legend of the Condor Heroes (2003).[4] Pinili siya ng direktor na si Zhang Jizhong mula sa mga artistang sila Nie Yuan at Huang Jue upang gampanan ang isang papel na mayroong mabigat na labanan. Ang papel ni Xiaolongnü, ang iniibig ni Yang Guo sa palabas na yaon, ay napabalitang napunta kay Zhou Xun,[5] na napunta rin sa bandang huli kay Liu Yifei, na sampung taong nakakabata kay Huang. Yang Guo ang higit-kumulang na pinaka-kilalang papel na ginampanan ni Huang magpasa-hanggang ngayon.

Ang papel ni Huang na pinaka-kontrobersyal at mahirap, ngunit malakihang pinuri ay ang sa Shanghai Bund, isang muling-likhang teleserye Hong Kong na The Bund, kung saan naging tampok si Chow Yun-fat. Dahil si Chow ang kaniyang hinahangaan, nakaramdam siya ng kaba, sabik at bigat sa pagganap ng papel na ginampanan ng kaniyang idolo. Upang magampanan niya ang papel na Xu Wenqiang, kinailangan niyang matutong manigarilyo, at nakagamit ng maraming kaha sa isang araw. Inawit din niyang ang pangkatapusang tema ng drama, isang duet na kasama ang co-star na si Sun Li. Naisama din ang awit para sa kaniyang kauna-unahang studio album na It's Ming, na inilabas noong Disyembre ng kaparehong taon.[6]

Noong Abril 9 2007, lumagda si Huang sa Huayi Brothers Media, isang leybel na pang-aliwan at pamplakahan. Noong Oktubre ng taong iyon, binili ni Huang ang mga baha-bahaging puhunan ng kompanya. Pagkatapos ng pag-arte sa maraming pelikulang ginawa ng Huayi, kabilang ang pelikulang The Message noong 2009, nilisan niya ang kompanya noong 2010. Napabalitaan noon na lilipat siya sa Asia Media Films Hong Kong, bagama't hindi pa iyon na-kompirma.[7][8]

Noong 2009, napili si Huang na palitan sa Dylan Kuo sa 2010 Taiwanese idol drama na Summer's Desire, isang adaptasyon ng isang trilohiya ni Ming Xiaoxi. Baga ma't unang inilaang gampanan ang papel na Ou Chen, tinanong si Huang kung maaaring ang papel na Luo Xi na lang sana ang gampanan. Itinampok din sa drama si Peter Ho, na siya ring prodyuser, at si Barbie Hsu, na noon pa nais na maka-trabaho ni Huang. Inamin din niya di-kalaunan binabaan niya ang kaniyang acting fee upang makasama siya sa seryeng iyon.

Noong 2010 ay nakasama si Huang sa pelikula ni Chen Kaige na Sacrifice, na isang big box office hit.

Lalakeng Selebridad na Mayroong Pinakamataas na Halagang Komersyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang tanyag na lalakeng may pinakamataas na halagang komersyal, si Huang ang tagapagsalita ng mangilan-ngilang tatak na pang-world class. Siya pa rin ang tagapagsalitang imaheng pang-global ng internasyonal na tatak na Tissot hanggang ngayon, na nakikibahagi sa mga kampanyang pang-anunsyo para sa Tissot sa buong mundo. Sa karagdagan, siya ang nagging tagapagsalita ng Gucci Olympic Red Series (Limited Version) sa APAC, ang kauna-unahang tagapagsalita ng Mercedes-Benz at ng Pepsi-Cola, Remy Martin, ZWILLING at iba pang mga malalaking tatak sa Tsina.

Mayroong napakalawak na impluwensya sa mundo si Huang at halos kilala siya ng lahat ng mga Tsino sa buong mundo. Inanyayahan si Huang ng Awtoridad na Pang-turistang Britaniko, at nagpunta siya sa Londres noong 2011 upang mag-trabaho sa loob ng 10 araw, at nagging kauna-unahang selebridad na Tsino na nagsagawa ng paglagda sa pook-pamilihan (department store) na mayroong pinakamahabang kasaysayan—ang Harrods sa Britanya. Sa karagdagan, walang bahid niyang sinakop ang lahat ng panlalakeng babasahin na A-list sa Tsina, at siya ang tinaguriang hottest cover celebrity ng mga babasahin at pahayagan sa Timog-Silangang Asya at Hong Kong. Nabenta lahat ang bersyong Malasyo ng Men's Uno (Oktubre 2011), kaya naman ginantimpalaan siyang "Actor with Highest Commercial Spokesman Value" (Ang Aktor na mayroong Pinakamataas na Halagang Pangkomersyal na Tagapagsalita).

Nailista si Huang sa "Forbes China Celebrity" para sa 12 tuloy-tuloy na taon, ang nasa unang ranggo sa mga batang lalakeng selebridad na Tsino para sa Forbes China Celebrity sa loob ng 9 na tuloy-tuloy na taon, at una sa mga lalakeng selebridad na Tsino sa loob ng 4 na tuloy-tuloy na taon. Bukod pa roon, siya ang nagging cover figure ng Forbes China Celebrity noong 2013.

Pinaka-tanyag na Pilantropong Selebridad na Tsino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimulang tumulong ni Huang sa mga kapos-palad na kabataan noong 2004 at nagpasyang makibahagi sa pakikipag-kawanggawa bilang kaniyang karera simula nun. Siya ang naging unang personalidad na nagbigay-donasyon sa malaking bagyong-niyebe noong 2008 (CNY 200,000). Siya rin ang unang selebridad na nakibahagi sa kawanggawang pagligtas ng Lindol sa Sichuan (2008), na nagbigay-donasyon na nagkakahalag ng milyon-milyong yuan para sa mga relief goods at muling kontruksyon, at nagtatag ng "emergency engineering room" sa 17 paaralan. Nagbigay-donasyon din siya ng halagang TWD 1,000,000 sa sakunang dulot ng bagyong Morakot sa Taiwan, na naging unang selebridad na Tsino na muling nagbigay ng donasyon. Kasama ang kaniyang asawa na si Angelbaby, nagbigay-donasyon siya ng halagang CNY 2,000,000 para sa Pagsabog sa Tianjin (2015) at nagpadala ng mga air pumps at mga relief goods sa mga tagapag-apula ng ng apoy sa unang pagkakataon. Siya ang nanguna sa pagbigay-donasyon ng CNY 200,000 kay Wang Feng, na halos 98% na malubhang nasunugan ng balat sa pagligtas ng dalawang estudyante at isang guro nang tatlong ulit sa nursery na nasusunog, at tinulungan si Wang sa matagumpay na pagsailalim ng operasyong skin graft.

Talang-Pelikula (Pilmograpiya)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pamagat Papel Mga Tala
1999 Marry Me
我们结婚吧
Li Jun
2000 Bright Heart
明亮的心
Ma Lu
2005 Legend of the Dragon
龙威父子
Qi Feng
2005 The Banquet
夜宴
Yin Sun
2006 The Story of Ah Bao
阿宝的故事
pampanauhing pagganap
2007 The Sniper
神枪手
Ling Jing
2008 Fit Lover
爱情呼叫转移2
pampanauhing pagganap
2009 The Message
风声
Takeda Beijing College Student Film Festival Students' Choice Award for Favorite Actor
Nominado —Asian Film Award for Best Supporting Actor
Nominado —Golden Rooster Award for Best Supporting Actor
Nominado — Hundred Flowers Award for Best Actor
2009 Searching for Dust
寻找微尘
pampanauhing pagganap
2009 The Founding of a Republic
建国大业
pampanauhing pagganap
2010 Ip Man 2
叶问2
Huang Liang
2010 Flirting Scholar 2
唐伯虎点秋香2
Tang Bohu
2010 Sacrifice
赵氏孤儿
Han Jue Nominado —Asian Film Award for Best Supporting Actor
2010 Adventure of the King
龙凤店
Tang Bohu
2012 The Guillotines
血滴子
Tianlang
2012 Love in the Buff
志明与春娇2
pampanauhing pagganap
2012 The Last Tycoon
大上海
Cheng Daqi (young)
2012 Inaccurate Memoir
匹夫
Fang Youwang prodyuser din;
China Image Film Festival Best Actor
2013 American Dreams in China
中国合伙人
Cheng Dongqing Changchun Film Festival Best Actor
Golden Rooster Award for Best Actor
Huabiao Award for Outstanding Actor
Hundred Flowers Award for Best Actor
2013 Badges of Fury
不二神探
man in black cameo
2013 Crimes of Passion
风花雪月
Xue Yu
2013 Saving Mother Robot
玛德2号
2013 Amazing
神奇
computer engineer
2014 Breaking the Waves
激浪青春
pampanauhing pagganap
2014 The White Haired Witch of Lunar Kingdom
白发魔女传之明月天国
Zhuo Yihang
2014 Women Who Flirt
撒娇的女人最好命
Marco
2014 The Crossing
太平轮
Lei Yifang
2015 Bringing Joy Home 2015
2015 Insanity
暴疯语
2015 You Are My Sunshine
何以笙箫默
2015 Hollywood Adventures
横冲直撞好莱坞
2016 Xuanzang
大唐玄奘
Xuanzang
2016 Mission Milano
王牌逗王牌
TBA Wu Wen Xi Dong
无问西东
Taon Pamagat Papel Mga Tala
1998 Love is Not a Game Xiao Zhuoyi
1999 Bodidharma Pang Xin pampanauhing pagganap
1999 Evidence Chen Guodong
2000 A Netizen's Diary Yu Baimei
2000 Little Sister Hua Ni Ren Zhiyang
2000 Storm of the Dragon Di Guangyuan
2001 Da Han Tian Zi 1 Emperador Wu ng Han
2001 Invincible Magistrate
2001 Chang Ying Zai Shou
2002 My Fair Princess III Xiao Jian
2002 Merry Wanderer Tang Bohu Tang Bohu
2003 Heroic Legend Sinaunang prinsipe
2003 Da Han Tian Zi 2 Emperador Wu ng Han
2003 Womanly Skill and Manly Look Wang Jun
2004 Long Piao Qi Zijun
2005 Da Han Tian Zi 3 Emperador Wu ng Han
2006 The Return of the Condor Heroes Yang Guo
2007 Shanghai Bund Xu Wenqiang Nominado - Shanghai Television Festival Magnolia Award for Best Actor
2008 A Sunny Day mang-aawit subway series
2008 Royal Tramp Wei Xiaobao
2009 Dark Fragrance Cheng Yuan, Cheng Da prodyuser din
2010 Summer's Desire Luo Xi Pangunahing Pagganap
2013 The Patriot Yue Fei Yue Fei
2015 Cruel Romance
锦绣缘·华丽冒险
Zuo Zhen

[9] [10]

Talang-Himig (Diskograpiya)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Detalye ng Album Tala ng mga Trak
2007 It's Ming
  1. An Lian (暗恋) - Crush/Unrequited Love
  2. My Girl
  3. Shen Me Dou Ke Yi (什么都可以) - Anything is Possible
  4. Feng De Hai Zi (风的孩子) - Child of the Wind
  5. Mei You Ni Wo Ai Shei (没有你我爱谁) - Without You, Whom Should I Love
  6. Tian Xie Qing Ren (天蝎情人) - Scorpion Lover
  7. Niang Jiu (酿酒) - Brewing
  8. Yin Wei You Ni (因为有你) - Because of You
  9. An Jing De Xiang Ni (安静的想你) - Quietly Thinking of You
  10. I'm Coming
  11. Jiu Suan Mei You Ming Tian (就算没有明天) - Even Without Tomorrow
2010 Moopa
  1. MOOPA (Move Party)
  2. Feng Sheng (风声) - The Message
  3. Tuan Tuan Yuan Yuan (团团圆圆) - Reunion
  4. Wo De Kuai Le Bu Shou Fei (我的快乐不收费) - My Happiness is Free of Charge
  5. Ni Shuo De Dui (你说的对) - You are Right
  6. Hao Ren Ka (好人卡) - Nice Guy Card
  7. Ni Zai Wo Xin Shang (你在我心上) - You're on My Heart
  8. Shou Bu Liao (受不了) - Unbearable
  9. Hei Mao Yu Niu Niao (黑猫与牛奶) - Black Cat and Milk
  10. MOOPA (Remix)
Taong Sensilyo
2008 One World One Dream
Inilabas Anril 2008
Hao Ren Ka (好人卡)
Inilabas Setyembre 2008
Ni Zai Wo Xin Shang (你在我心上)
Inilabas Nobyembre 2008
2009 Ni Shi Tian Shi (你是天使)
  • Pangkatapusang temang ng teleserye Dark Fragrance
Feng Sheng (風聲)
Inilabas Setyembre 2009
  • Isa sa mga temang awit para sa The Message
2010 Better City Better Life
Released January 2010

Mga Mahahalagang Gantimpala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Gantimpala para sa Pelikula at Telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Mga Kaganapan Mga Gantimpala
2009 12th Film Performance Art Academy Awards or Golden Phoenix Awards Society Award Winner
2010 10th Chinese Film Media Awards Most Popular Actor
2010 17th Beijing College Student Film Festival Favorite Actor
2011 11th Chinese Film Media Awards Outstanding Actor
2012 4th China Image Film Festival Best Actor
2013 29th Golden Rooster Awards Best Actor
2013 15th China Huabiao Film Awards Outstanding Actor
2014 12th Changchun Film Festival Best Actor
2014 32nd People's Hundred Flower Award Best Actor
2014 10th Chinese American Film Festival Best Actor of the Year
Taon Gantimpala
2006 One of the Ten Philanthropist Superstar by BAZAAR
2008 Image Ambassador of China Children and Teenagers' Fund
2008 Love Ambassador of China Research and Conservation Center for the Giant Panda
2009 Love Ambassador for giant pandas in Chengdu
2009 Love Ambassador for giant pandas in Ya’an
2009 Love Ambassador of Hong Kong Committee for UNICEF
2009 Action Ambassador of Star Commonwealth
2009 Volunteer Promotion Ambassador of EXPO 2010
2012 Star Citizen awarded by Southern Metropolis Entertainment Weekly
2014 Love Ambassador for accompanying empty nesters
2015 "Silver Angel" Love Ambassador of China Social Assistance Foundation
2015 Top Celebrity Philanthropist awarded by China Philanthropist
2016 Most Influential Philanthropist on China's Philanthropist List

Komprehensibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Mga Gantimpala
2007 Rank First on China's Most Beautiful 50 List of the Year 2007
2012 One of the Ten Esquires of the Year in the 8th Esquire Festival
2012 Most Valuable Actor in Commercial Endorsement, 5th ROI Festival
2014 Outstanding Youth of the Year 2014 of Shandong, China
2015 National Award for Young and Mid-aged Artists on Excellence in both Artistic Career and Moral Integrity
2015 May 1 Labor Award granted by China Film Co. Ltd.
Taon Gantimpala
2007 Idol singer of Chinese Mainland, Metro Radio Mandarin Hits Music Awards Presentation of Year 2007
2007 Favorite New Singer of the Year in University Music Festival of Year 2007
2008 All Rounded Artist of The Year 2008, Nin Jiom Beijing Pop Music Festival
2009 All Rounded Artist of The Year, Global Chinese Music Awards of the Year 2009


  1. 九岁的时候,我被在艺术团跳舞的姑姑送去参选儿童电影 (sa wikang Tsino). SOHU Corporation.
  2. 黄晓明:我始终有梦想 它指引我方向 (sa wikang Tsino). SINA Corporation. Pebrero 5, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Terkena Skandal, Huang Enru Keluar Graduate dari Bej48" (sa wikang Indones). Kibezaka. 2020-04-10. Nakuha noong 2020-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Huang Xiaoming selected to play the Warrior Hero Yang Guo". China Internet Information Center. Oktubre 20, 2004. Nakuha noong 2006-07-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "張紀中:周迅極可能演小龍女 黃曉明聶遠有机會". Epoch Times. Agosto 10, 2004.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "It's Ming debuts". China.Org.Cn. Disyembre 13, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Huang Xiaoming maybe join Media Asia Films Naka-arkibo 2011-09-09 sa Wayback Machine. July 13, 2010. Retrieved July 13, 2010.
  8. 黄晓明离开华谊 被曝将签约香港寰亚 (sa wikang Tsino). SINA Corporation.
  9. "Huang Xiaoming". imdb.com. Nakuha noong Marso 4, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Huang Xiaoming". chinesemov.com. Nakuha noong Marso 4, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  1. http://www.chinesefilms.cn/1/2012/04/11/122s8745.htm Naka-arkibo 2016-07-03 sa Wayback Machine.
  2. http://www.chinesefilms.cn/141/2012/05/21/141s9556.htm Naka-arkibo 2016-04-25 sa Wayback Machine.
  3. http://www.chinesefilms.cn/141/2012/06/21/241s10304.htm Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine.
  4. http://www.chinesefilms.cn/141/2012/07/11/122s10631.htm Naka-arkibo 2016-04-24 sa Wayback Machine.
  5. http://baike.baidu.com/view/13909.htm

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]