Emperador Wu ng Han
Si Emperador Wu ng Han o Han Wudi , (156 BK[1]–29 Marso, 87 BK), pangalang personal: Liu Che (劉徹), ay ang ika-pitong emperador ng Dinastiyang Han sa pangmakabagong-panahong punong-lupain ng Tsina, na naghari mula 141 BK hanggang 87 BK. Higit na naaalala si Emperador Wu dahil sa kanyang malawak na pagpapalawig ng teritoryo na naganap sa ilalim ng kanyang pamumuno, pati na ang malakas ang nakagitna o sentralisadong estadong Konpusyanong kanyang inorganisa. Tinutukoy siya sa kasaysayan ng Tsina bilang pinakadakilang emperador ng Dinastiyang Han, at isa sa pinakadakilang mga emperador sa kasaysayan ng mga Intsik. Dahil sa mabisang pamamahala ni Emperador Wu, naging isa ang Dinastiyang Han, kung hindi man pinakamakapangyarihan, sa pinakamalalakas na mga bansa sa mundo.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Paminsan-minsang tinatala ang kanyang petsa ng kapanganakan bilang 27 Agosto.
- ↑ Komentaryo ni Bo Yang sa makabagong edisyong Intsik ng Zizhi Tongjian, tomo. 7, at komentaryo ni Zhao Yi (趙翼) na nakapaloob doon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tsina at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.