Pumunta sa nilalaman

Ilog Perlas

Mga koordinado: 22°46′N 113°38′E / 22.767°N 113.633°E / 22.767; 113.633
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ilog Perlas (Tsina))

22°46′N 113°38′E / 22.767°N 113.633°E / 22.767; 113.633

Ilog Perlas
Zhū Jiāng
Ilog Perlas sa Humen malapit sa Bayan ng Humen
Ang dinaraanan ng sistema ng Ilog Perlas sa Tsina at Vietnam
Katutubong pangalan珠江
Lokasyon
BansaTsina, Vietnam
Mga lalawiganYunnan, Guizhou, Guangxi, Guangdong, Hong Kong, Macau, Cao Bằng, Lạng Sơn
Pisikal na mga katangian
Pinagmulaniba't-ibang mga pinagmulan ng mga sangang-ilog nito
BukanaDagat Timog Tsina
 ⁃ lokasyon
at Guangdong
Haba2,400 km (1,500 mi)[1]
Laki ng lunas453,700 km2 (175,200 mi kuw)[3]
Buga 
 ⁃ karaniwan9,500 m3/s (340,000 cu ft/s)[2]
Ilog Perlas
Pangalang Tsino
Tsino珠江
Pangalang Portuges
PortugesRio das Pérolas
Ilog Canton
Tradisyunal na Tsino粵江
Pinapayak na Tsino粤江
Kahulugang literalIlog Guangdong

Ang Ilog Perlas (Ingles: Pearl River), na kilala rin sa pangalang Tsino na Zhujiang (Chu Kiang) at dating malimit na kilala bilang Ilog Canton, ay isang malawak na sistemang ilog sa katimugang Tsina. Kadalasang ginagamit din ang pangalang "Ilog Perlas" bilang isnag katawagan para sa mga libis-agusan ng mga Ilog Xi ("Kanluran"), Bei ("Hilaga"), at Dong ("Silangan") ng Guangdong. Lahat ng mga ilog na ito ay itinuturing na mga sangang-ilog ng Ilog Perlas dahil nakikibahagi ang mga ito sa iisang delta, ang Delta ng Ilog Perlas. Kapag sinukat mula sa pinakamalayong dako ng Ilog Xi, ang sistema ng Ilog Perkas ay pangatlong pinakamahabang ilog, 2,400 kilometro (1,500 mi), kasunod ng Ilog Yangtze at ng Ilog Dilaw, at pangalawang pinakamalaki ayon sa dami, kasunod ng Yangtze. Ang 409,480-square-kilometre (158,100 mi kuw) na Limasan ng Ilog Perlas (珠江流域) ay dumadaloy sa karamihan ng Liangguang (mga lalawigan ng Guangdong at Guangxi), gayundin ang mga bahagi ng Yunnan, Guizhou, Hunan at Jiangxi sa Tsina; dumadaloy rin ito sa hilagang mga bahagi ng mga hilagang-silanganng lalawigan ng Cao Bằng at Lạng Sơn ng Vietnam.

Dagdag sa pagtumoy nito sa sistema bilang kabuoan, tumutukoy rin ang Ilog Perlas (Zhu Jiang) sa isang tiyak na sangay sa loob ng sistema. Ang Ilog Perlas na it o ay ang pinakamalapad na distributary sa loob ng delta, bagamat kapansin-pansing maigsi. Ang mga ilog na sumasama sa silangan ng Bei Jiang ay unang tinukoy bilang Ilog Perlas sa hilaga ng Guangzhou. Tanyag ang Ilog Perlas bilang ilog na dumadaloy sa lungsod ng Guangzhou. Ang wawa ng Ilog Perlas, Bocca Tigris, ay palagiang inihuhukay upang manatili itong bukas sa mga bapor pangkaragatan. Bumubuo na isang malaking look ang bunganga ng Ilog Perlas sa timog-silangan ng delta, ang Wawa ng Ilog Perlas. Hinihiwalay ng Bocca Tigris ang Shiziyang sa hilaga, Lingdingyang sa timog, at Jiuzhouyang sa katimugang dulo ng wawa na pinaliligiran ng Kapuluan ng Wanshan. Hinihiwalay ng look na ito ang Macau at Zhuhai mula Hong Kong at Shenzhen.

Pinangalanan itong Ilog Perlas dahil sa mga kabibeng kulay-perlas na nasa ilalim ng ilog sa bahaging dumadaloy sa lungsod ng Guangzhou.

Mga sangang-ilog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Encyclopædia Britannica: Yangtze River". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-21. Nakuha noong 2013-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Chapter 5: Plate D-6 — GES DISC: Goddard Earth Sciences, Data & Information Services Center". Disc.sci.gsfc.nasa.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-03. Nakuha noong 2012-11-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "珠江概况". 珠江水利网. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-22. Nakuha noong 2013-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)