Imahe (matematika)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang bunin na f mula sa sakop na X papunta sa kasakop na Y. Ang kulay-dilaw na bilog na nasa loob ng Y ay ang imahe ng f.

Sa matematika, ang imahe (mula Kastila imahen) ng isang bunin ay ang pangkat ng lahat ng mga halagang posibleng magawa nito.

Sa pangkalahatan, gumagawa ng isang pangkat ang paghahanap sa sagot sa isang binigay na bunin na f para sa bawat elemento ng subpangkat na A ng sakop nito. Ito ang "imahe ng A sa ilalim (o sa) f." Sa ganito ring pananaw, ang kabaligtarang imahe (tinatawag din sa Ingles na preimage) ng isang subpangkat na B ng kasakop ng f ay ang pangkat ng lahat ng mga elemento ng sakop na mamamapa sa mga miyembro ng B.

Bukod sa mga bunin, maaari ring mabigyang-kahulugan ang imahe at ang kabaligtarang imahe para sa mga relasyong tambalan.


Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.