Pumunta sa nilalaman

Pagsakop sa lagusan ng ihi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Impeksiyon sa lagusan ng ihi)
Pagsakop sa lagusan ng ihi (Urinary tract infection)
Maraming puting dugo ang makikita sa ihi ng isang tao na may pagsakop sa lagusan ng ihi
EspesyalidadUrology Edit this on Wikidata

Ang pagsakop sa lagusan ng ihi (UTI) (Ingles: uninary tract infection) ay ang pagsakop ng bakterya sa lagusan ng ihi. Kung nadamay lamang nito ang ibabang bahagi ng lagusan ng ihi, ito ay kilala bilang cystitis (ang pananakop ng bakterya sa pantog) at kung nadadamay naman nito ang itaas na bahagi ng lagusan ng ihi, ito ay kilala bilang pyelonephritis (ang pananakop ng bakterya sa bato). Ang mga hudyat ng cystitis ay mahapding pag-ihi, at madalas na pag-ihi o kagustuhang umihi (o pareho), habang ang pyelonephritis ay nagsasanhi ng lagnat at pananakit ng puson. Sa matatanda at musmos, ang mga hudyat ay hindi tiyak. Ang kadalasang sanhi ng dalawang uri ay ang Escherichia coli, gayunpaman ang ibang mga bakterya, birus, o fungi ay maari rin na maging sanhi.

Karaniwang nangyayari ang pagsakop ng bakterya sa lagusan ng ihi sa mga babae at hindi sa mga lalaki, kung saan ang kalahati ng mga kababaihan ay nagkaroon ng kahit isang impeksiyon sa isang punto ng kanilang buhay. Kadalasan pang nauulit ito. Ang mga salik ng panganib ay kinabibilangan ng katwanan ng babae, pakikipagtalik, at kasaysayan ng pamilya. Ang pyelonephritis, kung mangyayari, ay karaniwang sinusundan ng pagsakop ng bakterya sa pantog ngunit maari rin itong maghinatnan mula sa isang impeksiyon na sanhi ng dugo. Ang pagkilala ng sakit sa mga malusog na batang babae ay maaring ibatay na lamang sa mga hudyat. Dahil sa hindi malinaw na mga hudyat, maaring maging mahirap ang pagkilala ng sakit dahil may pagkakataon na magkaroon ng bakterya na walang pagsakop. Sa mga masalimuot na kaso, o kung nabigo ang paggamot, ang pag-culture sa ihi ay bakasakaling maging kapaki-pakinabang. Sa mga madalas magkaroon ng pagsakop, maari silang uminom ng mga antibayotik upang makaiwas.

Sa mga hindi masalimuot na tagpo, ang mga pagsakop ng bakterya sa lagusan ng ihi ay madaling magamot ng mga antibayotik para sa maikling panahon, bagaman ang paglaban ng bakterya sa maraming mga antibayotik na ginagamit sa paggamot ng karamdamang ito ay tumataas. Sa mga masalimuot na tagpo, ang mahabang panahon na pag-inom ng mga antibayotik o mga antibayotik na itinuturok sa ugat ay maaring kailanganin, at kung ang mga hudyat ay hindi nawawala sa dalawa o tatlong araw, kailangan ng karagdagang pagsusuri sa sakit. Sa mga kababaihan, ang pagsakop ng bakterya sa lagusan ng ihi ang pinaka karaniwan na nagsasanhi ng 10% ng lahat ng mga pagsakop sa lagusan ng ihi taun-taon.

Mga palatandaan at hudyat

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Maaring magkaroon ng nana ang ihi (isang karamdaman na kilala bilang pyuria) kagaya ng nakikita sa isang tao na may sepsis (pagsakop ng bakterya sa dugo o himaymay ng dugo) sanhi ng pagsakop sa lagusan ng ihi

Ang urinary tract infection sa ibabang bahagi ng lagusan ng ihi ay tinutukoy din bilang pagsakop sa pantog. Ang mga pinaka-karaniwang hudyat ay ang paghapdi tuwing umiihi at kailangang umihi ng madalas na walang lumalabas sa maselang bahagi ng babae at matinding pananakit.[1] Maaring mag-iba ang mga hudyat na ito mula sa banayad hanggang sa malubha[2] at tumatagal ng anim na araw sa mga malusog na kababaihan.[3] Maaring magkaroon ng ilang pananakit sa itaas ng buto sa may puson o ibabang bahagi ng likuran. Ang mga taong nakararanas ng pagsakop sa lagusan ng ihi sa itaas na bahagi ng lagusan ng ihi, opyelonephritis, ay maaring makaranas ng pananakit sa tagiliran, lagnat, o nasusuka at pagsusuka bilang karagdagan sa mga hudyat ng pagsakop sa lagusan ng ihi sa ibabang bahagi ng lagusan ng ihi.[2] Bihirang makikitang madugo ang ihi[4] o mayroong makikitang pyuria (nana sa ihi).[5]

Sa mga bata, ang sintomas lamang ng isang urinary tract infection (impeksiyon sa daanan ng ihi o UTI) ay maaaring isang lagnat. Dahil sa kakulangan sa mga mas makikitang sintomas, kapag ang mga babae na wala pang dalawang taong gulang o mga lalaki na hindi pa natuli ay nagpakita ng isang lagnat nang wala pang isang taon, ang isang pag-culture sa ihi ay inirerekomenda ng maraming mga medikal na samahan. Ang mga sanggol ay maaaring kumain nang mahina, sumuka, mas marami ang pagtulog, o magpakita ng mga palatandaan ng paninilaw. Sa mas matandang mga bata, maaaring mangyari ang bagong pagsisimula ng hindi mapigilang pag-ihi (kawalan ng kontrol sa pantog).[6]

Ang mga sintomas ng urinary tract (daanan ng ihi) ay karaniwang kulang sa matatanda.[7] Ang mga pagpapakita ay maaaring walang katiyakan sa hindi mapigilang pag-ihi, isang pagbabago sa kalagayan ng isipan, o pagkapagod bilang mga tanging sintomas.[2] Habang ang ilan ay humaharap sa tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan na mayroong sepsis, isang impeksiyon sa dugo, bilang unang mga sintomas.[4] Ang diyagnosis ay maaaring gawing komplikado ng katotohanan na maraming mga matatandang tao ang mayroong umiiral nang hindi mapigilang pag-ihi o demensya.[7]

Ang E. coli ay ang bakteryang nagsasanhi ng 80–85% ng mga pagsakop sa lagusan ng ihi. Ang Staphylococcus saprophyticus naman ang sanhi ng 5–10% ng mga tagpo.[1] Bihira na ang pagsakop ay sanhi ng birus o fungus.[8] Ang ibang mga sanhi ng pagsakop ng bakterya ay kinabibilangan ng: Klebsiella, Proteus, Pseudomonas, at Enterobacter. Ang mga ito ay hindi karaniwan at kadalasang may kaugnayan sa mga may hindi normal na sistemang pang-ihi o ang mga nakaasa sa catheter sa pantog.[4] Ang mga pagsakop sa lagusan ng ihi na dahil sa Staphylococcus aureus ay kadalasang nangyayari, pangalawa sa mga pagsakop na sanhi ng dugo.[2]

Sa mga labintauning kababaihan na sekswal na aktibo, ang sekswal na gawain ay ang sanhi ng 75–90% ng mga pagsakop sa pantog, na mayroong panganib ng pagsakop na nakatangan sa dalas ng siping.[1] Ang terminong "honeymoon cystitis" ay inilapat sa pangyayaring ito na madalas na mga UTI sa panahon ng simula ng pag-aasawa. Sa mga kababaihang menopause na, hindi na nakakadamay ang sekswal na aktibidad sa panganib ng pagkakaroon ng UTI. Ang paggamit ng spermicide, malayang dalas ng siping, ay pinapataas ang panganib ng mga UTI.[1]

Mas madaling magkaroon ng UTI ang mga kababaihan kaysa sa mga lalaki, dahil sa mga babae, ang urethra (kung saan lumalabas ang ihi) ay mas maikli at mas malapit sa butas ng puwit.[9] Habang bumababa ang mga antas ng estrogen ng babae sa menopause, ang banta ng pagsakop ng bakterya sa daanan ng ihi ay tumataas dahil sa pagkawala ng nagsasanggang vaginal flora.[9]

Mga catheter para sa pag-ihi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinapataas ng paglalagay ng catheter ang panganib ng pagsakop sa lagusan ng ihi. Ang panganib ng bacteriuria (bakterya sa ihi) ay nasa pagitan ng tatlo hanggang anim na bahagdan kada araw at ang mga prophylactic (pang-iwas sa sakit) na antibayotik ay hindi mabisa sa pagbabawas ng mga hudyat ng pagsakop.[9] Mabawasan ang panganib ng pagsakop sa pamamagitan ng paglalagay ng catheter kung kinakailangan lamang habang gamit ang isterilisadong paraan ng pagpapasok, at pinapanatili ang hindi barado ang daanan ng catheter.[10][11][12]

Ang posibilidad para sa mga pagsakop sa pantog ay namamana mula sa magulang. Ang ibang mga salik ng panganib ay kinabibilangan ng diyabetes melitus (pinaka-karaniwang uri ng diyabetes),[1] ang pagiging hindi tuli, at pagkakaroon ng malaking prostate.[2] Ang mga komplikadong salik ay malabo at kinabibilangan ng mga pangkatawan, paggana, o pang-metabolismong abnormalidad. Ang isang masalimuot na UTI ay lalong mahirap magamot at karaniwang kinakailangan ng mas agresibong pagtatasa, paggamot, at pag-follow-up.[13] Sa mga bata, ang mga UTI ay nauugnay sa vesicoureteral reflux (isang hindi normal na paggalaw ng ihi mula sa pantog papunta sa mga ureter o mga bato) at hindi makadumi.[6]

Ang mga taong may pinsala sa gulugod ay nasa panganib ng pagsakop sa lagusan ng ihi bilang bahagi dahil sa paulit-ulit na paggamit ng catheter, at bilang bahagi ng hindi karaniwang di pagpuno ng ihi sa pantog.[14] Ito ang pinaka-karaniwang sanhi ng impeksiyon sa populasyon na ito, gayundin ang pinaka-karaniwang sanhi ng pagkakaospital.[14] Bilang karagdagan, ang pag-inom ng cranberry juice o cranberry supplement ay tila hindi mabisa sa pag-iwas at paggamot sa tipon na ito.[15]

Paraan ng pagbuo ng karamdaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bakterya na sumasakop sa lagusan ng ihi ay kadalasang pumapasok sa pantog sa pamamagitan ng urethra. Gayunpaman, maaari ring mangyari ang pagsakop sa pamamagitan ng dugo o lymph. Pinaniniwalaan na ang bakterya ay kadalasang dinadala papunta sa urethra mula sa bituka. Ang mga kababaihan ang may mataas na panganib dahil sa kanilang anatomiya. Matapos makapasok sa pantog, ang E. coli ay didikit sa gilid ng pantog at bubuo ng isang biofilm na lumalaban sa panangga ng katawan.[4]

Ang bilang ng mga pamamaraan ay hindi pa napapatunayan na nakakaapekto sa dalas ng UTI kabilang ang: paggamit ng mga gamot na pampigil sa pagbubuntis o mga kondom, kaagad na pag-ihi pagkatapos ng pagtatalik, ang uri ng ginagamit na salawal, mga personal na pamamaraan ng kalinisan pagkatapos umihi o dumumi, o kung ang isang tao ay karaniwang naliligo o nagsha-shower.[1] Mayroon kaparehong kakulangan ng ebidensiya na nakapaloob sa damay ng pagpipigil ng pag-ihi, paggamit ng tampon, at paghuhugas.[9]

Para sa mga may madalas na mga impeksiyon sa daanan ng ihi na gumagamit ng spermicide o diaphragm bilang paraan ng pampigil sa pagbubuntis, sila ay pinapayuhan na gumamit ng mga alternatibong paraan.[4] Maaring bawasan ng Cranberry (juice o kapsula) ang pangyayari ng mga madalas na pagsakop,[16][17] ngunit ang pangmatagalang toleransiya ay isang suliranin[16] sa pagkasira ng tiyan na nangyayari sa mahigit sa 30%.[18] Ang paggamit ng dalawang ulit araw-araw ay maaring pinakamahusay kaysa sa isang ulit na paggamit.[19] Simula 2011, ang mga probiyotiko na ipinapasok sa maselang bahagi ng babae ay nangangailangan ng karagdagang pag-aaral para malaman kung ang mga ito ay kapaki-pakinabang.[4] Ang paggamit ng condom nang walang spermicide o ang paggamit ng mga gamot na pampigil sa pagbubuntis ay hindi pinapataas ang panganib ng hindi masalimuot na impeksiyon sa daanan ng ihi.[20]

Para sa mga mayroong pabalik-balik na mga pagsakop, ang isang matagal na panahon ng araw-araw na mga antibayotik ay mabisa.[1] Ang mga gamot na madalas gamitin ay kinabibilangan ng nitrofurantoin at trimethoprim/sulfamethoxazole.[4] Ang methenamine ay isa pang agent na madalas na ginagamit para sa layunin na ito dahil ang pantog ay mayroong mababang acidity, ito ay lumilikha ng formaldehyde kung saan walang nabubuong paglaban dito.[21] Sa mga tagpo na ang pagsakop ay nauugnay sa pagtatalik, ang pag-inom ng mga antibayotik pagkatapos nito ay maaring kapaki-pakinabang.[4] Sa mga kababaihang natapos na ang menopause, ang paglalagay sa ibabaw ng estrogen sa maselang bahagi ng babae ay natuklasang binabawasan ang muling pagbalik nito. Bilang salungat sa mga ipinapahid na cream sa ibabaw, ang paggamit ng vaginal estrogen mula sa mga pessary (natutunaw na piraso na ipinapasok sa maselang bahagi) ay hindi kapaki-pakinabang katulad ng mababang dosis ng mga antibyotiko.[22] Ang bilang ng mga bakuna ay binubuo simula 2011.[4]

Ang ebidensiya na ang pang-iwas na mga antibayotik ay binabawasan ang mga impeksiyon sa lagusan ng ihi sa mga batang mahihirap.[23] Gayunpaman, ang pabalik-balik na mga UTI ay bihirang sanhi ng mga karagdagang problema sa bato kung walang mga nasa ilalim na abnormalidad sa mga bato, na nagreresulta sa mababa sa ikatlo ng porsiyento (0.33%) ng hindi gumagaling na sakit sa bato sa mga nasa hustong gulang.[24]

Pagkilala sa sakit

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Maraming bacilli (bakterya na hugis pamalo, kulay-itim, at hugis munggo) na ipinapakita sa pagitan ng mga puting dugo sa mikroskopyo. Ang mga pagbabagong ito ay nagpapakita ng pagsakop ng mikrobyo sa lagusan ng ihi.

Sa mga tuwirang kaso, maaaring gumawa ng pagkilala at paggamot na ibinibigay batay sa mga hudyat lamang ng walang karagdagang pagpapatunay sa laboratoryo. Sa mga masalimuot o kahina-hinalang kaso, makatutulong na patunayan ang pagkilala sa pamamagitan ng pagsuri ng ihi, paghahanap ng mga nitrite sa ihi, mga puting dugo (leukocytes), o leukocyte esterase. Ang isa pang pagsusuri, ang mikroskopya ng ihi, paghahanap ng mga pulang dugo, puting dugo, o bakterya. Ang culture ay itinuturing na positibo kung ito ay nagpapakita ng bilang ng kolonya ng bakterya na mas mataas kaysa o katumbas ng 103 mga unit na bumubuo ng kolonya kada mL ng isang karaniwang organismo sa laguaan ng ihi. Ang pagiging sensitibo sa antibayotik ay maaari ring masubukan sa mga culture na ito, ang mga ito ay nakakatulong sa pagpili ng paggamot gamit ang antibayotik. Gayunpaman, ang mga kababaihang may negatibong culture ay maaari pa ring bumuti sa paggamot gamit ang antibayotik.[1] Dahil ang mga hudyat ay maaaring aalabo at walang masasandalang pagsusuri, ang pagkilala ay mahirap para sa matatanda.[7]

Ang impeksiyon sa lagusan ng ihi ay maaaring kasangkutan lamang ng ibabang bahagi ng daanan ng ihi, sa ganitong kaso ito ay kilala bilang impeksiyon sa pantog, cystitis. Bilang kabaligtaran, ito ay maaaring kasangkutan ng itaas na bahagi ng lagusan ng ihi, pyelonephritis. Kung ang ihi ay naglalaman ng maraming bakterya ngunit walang mga hudyat, ang karamdaman ay kilala bilang asymptomatic bacteriuria (pagkakaroon ng bakterya sa ihi nang walang mga sintomas).[2] Kung ang impeksiyon sa lagusan ng ihi ay kinasasangkutan ng itaas na bahagi, at ang tao ay mayroong diabetes mellitus (pinaka-karaniwang uri ng diyabetes), buntis, lalaki, o mahinang sistema ng panangga, ito ay itinuturing na masalimuot.[3][4] Kung ang isang babae ay malusog at bago mag-menopause ito ay itinuturing na hindi masalimuot.[3] Sa mga bata, kung ang pagsakop sa lagusan ng ihi ay may tangan na lagnat, ito ay itinuturing na isang pagsakop sa itaas na bahagi ng daanan ng ihi.[6]

Upang gawin ang pagkilala ng isang impeksiyon sa laguaan ng ihi sa mga bata, ang isang positibong culture ng ihi ang kailangan. Ang dapo ay madalas na isang hamon tangan sa ginagamit na paraan ng pagsalo, kaya ang cutoff ng 105 CFU/mL ang ginagamit para sa isang "clean-catch" mid stream na sample (pagsalo ng ihi sa kalagitnaan ng pagtulo nito at hindi ang unang patak), 104 CFU/mL ang ginagamit para sa mga sample na kinuha sa catheter, at 102 CFU/mL ang ginagamit para sa mga suprapubic aspiration (ang isang sample ay tuwirang kinukuha mula sa pantog gamit ang karayom). Ang paggamit ng "mga supot ng ihi" para saluhin ang mga sample ay hindi hinihikayat ng World Health Organization dahil sa mataas na pagkakataon ng kontaminasyon kapag na-culture, at mas mainam ang paglagay ng catheter sa mga hindi sinanay pumunta sa banyo. Ang ilan, katulad ng Akademya ng mga Pediyatriko ng Amerika ay inirerekomenda ang ultrasound ng bato at voiding cystourethrogram (panonood sa urethra (kung saan lumalabas ang ihi) at pantog gamit ang tunay na mga x-ray habang sila ay umiihi) sa lahat ng mga bata na mas bata sa dalawang taong gulang na nagkaroon ng isang pagsakop sa lagusan ng ihi. Gayunpaman, dahil mayroong kakulangan sa mabisang paggamot kung makikita man ang suliranin, ang iba kagaya ng National Institute for Clinical Excellence (Pambansang Institusyon para sa Klinikal na Kahusayan) ay inirerekomenda lamang ang karaniwang imaging sa mga wala pang anim na buwan o mayroong mga hindi karaniwang natuklasan.[6]

Kalimitan na pagkilala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga kababaihan na may cervicitis (pamamaga ng cervix) o vaginitis (pamamaga ng kalamnan sa ari ng babae) at sa mga batang lalaki na may mga hudyat ng UTI, ang Chlamydia trachomatis o Neisseria gonorrheae ang maaaring sanhi.[2][25] Ang vaginitis ay maari ring dulot ng isang impeksiyon ng lebadura.[26] Ang interstitial cystitis (pabalik-balik na pananakit ng pantog) ay maaring isaalang-alang para sa mga taong nakararanas ng maraming yugto ng hudyat ng UTI ngunit ang culture ng ihi ay nananatiling negatibo at hindi gumagaling sa mga antibayotik.[27] Ang prostatitis (pamamaga ng prostate) ay isinaalang-alang din sa kalimitan na pagkilala.[28]

Ang pangunahing bahagi ng paggamot ay ang mga antibayotik. Ang phenazopyridine ay inirereseta paminsan-minsan sa panahon ng mga unang ilang araw bilang karagdagan sa mga antibayotik upang makatulong sa mahapdi at pangangailangang umihi na minsang nadadama sa panahon ng pagsakop sa pantog.[29] Gayunpaman, ito ay karaniwang hindi inirerekomenda dahil sa mga alalahanin sa kaligtasan ng paggamit nito, lalo na sa isang mataas ang panganib ng methemoglobinemia(mas mataas kaysa sa normal na antas ng methemoglobin sa dugo).[30] Ang acetaminophen (paracetamol) ay maaring gamitin para sa mga lagnat.[31]

Ang mga kababaihang may pabalik-balik na payak na UTI ay maaring makinabang sa paggamot sa sarili kapag nangyari ang mga hudyat na may kasunod na medikal kung mabibigo lamang ang unang paggamot. Ang reseta para sa mga antibayotik ay maaring ihatid sa parmasiyotiko sa pamamagitan ng telepono.[1]

Hindi masalimuot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga hindi masalimuot na impeksiyon ay maaring masuri at magamot batay lamang sa mga hudyat.[1] Ang mga iniinom na antibayotik tulad ng trimethoprim/sulfamethoxazole (TMP/SMX), mga cephalosporin, nitrofurantoin, o isang fluoroquinolone ay pinaiikli ang panahon ng paggaling sa pangkalahatan na ang lahat ay pare-parehong mabisa.[32] Ang tatlong araw na paggamot gamit ang trimethoprim, TMP/SMX, o isang fluoroquinolone ay karaniwang sapat, samantala ang nitrofurantoin ay nangangailangan ng 5–7 araw.[1][33] Kapag ginagamot, ang mga sintomas ay dapat bumuti sa loob ng 36 oras.[3] Halos 50% ng mga tao ang gagaling nang walang paggamot sa loob ng ilang mga araw o linggo.[1] Ang Samahan ng Amerika para sa mga Nakakahawang Sakit ay hindi inirerekomenda ang fluoroquinolones bilang unang paggamot dahil sa alalahaning paglikha ng paglaban sa uri ng gamot na ito.[33] Sa kabila ng pag-iingat na ito, ang ilang paglaban ay nabubuo sa lahat ng mga gamot na ito na may kaugnayan sa malawak na paggamit nito.[1] Ang trimethoprim lamang ay itinuturing na katumbas ng TMP/SMX sa ilang mga bansa.[33] Para sa payak na mga UTI, ang mga bata ay madalas tumutugon sa isang tatlong araw na pagpapainom ng mga antibayotik.[34]

Pyelonephritis

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pyelonephritis ay ginagamot ng mas agresibo kaysa sa isang simpleng impeksiyon sa pantog gamit ang alinman sa mas mahabang kurso ng iniinom na antibayotik o mga itinuturok sa ugat na antibayotik.[35] Ang pitong araw ng iniinom na fluoroquinolone ciprofloxacin ay karaniwang ginagamit sa mga lugar kung saan ang paglaban sa gamot ay mas mababa sa 10%.Kung ang lokal na bilang ng paglaban sa gamot ay mas mataas sa 10%, ang isang dosis ng itinuturok sa ugat na ceftriaxone ay kadalasang inir'reseta. Sa mga nagpapakita ng mas malubhang sintomas, ang pagpapasok sa ospital para sa kasalukuyang mga antibyotiko ay maaaring kailanganin.[35] Ang mga komplikasyon tulad ng kawalan ng kakayahang umihi dahil sa isang bato sa bato ay maaring isaalang-alang kung ang mga hudyat ay hindi bubuti sa sumunod na dalawa o tatlong araw ng paggamot.[2][35]

Pag-aral ukol sa paglaganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pagsakop sa lagusan ng ihi ay ang pinakamadalas na pagsakop ng bakterya sa mga kababaihan.[3] Ang mga ito ay nangyayari nang pinakamadalas sa pagitan ng edad 16 at 35 taon, na may 10% ng mga kababaihan ang nakasasagap ng pagsakop taun-taon at 60% ang mayroong pagsakop sa ilang bahagi sa kanilang mga buhay.[1][4] Ang mga pagbalik ay karaniwan, na ang halos kalahati ng mga tao ang nakasasagap ng pangalawang pagsakop sa loob ng isang taon. Ang mga pagsakop sa lagusan ng ihi ay nangyayari nang apat na ulit na mas madalas sa mga babae kaysa sa mga lalaki.[4] Ang pyelonephritis ay madalas na nangyayari sa pagitan ng 20–30 beses.[1] Ang mga ito ang pinaka-karaniwang sanhi ng mga impeksiyong nakukuha sa ospital na nagiging sanhi sa halos 40%.[36] Ang mga bilang ng (pagkakaroon ng bakterya sa ihi na hindi nagpapakita ng mga hudyat) ay tumataas habang gumugulang mula dalawa hanggang pitong bahagdan sa mga kababaihang nasa edad na maaring mag-anak hanggang sa kasing taas ng 50% sa mga matatanda na nasa mga pangalagaan.[9] Ang mga bilang ng (pagkakaroon ng bakterya sa ihi na hindi nagpapakita ng mga sintomas) sa mga lalaki na mahigit 75 taon ay nasa pagitan ng 7-10%.[7]

Ang mga impeksiyon sa daanan ng ihi ay maaring makadamay sa 10% ng mga tao sa panahon ng pagkabata.[4] Sa mga bata ang mga pagsakop sa lagusan ng ihi ang pinakakaraniwan sa mga hindi natuli na lalaki na mas bata sa tatlong buwan, kasunod ang mga babae na mas bata sa isang taon.[6] Ang mga pagtatantiya sa mga bata gayunpaman ay nag-iiba nang malawakan. Sa pangkat ng mga bata na may lagnat, na mula sa pagitan ng pagkapanganak at dalawang taon, dalawa hanggang 20% ang nasuring may UTI.[6]

Lipunan at kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Estados Unidos, ang mga impeksiyon sa daanan ng ihi ang dahilan ng halos pitong milyong pagbisita sa tanggapan, isang milyong mga emerhensyang pagtungo sa departamento, at isang daang pagkakalulok sa pagamutan bawat taon.[4] Ang halaga ng mga impeksiyon na ito ay malaki sa parehong pagkawala ng oras sa trabaho at mga halaga ng pangangalagang medikal. Sa Estados Unidos ang direktang halaga ng paggastos ay tinatayang nasa 1.6 bilyong dolyares ng Estados Unidos taun-taon.[36]

Ang mga impeksiyon sa daanan ng ihi na inilarawan simula ng sinaunang panahon na may unang naitalang paglalarawan sa Ebers Papyrus na pinetsahan ng c. 1550 BC.[37] It ay inilarawan ng mga taga-Ehipto bilang "naglalabas ng init mula sa pantog".[38] Ang mabisang paggamot ay hindi nangyari hanggang nagkaroon ng pag-unlad at magagamit na mga antibayotik noong panahon ng 1930 bago ang panahong iyon ang mga halaman, bloodletting (pagkuha ng dugo) at pagpapahinga ay inirekomenda.[37]

Sa pagbubuntis

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga urinary tract infection ay mas nakababahala sa pagbubuntis dahil sa mataas na panganib ng mga pagsakop sa bato. Sa panahon ng pagbubuntis, pinapataas ng mataas na antas ng progesterone ang panganib ng bumabang lakas ng kalamnan ng mga ureter at pantog, na humahantong sa mas mataas na sakali[a] ng reflux, kung saan ang ihi ay dumadaloy pabalik sa mga ureter at papunta sa mga bato. Habang ang mga buntis na kababaihan ay walang mataas na panganib ng asymptomatic bacteriuria (pagkakaroon ng bakterya sa ihi na hindi nagpapakita ng mga hudyat), kung mayrong bacteriuria (pagkakaroon ng bakterya sa ihi) mayroong silang 25-40% panganib ng pagsakop sa bato.[9] Kay kung ang pagsusuri ng ihi ay nagpapakita ng mga palatandaan ng isang impeksiyon—kahit na walang mga hudyat—inirerekomenda ang paggamot.Ang cephalexin o nitrofurantoin ay karaniwang ginagamit dahil ang mga ito ay itinuturing na ligtas sa pagbubuntis sa pangkalahatan.[39] Ang isang impeksiyon sa bato sa panahon ng pagbubuntis ay maaring maghinatnan sa panganganak nang wala sa takdang oras o pre-eclampsia (isang kalagayan ng mataas na presyon ng dugo at hindi normal na paggana ng bato sa panahon ng pagbubuntis na maaring humantong sa mga pangingisay).[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14 Nicolle LE (2008). "Uncomplicated urinary tract infection in adults including uncomplicated pyelonephritis". Urol Clin North Am. 35 (1): 1–12, v. doi:10.1016/j.ucl.2007.09.004. PMID 18061019.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 Lane, DR; Takhar, SS (2011 Aug). "Diagnosis and management of urinary tract infection and pyelonephritis". Emergency medicine clinics of North America. 29 (3): 539–52. doi:10.1016/j.emc.2011.04.001. PMID 21782073. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Colgan, R; Williams, M (2011-10-01). "Diagnosis and treatment of acute uncomplicated cystitis". American family physician. 84 (7): 771–6. PMID 22010614.
  4. 4.00 4.01 4.02 4.03 4.04 4.05 4.06 4.07 4.08 4.09 4.10 4.11 4.12 4.13 Salvatore, S; Salvatore, S, Cattoni, E, Siesto, G, Serati, M, Sorice, P, Torella, M (2011 Jun). "Urinary tract infections in women". European journal of obstetrics, gynecology, and reproductive biology. 156 (2): 131–6. doi:10.1016/j.ejogrb.2011.01.028. PMID 21349630. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Arellano, Ronald S. Non-vascular interventional radiology of the abdomen. New York: Springer. p. 67. ISBN 978-1-4419-7731-1.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 Bhat, RG; Katy, TA, Place, FC (2011 Aug). "Pediatric urinary tract infections". Emergency medicine clinics of North America. 29 (3): 637–53. doi:10.1016/j.emc.2011.04.004. PMID 21782079. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Woodford, HJ; George, J (2011 Feb). "Diagnosis and management of urinary infections in older people". Clinical medicine (London, England). 11 (1): 80–3. PMID 21404794. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  8. Amdekar, S; Singh, V, Singh, DD (2011 Nov). "Probiotic therapy: immunomodulating approach toward urinary tract infection". Current microbiology. 63 (5): 484–90. doi:10.1007/s00284-011-0006-2. PMID 21901556. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 9.6 Dielubanza, EJ; Schaeffer, AJ (2011 Jan). "Urinary tract infections in women". The Medical clinics of North America. 95 (1): 27–41. doi:10.1016/j.mcna.2010.08.023. PMID 21095409. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  10. Nicolle LE (2001). "The chronic indwelling catheter and urinary infection in long-term-care facility residents". Infect Control Hosp Epidemiol. 22 (5): 316–21. doi:10.1086/501908. PMID 11428445.
  11. Phipps S, Lim YN, McClinton S, Barry C, Rane A, N'Dow J (2006). Phipps, Simon (pat.). "Cochrane Database of Systematic Reviews". Cochrane Database Syst Rev (2): CD004374. doi:10.1002/14651858.CD004374.pub2. PMID 16625600. {{cite journal}}: |chapter= ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  12. Gould CV, Umscheid CA, Agarwal RK, Kuntz G, Pegues DA (2010). "Guideline for prevention of catheter-associated urinary tract infections 2009". Infect Control Hosp Epidemiol. 31 (4): 319–26. doi:10.1086/651091. PMID 20156062.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  13. Infectious Disease, Chapter Seven, Urinary Tract Infections from Infectious Disease Section of Microbiology and Immunology On-line. By Charles Bryan MD. University of South Carolina. This page last changed on Wednesday, April 27, 2011
  14. 14.0 14.1 Eves, FJ; Rivera, N (2010 Apr). "Prevention of urinary tract infections in persons with spinal cord injury in home health care". Home healthcare nurse. 28 (4): 230–41. doi:10.1097/NHH.0b013e3181dc1bcb. PMID 20520263. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  15. Opperman, EA (2010 Jun). "Cranberry is not effective for the prevention or treatment of urinary tract infections in individuals with spinal cord injury". Spinal cord. 48 (6): 451–6. doi:10.1038/sc.2009.159. PMID 19935757. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  16. 16.0 16.1 Jepson RG, Craig JC (2008). Jepson, Ruth G (pat.). "Cochrane Database of Systematic Reviews". Cochrane Database Syst Rev (1): CD001321. doi:10.1002/14651858.CD001321.pub4. PMID 18253990. {{cite journal}}: |chapter= ignored (tulong)
  17. Wang CH, Fang CC, Chen NC; atbp. (2012). "Cranberry-containing products for prevention of urinary tract infections in susceptible populations". Arch Intern Med. 172 (13): 988–96. doi:10.1001/archinternmed.2012.3004. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  18. Rossi, R; Porta, S, Canovi, B (2010 Sep). "Overview on cranberry and urinary tract infections in females". Journal of Clinical Gastroenterology. 44 Suppl 1: S61-2. doi:10.1097/MCG.0b013e3181d2dc8e. PMID 20495471. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  19. Wang, CH; Fang, CC; Chen, NC; Liu, SS; Yu, PH; Wu, TY; Chen, WT; Lee, CC; Chen, SC (2012 July 9). "Cranberry-containing products for prevention of urinary tract infections in susceptible populations: a systematic review and meta-analysis of randomized controlled trials". Archives of Internal Medicine. 172 (13): 988–96. PMID 22777630. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  20. Engleberg, N C; DiRita, V; Dermody, T S (2007). "63". Schaechter's Mechanism of Microbial Disease (ika-4 (na) edisyon). Baltimore: Lippincott Williams & Wilkins. 618. ISBN 978-0-7817-5342-5.
  21. Cubeddu, Richard Finkel, Michelle A. Clark, Luigi X. (2009). Pharmacology (ika-4th ed. (na) edisyon). Philadelphia: Lippincott Williams & Wilkins. p. 397. ISBN 9780781771559. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  22. Perrotta, C; Aznar, M, Mejia, R, Albert, X, Ng, CW (2008-04-16). "Oestrogens for preventing recurrent urinary tract infection in postmenopausal women". Cochrane database of systematic reviews (Online) (2): CD005131. doi:10.1002/14651858.CD005131.pub2. PMID 18425910.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  23. Dai, B; Liu, Y; Jia, J; Mei, C (2010). "Long-term antibiotics for the prevention of recurrent urinary tract infection in children: a systematic review and meta-analysis". Archives of Disease in Childhood. 95 (7): 499–508. doi:10.1136/adc.2009.173112. PMID 20457696.
  24. Salo, J; Ikäheimo, R, Tapiainen, T, Uhari, M (2011 Nov). "Childhood urinary tract infections as a cause of chronic kidney disease". Pediatrics. 128 (5): 840–7. doi:10.1542/peds.2010-3520. PMID 21987701. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  25. Raynor, MC; Carson CC, 3rd (2011 Jan). "Urinary infections in men". The Medical clinics of North America. 95 (1): 43–54. doi:10.1016/j.mcna.2010.08.015. PMID 21095410. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  26. Leung, David Hui ; edited by Alexander; Padwal, Raj. Approach to internal medicine : a resource book for clinical practice (ika-3rd ed. (na) edisyon). New York: Springer. p. 244. ISBN 978-1-4419-6504-2. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong); |first= has generic name (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  27. Kursh, edited by Elroy D.; Ulchaker, James C. (2000). Office urology. Totowa, N.J.: Humana Press. p. 131. ISBN 978-0-89603-789-2. {{cite book}}: |first= has generic name (tulong)
  28. Walls, authors, Nathan W. Mick, Jessica Radin Peters, Daniel Egan ; editor, Eric S. Nadel ; advisor, Ron (2006). Blueprints emergency medicine (ika-2nd ed. (na) edisyon). Baltimore, Md.: Lippincott Williams & Wilkins. p. 152. ISBN 978-1-4051-0461-6. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong); |first= has generic name (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  29. Gaines, KK (2004 Jun). "Phenazopyridine hydrochloride: the use and abuse of an old standby for UTI". Urologic nursing. 24 (3): 207–9. PMID 15311491. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  30. Aronson, edited by Jeffrey K. (2008). Meyler's side effects of analgesics and anti-inflammatory drugs. Amsterdam: Elsevier Science. p. 219. ISBN 978-0-444-53273-2. {{cite book}}: |first= has generic name (tulong)
  31. Glass, [edited by] Jill C. Cash, Cheryl A. (2010). Family practice guidelines (ika-2nd ed. (na) edisyon). New York: Springer. p. 271. ISBN 978-0-8261-1812-7. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong); |first= has generic name (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  32. Zalmanovici Trestioreanu A, Green H, Paul M, Yaphe J, Leibovici L (2010). Zalmanovici Trestioreanu, Anca (pat.). "Cochrane Database of Systematic Reviews". Cochrane Database Syst Rev. 10 (10): CD007182. doi:10.1002/14651858.CD007182.pub2. PMID 20927755. {{cite journal}}: |chapter= ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  33. 33.0 33.1 33.2 Gupta, K; Hooton, TM, Naber, KG, Wullt, B, Colgan, R, Miller, LG, Moran, GJ, Nicolle, LE, Raz, R, Schaeffer, AJ, Soper, DE, Infectious Diseases Society of, America, European Society for Microbiology and Infectious, Diseases (2011-03-01). "International clinical practice guidelines for the treatment of acute uncomplicated cystitis and pyelonephritis in women: A 2010 update by the Infectious Diseases Society of America and the European Society for Microbiology and Infectious Diseases". Clinical infectious diseases : an official publication of the Infectious Diseases Society of America. 52 (5): e103-20. doi:10.1093/cid/ciq257. PMID 21292654.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  34. "BestBets: Is a short course of antibiotics better than a long course in the treatment of UTI in children".
  35. 35.0 35.1 35.2 Colgan, R; Williams, M, Johnson, JR (2011-09-01). "Diagnosis and treatment of acute pyelonephritis in women". American family physician. 84 (5): 519–26. PMID 21888302.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  36. 36.0 36.1 Brunner & Suddarth's textbook of medical-surgical nursing (ika-12 (na) edisyon). Philadelphia: Wolters Kluwer Health/Lippincott Williams & Wilkins. 2010. p. 1359. ISBN 978-0-7817-8589-1.
  37. 37.0 37.1 Al-Achi, Antoine (2008). An introduction to botanical medicines : history, science, uses, and dangers. Westport, Conn.: Praeger Publishers. p. 126. ISBN 978-0-313-35009-2.
  38. Wilson...], [general ed.: Graham (1990). Topley and Wilson's Principles of bacteriology, virology and immunity : in 4 volumes (ika-8 (na) edisyon). London: Arnold. p. 198. ISBN 0-7131-4591-9.
  39. Guinto VT, De Guia B, Festin MR, Dowswell T (2010). Guinto, Valerie T (pat.). "Cochrane Database of Systematic Reviews". Cochrane Database Syst Rev (9): CD007855. doi:10.1002/14651858.CD007855.pub2. PMID 20824868.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  1. posibilidad

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Nephrology

Padron:Gram-negative proteobacterial diseases