Pumunta sa nilalaman

Inang reyna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang inang reyna ay isang reynang biyuda na ina ng isang namamayaning monarko.[1] Ginagamit ang katawagan nito sa Ingles na queen mother simula pa noong hindi bababa sa 1560.[2] Lumitaw ito sa mga minamanang monarkiya sa Europa at ginagamit ito upang isalarawan ang ilang katulad ngunit naiibang mga konsepto sa hindi Europeong kalinangan sa buong sanlibutan.

Kadalasang tumutukoy "Ang Inang Reyna" (o "The Queen Mother" sa Ingles) kay Reynang Elizabeth Ang Inang Reyna (reynang konsorte, 1936–1952; inang reyna, 1952–2002), na ina ni Reyna Elizabeth II.

Ang isang biyudang reynang konsorte, o reynang biyuda, ay mayroon isang mahalagang posisyong pangkaharian (kahit siya man ay ina ng namumuno o hindi namumunong soberano) subalit hindi karaniwang may kahit anumang karapatan na humalili sa isang namatay na hari bilang isang monarko maliban na lamang kung siya ang susunod sa linya ng trono (isang posibilidad ay kung magpinsan at walang anak ang Hari at Reyna, ang hari ay walang ibang kapatid, at siya sa kanyang posisyon bilang kanyang pinsan ay kanyang malinaw na tagapagmana).

Isang bagong naghaharing hari ay maaring mayroon (sa pagtamo o pagkakalaon) isang asawa na magiging bagong reynang konsorte; at, siyempre, isang reynang reynante na tatawaging 'Reyna'. Karagdagan pa nito, maaring mayroong higit sa isang reynang biyuda sa kahit anumang binigay na panahon.

Kung ang isang hari ay nagbitiw at pinasa ang trono sa kanyang anak, sa gayong kaso, ang hari ay tatawagin ng kanyang anak bilang amang hari. Tinawag si Haring Norodom Sihanouk ng Cambodia bilang Ang Kanyang Kamahalan Amang Hari Norodom Sihanouk nang nagbitiw siya upang paboran ang kanyang anak.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ang isang inang reyna ay binibigay kahulugan bilang "A Queen dowager who is the mother of the reigning sovereign" ng parehong Oxford English Dictionary and Webster's Third New International Dictionary sa wikang Ingles.
  2. "Queen mother". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Kailangan ang suskripsyon o maging kasaspi ng publikong aklatan ng UK.)
  3. Denis D. Gray (Pebrero 4, 2013). "Cambodia mourns as 'King-Father' Sihanouk cremated". Yahoo News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 20, 2016. Nakuha noong Agosto 22, 2016. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)