Pumunta sa nilalaman

Inazawa

Mga koordinado: 35°15′53″N 136°47′48.9″E / 35.26472°N 136.796917°E / 35.26472; 136.796917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Inazawa, Aichi)
Inazawa

稲沢市
Owari ōkunitama-jinja (sa taas) at panoramang urbano ng Inazawa (sa baba)
Owari ōkunitama-jinja (sa taas) at panoramang urbano ng Inazawa (sa baba)
Watawat ng Inazawa
Watawat
Opisyal na sagisag ng Inazawa
Sagisag
Kinaroroonan ng Inazawa sa Aichi Prefecture
Kinaroroonan ng Inazawa sa Aichi Prefecture
Inazawa is located in Japan
Inazawa
Inazawa
 
Mga koordinado: 35°15′53″N 136°47′48.9″E / 35.26472°N 136.796917°E / 35.26472; 136.796917
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeToshiaki Ōno
Lawak
 • Kabuuan79.35 km2 (30.64 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Oktubre 2019)
 • Kabuuan135,580
 • Kapal1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoPino
- BulaklakKrisantemo
Bilang pantawag0587-32-1111
Adres1 Inabuchō, Inazawa-shi, Aichi-ken 492-8269
Websayt[www.city.inazawa.aichi.jp Opisyal na websayt]

Ang Inazawa (稲沢市, Inazawa-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon na 135,580 katao ang lungsod sa 54,999 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 1,709 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 79.35 square kilometre (30.64 mi kuw).

Ang Inazawa ay ang kinaroroonan ng panlalawigang kabisera at panlalawigang templo ng lalawigan ng Owari noong panahong Nara. Nagmumula rin sa panahong ito ang Owari Onkunitama Jinja, isang mahalagang dambanang Shinto na matatagpuan sa mga hangganan ng kasalukuyang lungsod. Noong panahong Edo, ang mga nayon ng Inaba at Ozawa ay bumuo sa hintuan sa Minoji, isang kaidō na nag-uugnay ng Miya-juku (Atsuta sa Tōkaidō) sa Tarui-juku (Lalawigan ng Mino) sa Nakasendō. Noong unang bahagi ng panahong Meiji, itinatag ang bayan ng Inazawa kasabay ng pagtatatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Lumawak ang kinasasakupan ng bayan noong 1907 at 1955 sa pamamagitan ng pagdurugtong ng kalapit na mga nayon, at noong 1 Nobyembre 1958, itinaas ito sa katayuang panlungsod.

Noong 1 Abril 2005, sinanib sa Inazawa ang mga bayan ng Heiwa at Sobue (kapuwa mula sa Distrito ng Nakashima).

Matatagpuan ang Inazawa sa mga kapatagan ng kanlurang dako ng Prepektura ng Aichi, at kahangga ang Prepektura ng Gifu sa kanluran. Malapit ito sa Nagoya. Kapuwang dumadaloy sa lungsod ang Ilog Kiso at ang Ilog Gojō.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] hindi gaanong nagbabago nang malakihan ang populasyon ng Inazawa sa nakalipas na 30 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1940 56,321—    
1950 71,370+26.7%
1960 79,847+11.9%
1970 110,629+38.6%
1980 126,023+13.9%
1990 132,483+5.1%
2000 136,928+3.4%
2010 136,415−0.4%

Mga kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Inazawa City official statistics (sa Hapones)
  2. Inazawa population statistics
  3. "姉妹都市:オリンピア市(ギリシャ)". 稲沢市. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-08. Nakuha noong 2012-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "姉妹提携情報". 自治体国際化協会. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-27. Nakuha noong 2012-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]