Pumunta sa nilalaman

Nishio

Mga koordinado: 34°50′N 137°04′E / 34.833°N 137.067°E / 34.833; 137.067
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nishio

西尾市
Kastilyo ng Nishio (taas) at Panoramang urbano ng Nishio (baba)
Watawat ng Nishio
Watawat
Opisyal na logo ng Nishio
Emblem
Kinaroroonan ng Nishio sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Nishio sa Prepektura ng Aichi
Nishio is located in Japan
Nishio
Nishio
 
Mga koordinado: 34°50′N 137°04′E / 34.833°N 137.067°E / 34.833; 137.067
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeKen Nakamura (mula noong 2017)
Lawak
 • Kabuuan161.22 km2 (62.25 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan169,984
 • Kapal1,100/km2 (2,700/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoCamphor laurel
- BulaklakRosas
Bilang pantawag0563-56-2111
Adres22 Yorizumichō Shimoda, Nishio-shi, Aichi-ken 445-8501
WebsaytOpisyal na website

Ang Nishio (西尾市, Nishio-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi sa rehiyong Chūbu ng Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon na 169,984 katao ang lungsod sa 65,553 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 1,054 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 160.22 square kilometre (61.86 mi kuw). Ito ay isang panrehiyon na sentrong pangkomersiyo at paggawa at ang pangunahing tagagawa ng nakapulbos na tsaang lunti.

Tinitirhan na ang lugar ng Mikawa mula noong panahong prehistoriko, tulad ng pinatutunayan ng pagkakatuklas ng mga piraso ng mga pasong buhat sa panahong Jōmon at ang megalitikong puntod ng Kofun sa Kira, ang pinakamatanda sa Lalawigan ng Mikawa. Ginagamit ang masaganang mga kapatagan sa kahabaan ng Ilog Yahagi sa pagtatanim ng palay, tsaa, at kapok mula pa noong sinaunang mga panahon. Natuklasan din ang mga bunton ng talukab na buhat sa panahon ng Paleolitikong Hapones sa lugar ng kasalukuyang kabayanan at tumutukoy sa isda at pagkaing-dagat bilang mahalagang mga produktong pampook. Sa Hazu, isang dambana mula sa panahong Nara ay patunay sa isang sinaunang ugnayang pangkalinangan sa noo'y kabisera ng Hapon.

Noong panahong Sengoku ng ika-15 dantaon, ang Nishio ay tahanang lupain ng angkang Sakai na nakabase sa Kastilyo ng Nishio. Kalaunan ay napunta ang lugar sa pamumuno ng angkang Tokugawa, at noong panahong Edo karamihan sa lugar ay pinamunuan bilang Dominyong Nishio, isang menor na dominyong piyudal na fudai sa ilalim ng kasugunang Tokugawa. Lumago ang lugar bilang isang pantalan ng pangingisda, at dahil sa kinaroroonan nito sa lansangang Tōkaidō na nag-uugnay ng Edo sa Kyoto, bagamat napinsala ang pamayanan dahil sa isang tsunami dulot ng lindol ng Hōei (1707).

Sa unang bahagi ng panahong Meiji, kasabay ng pagtatag ng sistema ng makabagong mga munisipalidad, ibinuo ang Nishio bilang isang nayon sa Distrito ng Hazu noong 1871. Pagkaraan ng lindol sa Mino–Owari (1891), tumama ang isang tsunami na ikinamatay ng higit sa 60 katao. Itinaas ang Nishio sa katayuang pambayan noong Mayo 1, 1906. Napinsala ang bayan noong lindol sa Tōnankai (1944) kung saang 32 ang namatay, at noong lindol sa Mikawa (1945) na ikinamatay ng 765 katao.

Kasunod ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Nishio ay nakapag-akit ng maraming mga manggagawa mula sa rural na katimugang Hapon, at lumaki ang populasyon nito. Naging lungsod ito noong 1953, kalakip ng pagdurugtong ng katabing mga bayan ng Heisaka at Terazu at katabing mga nayon ng Fukuchi at Muroba. Sinundan ito ng pagdurugtong ng mga nayon ng Miwa at Meiji sa lungsod noong 1955. Noong 1959, ang Bagyong Vera ay nagdulot ng malaking pinsala sa lugar at ikinasawi ng 20 katao.

Noong Abril 1, 2011, isinanib ang mga bayan ng Hazu, Isshiki at Kira (lahat buhat sa Distrito ng Hazu) sa Nishio. Binuwag ang Distrito ng Hazu bunga ng pagsasanib na ito.

Matatagpuan ang Nishio sa hilagang baybaying-dagat ng Look ng Mikawa sa Karagatang Pasipiko sa katimugang Prepektura ng Aichi. Nasa silangang pampang ng Ilog Yahagi ang lungsod. Banayad ang klima dahil sinisilong ito ng Tangway ng Chita at Tangway ng Atsumi. Ilang mga bahagi ng lungsod ay nasa loob ng mga hangganan ng Mikawa Wan Quasi-National Park.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Prepektura ng Aichi

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] tuluy-tuloy na lumalaki ang populasyon ng Nishio sa nakalipas na 70 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1950 121,300—    
1960 122,726+1.2%
1970 130,913+6.7%
1980 146,010+11.5%
1990 155,559+6.5%
2000 159,788+2.7%
2010 165,318+3.5%

Kapatid na mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Nishio City official statistics (sa Hapones)
  2. Nishio population statistics
  3. "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 4 March 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnay na midya ang Nishio sa Wikimedia Commons