Pumunta sa nilalaman

Aisai

Mga koordinado: 35°9′10″N 136°43′41.6″E / 35.15278°N 136.728222°E / 35.15278; 136.728222
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aisai

愛西市
Mula taas pababa: Gusaling panlungsod nf Aisai; taniman ng lotus ng Morikawa; tanawin ng distrito ng Saya mula sa himpapawid noog 1987;
Watawat ng Aisai
Watawat
Opisyal na logo ng Aisai
Kinaroroonan ng Aisai (nakatampok nang kulay rosas) sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Aisai (nakatampok nang kulay rosas) sa Prepektura ng Aichi
Aisai is located in Japan
Aisai
Aisai
 
Mga koordinado: 35°9′10″N 136°43′41.6″E / 35.15278°N 136.728222°E / 35.15278; 136.728222
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Lawak
 • Kabuuan66.70 km2 (25.75 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan61,320
 • Kapal920/km2 (2,400/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoPodocarpaceae
- BulaklakNelumbo nucifera
Bilang pantawag0567-26-8111
AdresYoneno 308,Inaba-cho, Aisai-shi, Aichi-ken 496-8555
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Aisai (愛西市, Aisai-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon na 61,320 katao ang lungsod sa 23,451 mga kabahayan,[1] at kapal ng populasyon na 919 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 66.70 square kilometre (25.75 mi kuw). Kasapi ng Alyansa para sa Malusog na mga Lungsod (AFHC) ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang Aisai.[2]

Noong panahong Edo, ang lugar ng kasalukuyang Aisai ay pinamunuan ng angkang Yokoi, mga katiwala ng Owari Tokugawa ng Nagoya. Noong panahong Meiji, binuo sa lugar na ito ang ilang mga nayong pinamamahala ng Distrito ng Kasai at Distrito ng Kaito, Prepektura ng Aichi, na kalaunan ay naging Distrito ng Ama sa panahong Taishō.

Itinatag ang lungsod ng Aisai noong Abril 1, 2005, bunga ng pagsasanib ng mga bayan ng Saya at Saori at mga nayon ng Hachikai at Tatsuta.

Ang Aisai ay matatagpuan sa pambaybaying mga kapatagan ng kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aichi, kahangga ang Prepektura ng Gifu sa kanluran. Mayroon itong maigsing hangganan ng Prepektura ng Mie sa timog-kanluran. Dumadaloy sa lungsod ang Ilog Kiso at ang Ilog Nagara.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Prepektura ng Aichi
Prepektura ng Mie
Prepektura ng Gifu
Datos ng klima para sa Aisai (1981–2010)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 16.5
(61.7)
19.3
(66.7)
24.3
(75.7)
29.1
(84.4)
33.6
(92.5)
36.8
(98.2)
39.0
(102.2)
40.3
(104.5)
37.9
(100.2)
31.8
(89.2)
25.2
(77.4)
22.0
(71.6)
40.3
(104.5)
Katamtamang taas °S (°P) 8.6
(47.5)
9.6
(49.3)
13.3
(55.9)
19.4
(66.9)
23.8
(74.8)
27.2
(81)
30.9
(87.6)
32.8
(91)
28.6
(83.5)
22.8
(73)
16.9
(62.4)
11.4
(52.5)
20.4
(68.7)
Arawang tamtaman °S (°P) 3.9
(39)
4.6
(40.3)
8.0
(46.4)
13.7
(56.7)
18.4
(65.1)
22.4
(72.3)
26.0
(78.8)
27.4
(81.3)
23.5
(74.3)
17.4
(63.3)
11.5
(52.7)
6.2
(43.2)
15.2
(59.4)
Katamtamang baba °S (°P) −0.1
(31.8)
0.3
(32.5)
3.3
(37.9)
8.5
(47.3)
13.7
(56.7)
18.5
(65.3)
22.5
(72.5)
23.6
(74.5)
19.6
(67.3)
12.9
(55.2)
6.8
(44.2)
1.9
(35.4)
10.9
(51.6)
Sukdulang baba °S (°P) −7.8
(18)
−8.5
(16.7)
−7.5
(18.5)
−0.8
(30.6)
4.7
(40.5)
12.0
(53.6)
16.2
(61.2)
15.8
(60.4)
10.6
(51.1)
2.0
(35.6)
−1.7
(28.9)
−6.0
(21.2)
−8.5
(16.7)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 55.0
(2.165)
73.2
(2.882)
138.6
(5.457)
150.6
(5.929)
180.1
(7.091)
224.0
(8.819)
221.8
(8.732)
144.5
(5.689)
228.2
(8.984)
127.4
(5.016)
92.1
(3.626)
50.6
(1.992)
1,686.3
(66.39)
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 149.1 158.0 186.5 196.3 191.9 152.5 169.9 205.8 159.4 164.8 154.9 148.8 2,037.1
Sanggunian: Japan Meteorological Agency (JMA)[3]

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[4] tuluy-tuloy ang pagbabago ng populasyon ng Aisai sa nakalipas na 30 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1960 38,629—    
1970 48,104+24.5%
1980 61,337+27.5%
1990 63,143+2.9%
2000 65,597+3.9%
2010 64,981−0.9%

Kilala ang Aisai sa paggawa nito ng maaaring kaining ugat ng lotus. Ang ibang pangunahing mga produktong pampananakahan ay luya, presas, kamatis, at ang paggawa ng sake.

Talasnaggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Aisai City official statistics (sa Hapones)
  2. Alliance for Healthy Cities official home page
  3. "Aisai 1981-2010". JMA. Nakuha noong Hulyo 11, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Aisai population statistics

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]