Pumunta sa nilalaman

Inhinyeriyang pang-agrikultura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Inhinyeriyang agrikultural)

Ang inhinyeriyang pang-agrikultura (Ingles: agricultural engineering) ay ang disiplina ng inhinyeriya na naglalapat o gumagamit ng agham ng inhinyeriya at teknolohiya sa produksiyon at prosesong pang-agrikultura. Pinagtatambal-tambal ng inhinyeriyang pang-agrikultura ang mga disiplina ng biyolohiyang panghayop, biyolohiyang panghalaman, at mga prinsipyo ng inhinyeriyang mekanikal, inhinyeriyang sibil (inhinyeriyang pambayan), inhinyeriyang elektrikal (inhinyeriyang pangkuryente) at inhinyeriyang pangkimika, na mayroong kaalaman hinggil sa mga prinsipyong pang-agrikultura.[1][2]

Kabilang sa mga disiplina at prinsipyong ito ang mga gawaing katulad ng pagdidisenyo ng makinaryang pang-agrikultura, kagamitan, at mga kayariang pang-agrikultura; mga makinang may panloob na kombustiyon ayon sa paggamit sa makinaryang pang-agrikultura; pamamahala ng mga napagkukunang pang-agrikultura (kabilang na ang paggamit ng lupain at paggamit ng tubig; pamamahala, konserbasyon, at pag-iimbak ng tubig para sa irigasyon ng mga pananim at produksiyon ng buhay na mga hayop na gagamitin bilang pagkain; pagsusurbey at paghuhusga ng lupain (land profiling); pamamahala at konserbasyon ng lupa na kasama ang erosyon at pagkontrol ng erosyon; pagtatanim ng buto, paglilinang, pag-ani, at [[proseso (inhinyeriya)|pagpoproseso ng mga pananim; produksiyon ng mga buhay na hayop na maaaring kainin, kabilang na ang pag-aalaga ng mga manok, isda, at mga hayop na napagkukunan ng gatas at keso; pamamahala ng mga basura, kasama na ang dumi ng mga hayop, latak o tira na pang-agrikultura, at daloy ng mga abono o pataba; inhinyeriyang pampagkain at ang pagpoproseso ng mga produktong pang-agrikultura; saligang mga prinsipyo ng pagsusuri ng sirkit ayon sa paggamit nito sa mga motor na dekuryente; mga aring katangian na pisikal at kimikal ng mga materyal na ginagamit o nalilikha ng produksiyong pang-agrikultura; inhinyeriya ng napagkukunang buhay na gumagamit ng mga makina na nasa antas pangmolekula upang matulungan ang kapaligiran; at ang disenyo ng mga eksperimento na may kaugnayan sa produksiyon ng mga pananim at mga hayop.

Ang mga karaniwang pinag-aaralan dito ay:

  • Makinang Lakas na ginagamit sa Sakahan (iba't ibang uri ng mga Makinaryang Agrikultural)
    • makinang may isahang unday (single stroke engine)
    • makinang may apatang unday (four stroke engine)
    • Lakas galing sa Hangin (wind power)
    • Lakas galing sa Araw (solar power)
    • Kuliglig (sasakyan)
    • traktora
  • Pangangalaga ng Lupa at Tubig (Soil & Water Conservation)
  • Irigasyon
  • Farm Electrification
  • Animal Husbandry

Mga Paaralan na may kursong Inhinyeriyang Pang-agrikultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga Pribadong at Pampublikong Pamantasan at dalubhasaan dito sa Pilipinas ang nagbibigay ng ganitong kurso. Halimbawa ng mga paaralang ito ay:

Propesyunal na Samahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hills, David (2004). "Agricultural engineering". The Engineering Handbook (ika-9 (na) edisyon). McGraw Hill. pp. 190-1–190-9. ISBN 0-07-913665-6.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Field, Harry; Solie, John (2007). Introduction to Agricultural Engineering Technology (ika-ika-3 (na) edisyon).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


InhinyeriyaAgrikultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya at Agrikultura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.