Pumunta sa nilalaman

Iron Man

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iron man)
Tony Stark
Iron Man
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaMarvel Comics
Unang paglabasTales of Suspense #39 (Marso 1963)
TagapaglikhaStan Lee
Larry Lieber
Don Heck
Jack Kirby
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanAnthony Edward "Tony" Stark
Lugar ng pinagmulanLong Island, New York
Kasaping pangkatAvengers
A.I. Army
Department of Defense
Force Works
New Avengers
Guardians of the Galaxy
Illuminati
Mighty Avengers
S.H.I.E.L.D.
Stark Industries
Stark Resilient
Thunderbolts
KakampiWar Machine
Rescue
Ironheart
Wasp
Spider-Man
Captain America
Kakayahan
  • Henyong antas ng katalinuhan
  • Sanay na siyentipiko at inhenyero
  • Mataas na kasanayan sa sining pandigma at mano-manong pakikipaglaban
  • Kasuotang baluti na may kapangyarihan:
    • Higit-sa-taong lakas at tibay (kapag ginagamit ang baluti)
    • Supersonikong paglipad
    • Energy repulsor at pagpapalabas ng misil
    • Pagpapanumbalik na suporta sa buhay

Si Iron Man ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng Marvel Comics. Ang karakter ay kasamang nilikha ng manunulat at patnugot na si Stan Lee, pinaunlad ng iskipter na si Larry Lieber, at dinisenyo ng mga tagaguhit na sina Don Heck at Jack Kirby. Unang lumabas ang karakter sa Tales of Suspense #39 (nakapetsa sa pabalat: Marso 1963), at nakatanggap na kanyang sariling titulo sa Iron Man #1 (Mayo 1968). At noong 1963 din, itinatag ng karakter ang Avengers kasama sina Thor, Ant-Man, Wasp at ang Hulk.

Ang karakter ay isang mayamang Amerikanong malaking negosyante, palikero, at mahusay na siyentipiko, na si Anthony Edward "Tony" Stark na nagdusa sa isang matinding pagkapinsala ng kanyang dibdib noong nakidnap siya. Nang sinubok ng kanyang mga tagahuli na puwesahin siyang gawin ang isang sandata ng malawakang pagkawasak, ginawa niya sa halip ang isang mekanisadong kasuotang baluti upang maligtas ang kanyang buhay at makatakas siya sa pagkabihag. Sa kalaunan, pinaunlad ni Stark ang kanyang kasuotan, sa pagdaragdag ng mga armas at ibang kagamitang panteknolohiya na kanyang dinisenyo sa pamamagitan ng kanyang kompanya, ang Stark Industries. Ginagamit niya ang kanyang kasuotan at mga sumunod na mga bersyon upang protektahan ang mundo bilang si Iron Man. Bagaman noong una ay hindi niya sinasabi ang kanyang tunay na katuhan, sa kalunan, inihayag rin ni Stark sa publiko na siya si Iron Man.

Noong una, ginamit ni Stan Lee si Iron Man upang gumawa ng mga tema ng mga kuwento tungkol sa Digmaang Malamig, partikular ang ginampanan ng teknolohiya at industriyang Amerikano sa paglaban sa komunismo. Nagbago ang mga sumunod na mga kuwento ni Iron Man mula sa paksa tungkol sa Digmaang Malamig hanggang sa mahahalagang alalahanin ng kontemporaryong panahon.[1]

Sa buong kasaysayan ng paglalathala ng karakter, karamihan dito ay tungkol sa pagiging tagapagtatag na kasapi si Iron Man sa pangkat ng mga superhero na tinatawag na Avengers at naitampok ito sa ilang mga bersyon ng kanyang sariling serye ng komiks. Nagkaroon din ng adaptasyon si Iron Man sa ilang mga animasyon sa telebisyon. Sa Marvel Cinematic Universe, ang karakter na Iron Man ay ginampanan ni Robert Downey Jr. sa mga pelikulang Iron Man (2008), The Incredible Hulk (2008) sa isang kameyo, Iron Man 2 (2010), The Avengers (2012), Iron Man 3 (2013), Avengers: Age of Ultron (2015), Captain America: Civil War (2016), Spider-Man: Homecoming (2017), Avengers: Infinity War (2018) at Avengers: Endgame (2019). Lumabas din ang karakter sa Spider-Man: Far From Home (2019) at sa Black Widow (2021) sa pamamagitan ng mga kuhang naka-arkibo.

Naka-ranggo ang Iron Man sa ika-12 sa "Pinakamataas na 100 na mga Bayani sa Komiks" ng IGN noong 2011[2] at ikatlo sa kanilang tala ng "Pinakamataas na 50 Avengers" noong 2012.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lee, Mike (Abril 30, 2013). "Little-known sci-fi fact: Stan Lee thought Marvel's readers would dislike Iron Man (at first)" (sa wikang Ingles). Blastr. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 17, 2015. Nakuha noong Mayo 7, 2015. In the years following his debut, Iron Man fought against the tyranny of communism, corporate crime, terrorism and alcoholism as a "second-tier" Marvel hero, despite always being a popular character amongst readers.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Iron Man – Top 100 Comic Book Heroes". IGN (sa wikang Ingles). 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 29, 2013. Nakuha noong Pebrero 10, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Top 50 Avengers". IGN (sa wikang Ingles). Abril 30, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 30, 2015. Nakuha noong Hulyo 28, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)