Pumunta sa nilalaman

Iturup

Mga koordinado: 45°02′N 147°37′E / 45.033°N 147.617°E / 45.033; 147.617
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Iturup
Pinag-aagawang isla
Ibang pangalan: Ruso: Итуру́п; Hapones: 択捉島; Ainu:エツ゚ヲロシㇼ
Larawan ng NASA ng katimugang dulo ng Iturup kasama ang Bulkang Berutarube at mga ilang kaulapan
Heograpiya
Lokayson Dagat ng Okhotsk
Mga koordinado 45°02′N 147°37′E / 45.033°N 147.617°E / 45.033; 147.617
Kapuluan Kapuluang Kuril
Lawak 3,139 square kilometre (776,000 akre)
Laki 200 kilometro (120 mi)
Haba 27 kilometro (17 mi)
Pinakamataas na punto Stokap
1,634 metro (5,361 tal)
Pinamumunuan ng
 Rusya
Oblast Sakhalin
Inaangkin ng
 Hapon
Prepektura Hokkaidō
 Rusya
Oblast Sakhalin
Demographics
Populasyon 7,500 (as of 2003)
Pangkat-etniko Ainu, Ruso

Ang Iturup (Ruso: Итуру́п and Остров Итуру́п, Ostrov Iturup[1]; Ainu: エツ゚ヲロシㇼ, Etuworop-sir; Hapones: 択捉島, Etorofu-tō[2]) ay isa sa mga kapuluan ng Kuril, na pinakamalaki at pinakahilagang pulo sa katimugan ng mga Kuril, na kasalukuyang hawak ng Rusya ngunit inaangkin rin ng Hapon. Itinuturing ng bansang Hapon na pinakahilagang dulo nito ang Iturup.

Nasa ilalim ng teritoryong Hapones ang naturang pulo hanggang sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, nang kunin ng hukbong Sobyet ang lahat ng Kuril at sapilitang pinaalis ang mga Hapones na naninirahan doon.

Matatagpuan ang Iturup sa katimugang dulo ng pangkat ng Kuril, sa pagitan ng Kunashir (19 km sa bandang timog-kanluran) at ng Urup (37 km sa hilagang-silangan). Ang bayan ng Kurilsk, ang sentrong administratibo ng Distrito ng Kurilsky, ay matatagpuan sa halos kalagitnaan ng kanlurang gawi.

  • Area - 3,139 km²
  • Haba - 200 km
  • Lapad - 7–27 km

Kilala ang kipot (strait) sa pagitan ng Iturup at Urup bilang Kipot ng Vries, na nagmula sa eksplorador na Olandes na si Maarten Gerritsz Vries, ang kauna-unahang naitalang Europeo na nakarating sa lugar na iyon.[3]

Mga larawang may kaugnayan sa Iturup

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ostrov Iturup: Russia". Geographical Names. Nakuha noong 2014-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Etorofu-tō: Russia". Geographical Names. Nakuha noong 2014-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Dutch exploration". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-03-25. Nakuha noong 2015-12-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.