Pumunta sa nilalaman

Jaya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jaya
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakMaria Luisa Ramsey
Kilala rin bilangSoul Diva, The Asia's Queen of Soul, The Philippine's Queen of Soul
Kapanganakan (1970-03-21) 21 Marso 1970 (edad 54)
PinagmulanMaynila, Pilipinas
GenreSoul, pop, adult contemporary, R&B, rock, hip hop, OPM, jazz, gospel, scat, funk, freestyle, dance
Trabahomang-aawit, rapper, aktres, mananayaw, musikero, record producer, TV host
Taong aktibo1989–kasalukuyan
LabelLeFrak-Moelis (1989)
VIVA (1996-2005)
GMA (2007-2011)
Universal Records (2011-present)

Si Jaya (ipinanganak Maria Luisa Ramsey noong 21 Marso 1970) ay isang Pilipinong mang-aawit, mananayaw, rapper, record producer, TV host, at aktres. Binansagan siya bilang Soul Diva at The Asia's Queen of Soul.

Pagkabata at pagkatuklas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kilala si Jaya bilang Queen of Soul o Soul Diva sa Pilipinas. Ipinanganak bilang Maria Jaya Luisa Ramsey noong 21 Marso 1969 sa Maynila. Nagmula ang pangalan niyang Jaya sa isang Amerikanong prodyuser nang siya ay palagdain sa isang record deal sa Estados Unidos noong 1989. Ang kanyang ina ay si Elizabeth Ramsey, na isang komedyante at mang-aawit.[1]

Nagsimula siya noong siya ay 10 taon bilang mananayaw ng kanyang ina. sa gulang na 13, siya ang hindi matalo matlong kampeon ng pangtanghaling palabas ng GMA-7 na Student Canteen at lumaon ay sumali sa Opera House. Nagsimula magsolo si Jaya noong 1992, gamit ang pangalang Louise Ramsey.

Sa Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napagpasiyahan ng kanyang ina na si Elizabeth na umalis patungong Estados Unidos noong 1985, at kasama niyang umalis si Louise. Doon ipinagpatuloy niya ang kanyang pagtatanghal, kasama ang iba pang mga artistang Pilipino gaya nina Tillie Moreno, Eddie Mercado, Lerma dela Cruz, at ang tambalang Reycards. Hindi naging madali ang buhay nina Jaya at ang kanyang ina sa Amerika. Nagpalipat-lipat sila sa California.

Pamagat Taon Estasyon Ginampanan
Home Sweetie Home 2017

ABS-CBN

Ms. Jay-Ah
Magandang Buhay 2016 ABS-CBN Panauhin
Gandang Gabi Vice 2016–2017 ABS-CBN Espesyal na panauhin
ASAP 1995–2000; 2016-kasaluyan ABS-CBN Panauhing manananghal
It's Showtime 2016-kasalukuuan ABS-CBN Judge at Tawag ng Tanghalan segment
Poor Señorita 2016 GMA Network Kapitana Edna Logatoc
Eat Bulaga! 2016 Tagapagtanghal sa isang segment Just Duet
Marimar 2015–2016 Corazon
Yagit 2014–2015 Madam / Manghuhula †
Sunday All Stars 2013–2015 Host
Mga Basang Sisiw 2013 Sally
Nay-1-1 2012 host/bilang sarili niya
Biritera 2012 Susie
Dwarfina 2011 iba-iba
Bantatay 2010–2011 Jaya the Labrador (tining)
Kaya ng Powers 2010 Helen de Herenes
isang programang fantasy/situational comedy pantelebisyon na binuo ng GMA Network, na kinabibilangan nina Rhian Ramos, Sheena Halili, Elmo Magalona, Joey Marquez at Rufa Mae Quinto.
Party Pilipinas 2010–2013 GMA Network Main host
The Philippines' new television concert variety show
Diva 2010 GMA Network Barbara/Barang
Isang musical dramedy sa telebisyon, tinawag rin bilang kauna-unahang kantaserye ng GMA..[2]
BandaOke 2009–2010 GMA Network Host
[3]
One Proud Mama 2008–2009 Q Host
Isang talk show na nagtatanghal ng mga matagumpay na mga personalidad kasama ang kanilang mga ina.[4]
Pinoy Pop Superstar 2004–2007 GMA Network Tagahatol
All Star K! (formerly K!, The P1,000,000 Videoke Challenge) 2002–2009 GMA Network Main host
SOP 2000–2010 GMA Network Main host
  • Pangako Ikaw Lang 2003 Viva Films
  • Enteng Kabisote & The Abangers 2016 MZet Films

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Elizabeth Ramsey: A Thousand Laughs In A Lifetime". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2013-09-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. GMA Telebabad powerhouse in 2010 Naka-arkibo June 29, 2011, sa Wayback Machine.
  3. "{show} - TV – GMA Entertainment – Online Home of Kapuso Shows and Stars". igma.tv. Nakuha noong Abril 12, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Elizabeth Ramsey & Jaya "Rock & Soul Tour 2008" - Feb. 8 - Los Angeles – Feb. 10 – San Francisco". carouselpinoy.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong Abril 12, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.