Jeju-do

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Jejudo
Katutubong pangalan: 제주도
Palayaw: Sammu-samda-do
Pulo ng di-tatlong uri at maraming tatlong uri
Image of Jejudo
Larawan ng Jejudo
Heograpiya
Lokasyon Silangang Asia
Kapuluan Jeju
Lawak 1,848 km2 (713.5 sq mi)
Haba 73 km (45.4 mi)
Lapad 31 km (19.3 mi)
Pinakamataas na elebasyon 1,950 m (6,400 ft)
Pinakamataas na bahagi Hallasan
Bansa
Timog Korea
Natatanging Nagsasariling Lalawigan Natatanging Nagsasariling Lalawigan ng Jeju (Espesyal na Awtonomong Rehiyon ng Jeju)
Kabiserang lungsod Lungsod ng Jeju (pop. 408,364)
Demograpiko
Populasyon 583,284
Kapal 316 /km2 (818 /sq mi)
Mga pangkat etniko Koreano
Jeju-do
Hangul 제주도
Hanja 濟州島
Binagong Romanisasyon Jejudo
McCune–Reischauer Chejudo

Ang Jejudo o Pulo ng Jeju ay ang pinakamalaking pulo ng Korea at ang pangunahing pulo ng Lalawigan ng Jeju ng Timog Korea. Nasa bandang Kipot ng Korea ang pulo, timog kanluran ng lalawigan ng Jeollanam-do. Mayroong templadong klima ang isla; kahit na tuwing taglamig, bihira lang pumalo ang temperatura na mababa sa 0°C (32°F).

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Pangkasaysayang Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong mga nagdaang panahon, tinawag ang pulo sa iba't ibang pangalan kabilang sa mga:

  • Doi (Hangul: 도이, hanja: , lit. "pulo barbaro")
  • Dongyeongju (Hangul: 동영주; hanja: 東瀛州)
  • Juho (Hangul: 주호, hanja: )
  • Tammora (탐모라, 耽牟羅)
  • Seomra (섭라, 涉羅)
  • Tangna (탁라, 乇羅)
  • Tamna (탐라, 耽羅)
  • Quelpart,[1][2] Quelparte[3] or Quelpaert Island[4]
  • Joonwonhado (준원하도, 준원下島 nangangahulugang katimugang bahagi ng tangway)
  • Taekseungnido (Hangul: 택승리도, nangangahulugang mapayapang mainit na pulo sa Joseon)

Pulo ng di-tatlong uri at maraming tatlong uri[baguhin | baguhin ang batayan]

Nangangahulugan ito na orihinal itong binigyang-palayaw ang isla ng tripleng kasaganaan: Hangin, bato at kababaihan, at saka nagdagdag ito sa reputasyon sa katotohanang wala itong mga pulubi, magnanakaw, ni mga naka-kandadong tarangkahan.[5]

Bago ang panahon ng pagkasakop nito sa Hapon nong 1910, kadalasang kilala ang isla bilang Quelpart sa mga Europeo. Lumilitaw na nanggaling ang pangalan sa unang barkong Europeo na nakakita sa isla, ang Olandes na Quelpaert, na siyang nakakita roon habang papunta sa baseng pangkalakalan ng mga Olandes sa Nagasaki, Hapon, na nagmula pa sa Taiwan (na dating kolonyang Olandes na tinawag na Formosa). Nang maging bahagi ng Hapon ang Korea noong 1910, nakilala ang pulo bilang Saishū-tō, ang paraang Hapones ng pagbasa ng Hanja ng Jeju-do.

Bago ang taong 2000 noong itinatag ng pamahalaan ng Seoul ang opisyal na Binagong Romanisayon ng Koreano, nakabaybay ang Jejudo bilang "Chejudo". Halos lahat ng mga nakasulat na sanggunian sa pulong iyon dati ay gamit ang dating baybaying iyon.

Proseso ng Pagkakabuo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Hakbang 1: Noong bandang 1.2 milyong taong nakalipas, nagsimulang sumabog ang magma na nabuo sa dagat.
  • Hakbang 2: Noong bandang 700,000 taong nakalipas, nabuo ang isang isla sa pamamagitan ng bulkanismo.

※ Pagkalipas ng ikalawang hakbang na aktibidad na pambulkan, walang naganap na ano mang bulkanismo sa loob ng halos 100,000 taon.

  • Hakbang 3: Noong bandang 300,000 taong nakalipas, nabuo ang isang baybaying dagat mula sa muling aktibidad na bulkanismo.
  • Hakbang 4: Noong bandang 100,000 taong nakalipas, nagkaroon ng aktibidad na pambulkan at doon nabuo ang Bundok Halla.
  • Hakbang 5: Noong bandang 25,000 taong nakalipas, ang mga pagilid na pagsabog sa palibot ng Bundok Halla ay nag-iwan ng maraming oreum.
  • Hakbang 6: Nahinto ang bulkanismo at nabuo ang Pulo ng Jeju mula sa matagalang pagka-bagbag at erosion.[6]

Galeriya[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

  • May kaugnay na midya ang Jeju sa Wikimedia Commons

Coordinates: 33°23′N 126°32′E / 33.38°N 126.53°E / 33.38; 126.53