Pumunta sa nilalaman

Jens Nowotny

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jens Nowotny
Kabatirang Pangkatauhan
Kabuuang pangalan Jens Nowotny
Petsa ng kapanganakan Enero 11, 1974
Lugar ng kapanganakan    Malsch, Baden-Württemberg,
Kanlurang Alemanya
Tangkad 1.87m.
Tungkulin sa paglalaro Tagapagtanggol
Mga klub na pangkabataan
1979–1985
1985–1990
1990–1991
SV Spielberg
Germania Friedrichstal
Karlsruher SC
Mga klub na pangmatanda1
Mga taon Klub Pgllbs (Mga pithaya)*
1991-1996
1996-2006
2006-2007
Karlsruher SC
Bayer Leverkusen
Dinamo Zagreb
103 (7)
231 (4)
10 (0)   
Pambansang kuponan2
1994–1996
1997–2006
Alemanya U-21
Alemanya
12 (0)
48 (1)

1 Mga pagbungad sa klub na pangmatanda at mga gol
ay naibilang sa ligang pantahanan lamang at
naisaayos ng huling petsang Nobyembre 5, 2006.
2 Mga tala ng laro ng Pambansang Kuponan at mga gol
ay naiwasto sa huling petsang Agosto 16, 2006.
* Mga Pagbungad (Mga Gol)

Si Jens Nowotny (Ipinanganak Enero 11, 1974 sa Malsch, Baden-Württemberg, Kanlurang Alemanya) ay isang dating manlalarong Aleman ng sipaan ng bola na may tungkulin bilang tagapagtanggol.

Nagsimula si Nowotny sa paglalaro ng sipaang-bola noong limang taong gulang pa lamang sa ilalim ng klub na SV Spielberg. Sa taon ng labing-isa, lumipat siya sa Germania Friedrichstal at tumagal siya sa loob ng limang taon hanggang 1990. Naging bahagi siya ng Karlsruher SC noong Hulyo 1991 at dito nagsimula ang kanyang karerang pampropesyon. Gayumpaman, kailangan niyang maghintay ang pagsapit ng Mayo 2, 1992 upang makalikha ng pasinayang Bundesliga sa labanang panlabas ng KSC laban sa Hamburger SV. Pagkatapos ng 103 laro sa Karlsruhe noong Hulyo 1996, lumipat siya sa Bayer Leverkusen at naglaro sa loob ng 231 larong Bundesliga at 34 na Liga ng mga Kampeon ng UEFA, kasama rito pag-abot ng Bayer sa pinakahuling Liga ng mga Kampeon noong 2002. Noong Hulyo 18, 2006, lumagda siya ng kasunduan sa Dinamo Zagreb, isang klub sa Kroasya, na maglalaro sa loob ng tatlong taon. Subali't, hanggang sampung laro lamang ang nilaro niya sa klub sapagka't napinsala muli sa ikalimang pagkakataon ang kanyang tuhod na naging sanhi ng katapusan ng kanyang karera. Dahil sa paulit-ulit na kapinsalaan sa tuhod, siya ay nagpasiyang magretiro na sa sipaang-bola noong Enero 22, 2007.

Pambansang kuponan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napasinaya sa kanyang paglalaro si Nowotny nang maging kasapi sa pambansang kuponan sa sipaan ng bola ng Alemanya noong Abril 30, 1997 sa larong pangkwalipika laban sa Ukrayna sa Bremen. Naging bahagi siya ng kuponang Aleman sa Euro 2000 at Euro 2004, kung saan lumabas siya nang tatlong beses sa paligsahang 2000 at dalawa naman sa paligsahang 2004. Noong taong 2006, siya ay napili nang di-inaasahan ni Jürgen Klinsmann para sa pambansang kuponan ng Alemanya sa pinakahuling Pandaigdigang Laro ng Putbol 2006 pagkatapos ng kanyang liban sa pansabansaang putbol sa loob ng dalawang taon. Ayon sa paniniwala ng karamihan, nang dahil sa kanyang edad na tatlumpu't dalawa, ang kanyang karanasan sa paglalaro ng putbol ay naging batayan ng pagtatalaga sa kuponan, ganundin sa kanyang pagpapataguyod sa mga batang manlalarong Aleman na tagapagtanggol. Subali't, isang beses lamang lumabas sa paglalaro sa paligsahan kung saan nakalaro siya ng buong 90-minutong larong pang-ikatlong puwesto laban sa Portugal. Sa kasaysayan ng kanyang paglalaro sa pambansang kuponan, siya ay nakapaglaro ng 48 larong pansabansaan at nakapagbigay ng punto na isang gol para sa Alemanya.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]