Pumunta sa nilalaman

Ji Sung

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Kwak.
Ji Sung
Kapanganakan
Kwak Tae-geun

(1977-02-27) 27 Pebrero 1977 (edad 47)
Seoul, Timog Korea
EdukasyonUnibersidad ng Hanyang - Teatro at Pelikula
Aktibong taon1999–kasalukuyan
AhenteNamoo Actors
AsawaLee Bo-young (k. 2013)
Anak1
Pangalang Koreano
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonJi Seong
McCune–ReischauerChi Sǒng
Pangalan sa kapanganakan
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonGwak Tae-geun
McCune–ReischauerKwak T’aegŭn

Si Ji Sung (ipinanganak bilang Kwak Tae-geun noong Pebrero 27, 1977) ay isang artista mula sa Timog Korea. Kilala siya sa pagganap sa mga Koreanovelang drama sa telebisyon na kinabibilangan ng All In (2003), Save the Last Dance for Me (2004), New Heart (2007), Protect the Boss (2011), My PS Partner (2012), Secret Love (2013) at Kill Me, Heal Me (2015).

Parehong tagapagturo ang kanyang mga magulang, at inaasahan si Ji Sung na pumasok din sa propesyon ng pagtuturo. Ngunit noong kanyang sopomorong taon sa mataas na paaralan, binilhan siya ng kanyang ama ng VCR at ang unang pelikulang nirenta niya ay ang Rain Man. Tumatak sa kanya ang pag-arte ni Dustin Hoffman sa pelikulang iyon at doon siya nagpasya na magiging artista siya, sa kabila ng pagsalungat ng ama niya.[1][2] Sa kalaunan, nag-aral siya Teatro at Pelikula sa Unibersidad ng Hanyang.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Healing Camp: Episode 3 (Guest: Ji Sung). Healing Camp, Aren't You Happy (sa wikang Ingles). Seoul Broadcasting System. 1 Agosto 2011.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ha, Soo-jung (12 Hulyo 2014). "Interview: Ji Sung Says Jogging 15 Kilometers Every Morning Has Changed His Life". enewsWorld (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-10-02. Nakuha noong 2014-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)