Pumunta sa nilalaman

Juana ng Arko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Joan of Arc)
Santa Juana ng Arko
Si Santa Juana de Arko sa araw ng Pagpuputong ng Korona kay Charles VII. Langis sa kanbas, ipininta noong 1854.
Birhen
Ipinanganakc. 1412
Domrémy, Pransiya
Namatay(1431-05-30)Mayo 30, 1431
Rouen, Pransiya
Benerasyon saSimbahang Romano Katoliko
Beatipikasyon18 Abril 1909, Katedral ng Notre Dame ni Pius X
Kanonisasyon16 Mayo 1920, Basilika ni San Pedro, Roma ni Benedikto XV
KapistahanMayo 30
KatangianBirhen
PatronPransiya; mga martir; mga bihag; mga militante; people ridiculed for their piety; mga nasa bilangguan; mga sundalo; mga kababaihang itinalaga para sa mga kusang-loob na serbisyong pang-emerhensiy; Hukbo ng mga Kababaihan

Si Santa Juana ng Arko (Pranses: Jeanne d’Arc, Ingles: Joan of Arc) (Enero[1] 1412 – 30 Mayo 1431) ay isa sa mga pambansang bayani ng Pransiya at isang Santo ng Simbahang Katoliko. Sa Mayo 30 ang araw ng kanyang pista.

Ipinanganak si Juana sa bayan ng Domrémy (ngayo'y Domrémy-la-Pucelle, o Domremy ng Dalagita), Pransiya noong Enero 6 o 16, 1412. Noong bata pa siya, naririnig na niya ang mga boses nina San Miguel Arkanghel, Sta. Katrina, at Sta. Margaret, at isinabi nang mga ito na ipagtanggol niya ang Pransiya mula sa pananakop ng mga Ingles. Sinundan niya ang utos ng mga tinig at nagbihis lalaki siya't sumapi sa Sandatahang Real ng Pransiya. Isa sa mga himalang nagawa niya ay kilalalin si Carlos, ang Dauphin (pagbigkas: DOfan) o prinsipe ng Pransiya na naging si haring Carlos VII. Sa isang okasyon, sa halip ng pagbihis ni Carlos sa karaniwan niyang mga damit bilang Dauphin ay nagdamit siya ng pangkaraniwang tao at nakipag-halubilo siya sa maraming tao. Kaagad-agad siyang nabuking ni Juana, at inalay ng dalagita ang kaniyang mga serbisyong pansandatahan sa Dauphin. Sa gulang na 17 taon, naging pinuno siya ng Sandatahang Real ng Pransiya at matagumpay na iniligtas ang lungsod ng Orleans mula sa mga Ingles.

Kamatayan at pagkasanto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinuli siya ng mga kalaban niya at ibinenta sa mga Ingles at pagkatapos ng isang paglilitis, sinunog siya sa bayan ng Rouen nang dahil sa krimen ng heresiya at pagiging mangkukulam noong 30 Mayo 1431. Si Juana ay 19 taong gulang pa lamang noong siya'y ibinitay. Isa pang paglilitis ay isinagawa pagkatapos ng kamatayan ni Juana, at idineklara siyang walang sala noong 7 Hulyo 1456. Ginawa siyang Santa ng Simbahang Katoliko ni Santo Papa Benedicto XV noong 16 Mayo 1920.

Dagdag pa sa kaniyang pagiging Banal sa Simbahang Katoliko at patron ng ilang mga bagay-bagay, isa siyang pambansang bayani sa kaniyang katutubong Pransiya, at isang modelo para sa mga babae. Ang isang mahahalintulad dito kay Santa Juana ay si Gabriela Silang, binansagang "Ang Juana ng Arko ng Ilokos".

  1. Ipinanganak sa o pagkatapos ng Pista ng Epipanya, Enero 6 o Enero 16.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Juana ng Arko (Paris)

Nasa ibang wika ang mga sumusunod na mga kawi (karamihan sa Ingles):