Pumunta sa nilalaman

Joel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang larawan ng propetang si Joel mula sa Rusya.
Isa pang larawan ng propetang si Joel na iginuhit ni Michelangelo sa kisame ng Kapilyang Sistine.

Si Joel ay isa sa mga propetang matatagpuan sa Lumang Tipan ng Bibliya. Siya ang may sulat ng Aklat ni Joel. Walang nasasambit sa Bibliya hinggil kay Joel, bukod na lamang sa pagiging anak niya ni Petuel (o Pethuel).[1][2] Ngunit pinaniniwalaang taga-kaharian siya ng Juda, na nasa gawing katimugan dahil madalas niyang tukuyin sa Aklat ni Joel ang mga pangalan ng pook na Jerusalem, Sion, pati na ang templo at mga pari.[1] Binanggit niya ang mga ito noong mga 400 BK, ang panahon pagkaraan ng pagkakabihag ng mga Hudyo sa Babilonia.[1] Palagian siyang pumupunta sa Jerusalem. Pangkaraniwan ang pangalang Joel sa Israel, na karaniwang isinasalin bilang "Si Yahweh ay Diyos", "Ang Panginoon ay Diyos," o "Si Jehovah ang El (o Eli, Diyos)".[1]

Bukod sa pagiging may-akda ng Aklat ni Joel, si Joel ang pangalawa sa labindalawang mga mababang propeta. Nagmumula lamang sa kaniyang aklat ang anumang patungkol sa kaniyang pansariling buhay. Sa kalendaryong liturhikal ng Silanganing Simbahang Ortodokso, ipinagdiriwang ang araw ng kaniyang kapistahan tuwing Oktubre 19. Inaala-ala ang siya, kasama ng iba pang mga mababang propeta sa Kalendaryo ng mga Santo ng Armenyanong Apostolikong Simbahan kapag sasapit ang Hulyo 31.

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Joel". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Joel 1:1

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.