Pumunta sa nilalaman

Jose Isidro Camacho

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jose Isidro Camacho
Jose Isidro Camacho sa World Economic Forum on East Asia noong 2010
Kalihim ng Pananalapi ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Hunyo 2001 – 30 Nobyembre 2003[1]
PanguloGloria Macapagal-Arroyo
Nakaraang sinundanAlberto Romulo
Sinundan niJuanita Amatong
Kalihim ng Enerhiya ng Pilipinas
Nasa puwesto
3 Marso 2001 – 7 Hunyo 2001[1]
PanguloGloria Macapagal-Arroyo
Nakaraang sinundanMario Tiaoqui
Sinundan niVincent S. Perez
Personal na detalye
Isinilang (1955-07-20) 20 Hulyo 1955 (edad 69)
Balanga, Bataan
KabansaanPilipino
AsawaMa. Clara "Kim" Acuña
AnakBea, Lorenzo, Carlos, Anuncia, Joaquin, at Simon
TahananSingapore
Alma materPamantasang De La Salle, Harvard University

Si Jose Isidro "Lito" Navato Camacho (ipinanganak 20 Hunyo 1955) ay isang Pilipinong bangkero na naglingkod bílang Kalihim ng Enerhiya at Pananalapi sa ilalim ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Pagkatápos ng kaniyang maikling panahon ng paglilingkod sa pamahalaan, bumalik mula siya sa pribadong sektor, at ngayo'y Vice-Chairman ng Credit Suisse para sa Asya-Pasipiko at Country Chief Executive Officer nito sa Singapore; Non-Executive Chairman ng Sun Life of Canada (Philippines); direktor ng SymAsia Foundation (Singapore), at kasapi ng lupon ng National Gallery Singapore. Kasapi rin siya ng Group of Experts of the ASEAN Capital Markets Forum, Securities Industry Council sa Singapore, at International Advisory Panel of the Securities Commission ng Malaysia.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak sa Balanga, Bataan si Camacho kina Teodoro Camacho, Jr. at Leonarda Navato. Ang kaniyang lolo na si Teodoro Camacho, Sr. ay nanungkulan bilang kongresista at gobernador ng Bataan.[2]

Nagtapós siya sa mataas na paaralan sa Don Bosco Technical Institute sa Mandaluyong noong 1972,[3] at noong 1975 bilang cum laude sa kursong A.B. Mathemathics sa Pamantasang De La Salle sa Maynila. Nag-aral din siya at nakakuha ng MBA na may konsentrasyon sa Pananalapi mula sa Harvard Graduate School of Business Administration sa Estados Unidos noong 1979.[4]

Karerang propesyonal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng kolehiyo, nagtrabaho si Camacho sa Banco Filipino, bago siya nagtungo sa Estados Unidos upang lalong isulong ang kaniyang edukasyon. Nang siya'y bumalik sa Pilipinas, muli siyang bumalik sa industriya ng pagbabangko, at noong 1995 naging Senior Managing Director at Country Head ng Bankers Trust Company of New York. Kalaunan siya'y naging Managing Director at Chief Country Officer ng Deutsche Bank sa Pilipinas. Mula 1999 hanggang 2000, siya ang Managing Director at puno ng Country Coverage for Investment Banking for the Asian Region of Deutsche Bank na naka base sa Singapore.[2]

Paglilingkod sa pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang maupô bílang Pangulo ng Pilipinas si Gloria Macapagal Arroyo noong 2001, kaniyang hinirang si Camacho bílang Kalihim ng Enerhiya. Sa kaniyang pamumunò, naisabatas ang mga kinakailangang reporma sa sektor ng enerhiya ng bansâ.[4]

Makaraan ang tatlong buwan bílang Kalihim ng Enerhiya, hinirang naman siya bílang Kalihim ng Pananalapi, isang katungkulang kaniyang hinawakan hanggang Nobyembre 2003 nang siya'y magbitiw at nagpasiyang bumalik sa pribadong sektor. Wala mang isinaad na dahilan sa kaniyang pagbibitiw, ang napabalitang kaibáhan umano at hindi pag-aksiyon ng Pangulo sa kaniyang mga rekomendasyon hinggil sa pagsasaayos ng mga isyung kinakaharap ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan, kasama rito ang pagsibak sa puwesto ng tagapangasiwa ng naturang ahensiya na si Winston Garcia at pagsasailalim nito sa Kagawaran ng Pananalapi ang naging hudyat nito.[5] Ang kaniyang pagbibitiw ay nagdulot pangamba at kawalang-katiyakan sa pamahalaan at nagpabulusok sa halaga ng piso sa isa sa pinakamababang antas nito laban sa dolyar.[6] Kinilala ang naging malaking kontribusyon ni Camacho sa pagpapatatág at pag-estabilisa ng depisito ng bansa,[6] at kinilala na isa sa pinakamahusay na naging Kalihim ng Pananalapi ng bansa ng iba't ibang pangkat ng mga negosyante at mamumuhunan.[7] Sa ilalim din niya naipasá ang Batas Republika Blg. 9160 o ang "Anti-Money Laundering Law".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Master List of Cabinet Members since 1899" (sa wikang Ingles). GOVPH. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-04. Nakuha noong 2016-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Who's Who in Bataan – Jose Isidro Navato Camacho". 1Bataan. Nakuha noong 2016-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "History of DBTC" (PDF) (sa wikang Ingles). Don Bosco Technical College. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-04. Nakuha noong 2016-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Jose Isidro Camacho" (sa wikang Ingles). World Economic Forum. Nakuha noong 2016-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Napallacan, Jhunnex (2003-11-25). "Garcia: Don't blame me for Camacho's resignation". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-04-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Peso dips after Camacho goes" (sa wikang Ingles). CNN. 2003-11-24. Nakuha noong 2016-04-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Batino, Clarissa S.; Cabacungan, Gil; Dumlao, Dorris; Torrijos, Elena R. (2003-11-21). "Camacho resigns; peso hits record low". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-04-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)