Jose Ozamiz
Jose Ozamiz | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Mayo 1898
|
Kamatayan | 30 Agosto 1944[1]
|
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | politiko |
Opisina | miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas () |
Si José Fortich Ozámiz (5 Mayo 1898–Agosto 30, 1944) ay isang politikong Pilipino mula sa Mindanao.
Siya ang anak ng Nafar na si Genaro Ozámiz at ng mestisang Katalang si Basilisa Fortich.
Nanilbihan siya bilang kauna-unahang gobernador ng lalawigan ng Misamis Occidental mula 1932 kung kailan siya’y nahalal. Nanilbihan din siya bilang kinatawan sa Konggreso. Isa rin siyang kinatawan sa constitutional convention ng 1935 na nagtapos sa pagkalikha ng Saligang Batas ng 1935 ng Pamahalaan ng Komonwelt ng Pilipinas.
Noong 1940, inihalal siya sa Senado ng Pilipinas.
Pinugutan siya ng ulo ng mga Hapon noong pananakop nila ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa kaniyang pagkasangkot sa kilusan laban sa mga manlulupig. Postumong ipinangalan sa kaniyang karangalan ang lungsod ng Ozamiz, na dat’y kilala bilang Misamis, sa lalawigan ng Misamis Occidental.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Senator José Ozámiz, the Forgotten Hero Naka-arkibo 2006-05-09 sa Wayback Machine., talambuhay ni Senador Ozamiz
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.