Pumunta sa nilalaman

Josip Broz Tito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Josip Broz Tito
Јосип Броз Тито
Josip Broz Tito in 1961
President of Yugoslavia
Nasa puwesto
14 January 1953 – 4 May 1980
Punong Ministro
Pangalawang Pangulo
Nakaraang sinundanIvan Ribar
(as President of the Presidency of the People's Assembly)
Sinundan niLazar Koliševski
(as President of the presidency)
19th Prime Minister of Yugoslavia
Nasa puwesto
2 November 1944 – 29 June 1963
PanguloIvan Ribar
Himself (from 1953)
Nakaraang sinundanIvan Šubašić
Sinundan niPetar Stambolić
1st Secretary-General of the Non-Aligned Movement
Nasa puwesto
1 September 1961 – 5 October 1964
Sinundan niGamal Abdel Nasser
4th President of the League of Communists of Yugoslavia
Nasa puwesto
5 January 1939 – 4 May 1980
Personal na detalye
Isinilang
Josip Broz

7 Mayo 1892(1892-05-07)
Kumrovec, Kingdom of Croatia-Slavonia, Austria-Hungary
(now Croatia)
Yumao4 Mayo 1980(1980-05-04) (edad 87)
Ljubljana, SR Slovenia, SFR Yugoslavia
(now Slovenia)
HimlayanHouse of Flowers, Belgrade, Serbia
44°47′12″N 20°27′06″E / 44.78667°N 20.45167°E / 44.78667; 20.45167
KabansaanYugoslav
Partidong pampolitikaSKJ
RCP (b)
Asawa
Domestikong kaparehaDavorjanka Paunović
(1943⁠–⁠1946)
Anak
Mga parangal98 international and 21 Yugoslav decorations
Pirma
Serbisyo sa militar
Katapatan Austria-Hungary (1913–1915)
Padron:Country data Soviet Russia (1918–1920)
 Yugoslavia (1941–1980)
Sangay/SerbisyoAustro-Hungarian Army
Red Army
Yugoslav People's Army
Taon sa lingkod1913–1915
1918–1920
1941–1980
RanggoMarshal
AtasanNational Liberation Army
Yugoslav People's Army (supreme commander)
Labanan/DigmaanWorld War I
Russian Civil War
World War II

Si Josip Broz Tito, (Sirilikong panitik: Јосип Броз Тито, 7 o 25 Mayo 1892 – 4 Mayo 1980), na nakikilala bilang Josip Broz o Tito[1] lamang, ay isang dating Yugoslabong rebolusyonaryo at politiko.[2] Siya ang namuno ng paglaban ng Yugoslabya sa mga Aleman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naging Komunistang pangulo ng kanyang bansa.[1]

Ipinanganak si Tito na may pangalang Josip Broz noong 1892 bilang anak na lalaki ng isang magbubukid. Noong Unang Digmaang Pandaigdig naglingkod siya bilang isang sundalo para sa Hukbong Katihan ng Austriya hanggang sa madakip siya ng mga Ruso. Naging komunista siya habang nasa Unyong Sobyet. Noong 1920, bumalik siya sa kanyang bayang sinilangang Kroasya at naglunsad doon ng isang partidong Komunista. Inangkin niya ang pangalang "Tito" noong 1934.[1]

Naging Kalihim-Panglahat o Sekretaryo-Heneral siya (naging Pangulo sa paglaon) ng Liga ng mga Komunista ng Yugoslabya (1939–80), at naging pinuno ng kilusang Partisanong Yugoslabo (1941–45) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[3] Pagkatapos ng digmaan, naging Punong Ministro (1945–63) at pagdaka naging Pangulo (1953–80) ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslabya. Magmula 1943 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1980, hinawakan niya ang ranggong Marsiyal ng Yugoslabya, na nagsisilbi bilang pinakamataas na komandante ng Yugoslabong militar, ang Yugoslabong Hukbo ng mga Tao.

Si Tito ang punong arkitekto ng "pangalawang Yugoslabya", isang sosyalistang pederasyong nagtagal mula Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang 1991. Sa kabila ng pagiging isa sa mga tagapagtatag ng Kominporma (Komunistang Tanggapan ng Kabatiran), siya rin ang unang (at ang unang matagumpay na) kasapi ng Kominporma na humamon at sumuway sa hegemonya o pangingibabaw ng impluwensiya ng mga Sobyet. Bilang isang tagapagtangkilik ng malalayang mga daan patungo sa sosyalismo (minsang tinutukoy bilang "komunismong nasyonal", "pambansang komunismo", o "Titoismo"), siya ang pangunahing tagapaglunsad at tagapagpakalat ng patakaran ng Kilusang Walang Pinapanigan, at siya ang unang Kalihim-Panglahat nito. Bilang ganito, sinuportahan niya ang patakaran ng walang pinapanigan sa pagitan ng dalawang nagsasalungatang mga bansa noong panahon ng Digmaang Malamig.

Kaiba sa ibang mga bansang komunista sa Europa, at sa kabila ng mga pagbabanta mula sa Moscow, nanatiling nagsasarili ang Yugoslabya sa ilalim ng pamumuno ni Tito.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Tito?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 38.
  2. Josip Broz Tito, Yugoslav revolutionary and statesman, Encyclopaedia Britannica.
  3. Ian Bremmer, The J Curve: A New Way To Understand Why Nations Rise and Fall, pahina 175.