Pumunta sa nilalaman

Juan Crisostomo Soto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Juan Crisostomo Soto
Kapanganakan27 Enero 1867[1]
  • (Pampanga, Gitnang Luzon, Pilipinas)
Kamatayan12 Hulyo 1918[1]
LibinganBacolor[1]
MamamayanPilipinas
Trabahomakatà,[1] mandudula[1]

Si Juan Crisostomo "Crissot" Caballa Soto ay isinilang sa Santa Ines, Bacolor, Pampanga noong 27 Enero 1867. Tinagurian siyang Ama ng Panitikang Capampangan. Pambihira ang kanyang kahusayan sa pagtatalong patula sa wikang Capampangan kung kaya ang pagtatalong patula sa wikang Capampangan ay tinawag na Crissotan na katumbas ng Balagtasan sa wikang Tagalog. Isa siyang manunulat-makata, mandudula at editor sa wikang Kapampangan.

Bilang mandudula, nagsulat siya ng Moro-moro at sarzuela. Bunga ng kanyang panulat ang sarsuelang Metung a Perla Quing Burac (Isang Perlas sa Putik) at Pula't Puti.

Ang mga Moro-morong Ang Sultana, Perla, Zapire at Rubi ay sinulat niya noong mga huling taon ng panahon ng mga Kastila. Gumamit siya ng mga sagisag-panulat tulad ng Crissot, Rubi, Natis Belen at Vitaliano sa kanyang mga tula. Julio Agosto at Lacan Batbat naman sa kanyang mga artikulo.

Sumulat din siya ng isang dulang hango sa Romeo at Julieta ni Shakespeare at pinamagatang Ing Pamaquiasaua Ning Mete (The Marriage of the Dead). Ang Sigalot ang pinakamaganda sa kanyang mga akda. Ito ay sinulat niya sa loob ng bilangguan. Nakasulat din siya ng English-Spanish-Pampango Dictionary sa tulong ni Modesto Joaquin. Ang Alang Dios ang namukud-tanging sarsuwela ni Juan Crisostomo Soto na nagpanhik sa kanya ng salapi. Ito'y itinanghal sa Teatro Zabina.

Ang iisahing yugtong dulang katatawanan na may pamagat na Nanu Tang Male Cu (Ano ba'ng Malay Ko) ang kahuli-hulihang nasulat niya nang nasa banig na siya ng karamdaman.

Binawian siya ng buhay noong 12 Hulyo 1918 dahil sa sakit sa puso.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Juan Crisostomo Soto (Crissot) (sa wikang Ingles), Wikidata Q57951752