Juana Jugan
Si Santa Juana Jugan o Santa Maria ng Krus Jugan (Ingles, Pranses, at pangalang orihinal: Jeanne Jugan, Kastila: Santa María de la Cruz Jugan; 25 Oktubre 1792 – 29 Agosto 1879[1]), kilala rin bilang Madre Maria ng Krus o Kapatid na (Babaeng) Maria ng Krus, ay ipinanganak sa Cancale sa Britaniya, Pransiya, ang pang-anim sa walong mga anak nina Joseph at Marie Jugan. Sumailalim siya sa beatipikasyon isinakatuparan ni Papa Juan Pablo II sa Roma noong 3 Oktubre 1982, at ikinanonisa ni Papa Benedikto XVI sa Roma noong 11 Oktubre 2009.[2]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namatay ang kanyang ama noong napakabata pa ni Juana Jugan, at nag-iisang binuhay ng ina niya ang kanilang malaking mag-anak. Nang nasa gulang na 16 anim na si Jugan, naghanapbuhay siya bilang isang katulong sa kusina ng Biskondesa ng Choue. Isinasama ng Kristiyanong biskondesa si Jugan kapag dumadalaw sa mga may karamdaman at mga mahihirap. Pagkaraan ng siyam na mga taon, nagsimulang magtrabaho si Jugan sa pambayang ospital ng Saint-Servan. Pagkalipas ng anim na taon, naglingkod siya para sa sa isang matandang babae. Sa kahabaan ng mga gawain ni Jugan, naliwanagan ng dalawang babaeng ito ang kanilang magkatulad na Kristiyanong espirituwalidad kaya't nagsimula silang mangaral ng katekismo sa mga kabataan at mangalaga ng mga mahihirap at iba pang mga sawimpalad, hanggang sa kamatayan ng kaibigan ni Jugan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-04-27. Nakuha noong 2009-10-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Catholic News Agency on Saint Jeanne Jugan". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-10-03. Nakuha noong 2009-10-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Santo at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.