Jung Eui-chul

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Jung Eui Chul)
Jump to navigation Jump to search
Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Jung.
Jung Eui-chul
정의철
Kapanganakan 정의철 (Jeong Eui-cheol)
(1985-04-17) Abril 17, 1985 (edad 33)
Timog Korea Seoul, Timog Korea
Hanapbuhay Artista, Modelo
Koreanong pangalan
Hangul 정의철
Hanja 丁義澈
Binagong Romanisasyon Jeong Ui-cheol
McCune–Reischauer Chŏng Ŭi-ch‘ŏl

Si Jung Eui-chul (Koreano: 정의철, ipinanganak Abril 19, 1985) ay isang modelo at artista sa Timog Korea. Una siyang lumabas sa pag-arte sa Koreanovelang Hello My Teacher na gumanap bilang isang mag-aaral at nakamit ang positibong pagkilala noong 2005 at sa kalaunan ay lumabas sa mga iba't ibang pang-suportang pagganap kabilang ang mga pelikulang Five Senses of Eros at Do Re Mi Fa So La Ti Do. Umabot sa tugatog ang kanyang karera noong 2009 nang mapasama siya sa Koreanovelang Boys Over Flowers bilang si Lee Min-ha, isang mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Shinwa.[1]

Sa pamamagitan ng kanyang koneksyon sa aktres at modelong si Kei Nangon, pumirma siya ng kontrata sa parehong ahensiya, ang Clumsy Media, noong 2011. Sang-ayon sa ulat ng balita, nagkakilala sila noong huling audisyon para sa Boys Over Flowers.[2] Noong sumunod na taon, lumabas siya uli sa isang Koreanovela, ang Shut Up Flower Boy Band, bilang isang mag-aaral uli.[3]

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga drama[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

  • The Moonlight of Seoul (2008)
  • Do Re Mi Fa So La Ti Do (2008)

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang batayan]