Pumunta sa nilalaman

Kortesiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kagandahang loob)

Ang kortesiya o kundangan (Ingles: Courtesy) ay magalang na pag-uugali, bilang ideyal o uliran, o sa kasanayan.[1] Ito ay mga gawi na minarkahan ng pulidong asal o paggalang sa iba.[2] Ang kortesiya ay kagalangan, galang, at konsiderasyon sa iba.[3] Noong Gitnang Kapanahunan sa Europa, ang pag-uugali na inaasahan ng aristokrata ay pinagsama-sama sa mga aklat ng kortesiya.

Ang tuktok ng kagalangang kulturang Europeyo ay naabot sa Late Middle Ages at sa panahon ng Baroque (ibig sabihin, humigit-kumulang sa apat na siglo na sumasaklaw sa 1300–1700). Ang mga pinakalumang aklat ng kortesiya ay nagmula noong ika-13 siglo, ngunit naging isang maimpluwensyang genre o kategorya ang mga ito noong ika-16 na siglo, ang pinaka-maimpluwensya sa mga ito ay ang Il Cortegiano (1508), na hindi lamang sumasaklaw sa pangunahing tuntunin ng etiketa at dekorum ngunit nagbigay din ng mga modelo ng sopistikadong pag-uusap at intelektwal na kasanayan.[4]

Ang mga aristokrasyang korte ng Europa ay nagpatuloy hanggang sa ika-18 siglo (at sa ilang limitadong lawak hanggang sa kasalukuyan), ngunit noong ika-18 siglo, ang paniwala ng kortesiya ay napalitan ng gallantry, na tumutukoy sa isang ideyal na nagbibigay-diin sa pagpapakita ng apektadong sensitibidad sa direktang kaibahan sa mga mithiin ng pagtanggi sa sarili at marangal na kaseryosohan na siyang pamantayang Baroque. Noong huling bahagi ng medyebal at maagang modernong panahon, ang burges na uri ay may kaugaliang tularan ang magalang na kagandahang-asal ng kanilang mga mas nakakataas. Nagbago ito noong ika-19 na siglo, pagkatapos ng pagtatapos ng Digmaang Napoleoniko, sa paglitaw ng isang gitnang uri na may sariling hanay ng etiketang burges, na siya namang kinutya sa teoryang klasista ng Marxismo bilang petite bourgeoisie.

Ang analogue na konsepto sa court culture ng medieval India ay kilala sa salitang Sanskrit na dakṣiṇya, literal na nangangahulugang "right-handedness", ngunit tulad ng sa Ingles na dexterity na may matalinghagang kahulugan ng "apt, clever, appropriate", pinaliwanag na "kabutihan at konsiderasyong ipinahayag sa isang sopistikado at eleganteng paraan". [5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Courtesy: Meaning and use". Oxford English Dictionary.
  2. "Definition of COURTESY". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2023-12-25. Nakuha noong 2023-12-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Definition of 'courtesy'". Collins Dictionary.
  4. Head, Dominic, pat. (2006), "courtesy book", The Cambridge Guide to Literature in English, p. 249{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ali, Daud (2004), "The spirit of courtesy", Courtly Culture and Political Life in Early Medieval India, p. 135, ISBN 9780521816274{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]