Pumunta sa nilalaman

Pagkamagalang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tunay na Kapita-pitagan.
"Igat n'yu po, sa tingin ko, Ginoo?"
Cartoon sa Punch magazine : Hulyo 28, 1920

Ang pagkamagalang o kagalangan (Ingles: Politeness), ay kaangkupang mga kilos at kalooban na nagpapakita ng konsiderasyon, kortesiya, at kagandahang-asal.[1] Kasama rito ang mga pananalita o pag-uugali na tanda ng sibilidad at mabuting maturidad.[2] Ito ay pag-uugali na tama o angkop sa panlipunan at nagpapakita ng pag-unawa at pagmamalasakit sa damdamin ng ibang tao.[3] Ang katuturan nito ay batay sa umiiral na kultura, at samakatuwid ang itinuturing na magalang o sibilidad sa isang kultura ay maaaring minsan ay bastos o di-angkop sa ibang konteksto ng kultura.[4][5]

Teorya ng kagalangan nina Brown at Levinson

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinukoy ng mga antropologo na sina Penelope Brown at Stephen Levinson ang dalawang uri ng pagiging magalang, na nagmula sa konsepto ng face o mukha ni Erving Goffman.[6] Ang face o mukha ay ang pampublikong imahe sa sarili na nais mapanatili ng isang tao sa mga pakikipag-ugnayan sa lipunan

Dalawang uri ng pagkamagalang

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Negatibong kagalangan: Ginagamit ito sa pagiging magalang kapag ipinapalagay na ang pananalita ay magpapataw sa tagapakinig sa ilang gawain at nais na maiwasan ang mga pakiramdam ng pagkailang o mapahiya. Kabilang sa mga naturang pamamaraan ang pag-hedging (isang salita o parirala na sinasabi upang di-gaanong mapuwersa o brusko ang isang pahayag), pagliit ng pagpapataw, paghingi ng paumanhin, pagiging hindi direkta, at paggamit ng mga tanong sa halip na mga utos.
    • Maaari mo bang ilimbag ito para sa akin? Ilang pahina lang ito at hindi na magtatagal! " - Pagliit ng pagpapataw.
    • "Paumanhin, ngunit maaari mo ba akong tulungan?" - Paghingi ng paumanhin.
  1. Positibong kagalangan: Naglalayong lumikha ng isang positibong relasyon sa pagitan ng mga tao. Kabilang sa mga positibong pamamaraan sa pagiging magalang: paghahanap ng batayan ng kapwa interes o kasunduan; pagsasama-sama ng pagpuna sa mga papuri; pagsasabi ng biro; at paggamit ng mga pahayag ng pagkakaibigan (mga palayaw, slang o insider joke na silang magkakaibigan ang gumagamit). Ang mga pamamaraang ito ay nagpapagaan ng pakiramdam ng tagapakinig tungkol sa kanilang sarili at maiwasan ang salungatan o makapanakit sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pagiging palakaibigan at pagiging magalang.
    • "Oy mare, pwede baga akong humiram ng fiver?" - Paggamit ng magiliw na wika.
    • “Gusto ko ang sapatos mo, at ang ganda ng buhok mo. Hindi ako sigurado sa pang-itaas mo, gayunman...”- pagsasama-sama ng pagpuna sa mga papuri
    • "Ey, mali ang paglalaro mo ng salitang ito. Huwag kang mag-alala, mali ang ispeling ko sa lahat ng oras!" - Paghahanap ng batayan ng kapwa interes o kasunduan.

Ang teorya ng kagalangan ay inakusahan ng pagiging etnosentriko sa pamamaraan nito dahil nabigo itong kilalanin na ang pagkamagalang ay maaaring magkakaiba sa buong mundo. Ibinatay nina Brown at Levinson ang kanilang sariling depinisyon ng pagiging magalang sa teorya ng mukha o theory of face ni Goffman (1967). Ang isang pangunahing pagpuna sa face-saving model ay ang pag-uudyok nito ng pagkiling na nakasentro sa Kanluranin at iminungkahi na ' Ang magkakaibang kultural na pinagmulan ay maaaring humantong sa magkaibang mga resulta ng antas ng kagalangan' (Chang, 2008).[6][7][8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Thesaurus results for POLITE". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Thesaurus results for POLITENESS". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Meaning of politeness in English". Cambridge Dictionary.
  4. Kadar, Daniel; Mills, Sara. "Politeness and Culture (in: Politeness in East Asia, Cambridge University Press)". {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  5. Kádár, Dániel Z.; Haugh, Michael, mga pat. (2013), "Culture, identity and politeness", Understanding Politeness, Cambridge: Cambridge University Press, pp. 231–250, ISBN 978-1-107-03168-5, nakuha noong 2023-12-30{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Politeness Theory (Pragmatics): Definition & Strategies". StudySmarter UK (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Chang, Wei Lin ((2008)). "Australian and Chinese perceptions of (im) politeness in an intercultural apology". {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)[patay na link]
  8. Tiryakian, Edward A. (1968). "Review of Interaction Ritual: Essays on Face-to-Face Behavior". American Sociological Review. 33 (3): 462–463. doi:10.2307/2091926. ISSN 0003-1224.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)