Pumunta sa nilalaman

Kahilagaang Dobrudya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mapa ng Romanya kung saan matatagpuan ang Kahilagaang Dobrudya na diniinan ng kulay pulaw.

Ang Kahilagaang Dobrudya (Rumano: Dobrogea de Nord; Bulgaro: Северна Добруджа, Severna Dobrudzha) ay bahagi ng Dobrudya sa loob ng hangganan ng Romanya. Ito ay nasa pagitan ng ilawod na bahagi ng Ilog Danubyo at ng Dagat Itim. Sa katimugang hangganan nito ay ang Katimugang Dobrudya, na bahagi ng Bulgarya.

Iniingatang arkeolohikal at likas na mga pook sa Romanyang bahagi ng Dobrudya.

Sinakop ng mga Griyego noong mga 600 BKP ang pampang ng Dagat Itim at nagtatag ng maramaing kuta rit: Tomis (kasalukuyang Constanta), Callatis, Histria, Argamum, Heracleea, Aegysus. Nang maglaho ang kabihasnang Griyego, naging lalawigan ng Sasakharing Romano and Dobrudya. Isa sa mga sinaunang labi sa panahong ito ay ang kuta ng Enisala.[1]

Mula noong ika-7 hanggang ika-14 na dantaon, and Dobrudya ay naging bahagi ng Unang Sasakharing Bulgaryano at ng Ikalawang Sasakharing Bulgaryano.

Sa maiksing panahon noong ika-14 na dantaon, ang Dobrudya ay naging bahagi ng Balakiya sa pamumuno ni voivode Mircea ang Nakatatanda. Ngunit mula noong kalagitnaan ng ika-15 dantaon hanggang taong 1878, bumagsak ito sa pamumuno ng mga Otoman, kung kailan ito ay ipinagkaloob sa Romanya sa ginampanan nito sa Digmaang Ruso-Turko ng 1877-1878, at bilang bigaypala sa paglilipat ng lupaing bahagiang nakaunsod sa Timog Besarabya.[2] Ayon sa mga kasunduan ng San Stefano at Berlin, ipinagkaloob sa Romanya ang Kahilagaang Dobrudya habang ipinagkaloog naman sa baguhang Prinsipalya ng Bulgarya ang higit na maliit na katimugang bahagi nito. Makalipas ang Ikalawang Digmaang Balkano noong 1913, sinakop din ng Romanya ang Katimugang Dobrudya sa Bulgarya, at pinamunuan ito hanggang taong 1940 kung kailan nalagdaan and Kasuduan ng Craiova. Ang kasunduan ay sinang-ayunan ng Britanya,[3] Pransyang Vichy, Alemanya, Italya, ang Samahang Sobyet at ang Estados Unidos.[4]

Ang lupain ng Kahilagaang Dobrudya ay kasalukuyang binubuo ng mga lalawigan ng Constanța at Tulcea, na may kabuuang sukat na 15,500 km² at may santauhang hindi hihigit sa 900,000.[5]

Ang Wawa Danubyo ay binubuo ng mararaming mga lawa. Ilan sa mga ito ay:

  • Roșu
  • Isac
  • Gorgova
  • Furtuna
  • Ledeanca
  • Tatanir
  • Merhel
  • Matița
  • Uzlina
  • Dranov
  • Lumina
  • Puiu
  • Puiuleț

Talasantauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lahi 1878[6] 1880[7] 1899[7] 1913[8] 19301[9] 1956[10] 1966[10] 1977[10] 1992[10] 2002[10] 2011[5]
Kabuuan 225,692 139,671 258,242 380,430 437,131 593,659 702,461 863,348 1,019,766 971,643 897,165
Romanyano 46,504 (21%) 43,671 (31%) 118,919 (46%) 216,425 (56.8%) 282,844 (64.7%) 514,331 (86.6%) 622,996 (88.7%) 784,934 (90.9%) 926,608 (90.8%) 883,620 (90.9%) 751,250 (83.7%)
Bulgaro 30,177 (13,3%) 24,915 (17%) 38,439 (14%) 51,149 (13.4%) 42,070 (9.6%) 749 (0.13%) 524 (0.07%) 415 (0.05%) 311 (0.03%) 135 (0.01%) 58 (0.01%)
Turko 48,783 (21,6%) 18,624 (13%) 12,146 (4%) 20,092 (5.3%) 21,748 (5%) 11,994 (2%) 16,209 (2.3%) 21,666 (2.5%) 27,685 (2.7%) 27,580 (2.8%) 22,500 (2.5%)
Tatar 71,146 (31,5%) 29,476 (21%) 28,670 (11%) 21,350 (5.6%) 15,546 (3.6%) 20,239 (3.4%) 21,939 (3.1%) 22,875 (2.65%) 24,185 (2.4%) 23,409 (2.4%) 19,720 (2.2%)
Ruso-Lipobano 12,748 (5,6%) 8,250 (6%) 12,801 (5%) 35,859 (9.4%) 26,210 (6%)² 29,944 (5%) 30,509 (4.35%) 24,098 (2.8%) 26,154 (2.6%) 21,623 (2.2%) 13,910 (1.6%)
Rutenyano
(Ukrano mula 1956)
455 (0.3%) 13,680 (5%) 33 (0.01%) 7,025 (1.18%) 5,154 (0.73%) 2,639 (0.3%) 4,101 (0.4%) 1,465 (0.1%) 1,177 (0.1%)
Alemang Dobrudyano 1,134 (0,5%) 2,461 (1.7%) 8,566 (3%) 7,697 (2%) 12,023 (2.75%) 735 (0.12%) 599 (0.09%) 648 (0.08%) 677 (0.07%) 398 (0.04%) 166 (0.02%)
Griyego 3,480 (1,6%) 4,015 (2.8%) 8,445 (3%) 9,999 (2.6%) 7,743 (1.8%) 1,399 (0.24%) 908 (0.13%) 635 (0.07%) 1,230 (0.12%) 2,270 (0.23%) 1,447 (0.16%)
Roma 702 (0.5%) 2,252 (0.87%) 3,263 (0.9%) 3,831 (0.88%) 1,176 (0.2%) 378 (0.05%) 2,565 (0.3%) 5,983 (0.59%) 8,295 (0.85%) 11,977 (1.3%)
1Ayon sa pangasiwaang paghahati ng Romanya noong 1926-1938 (ang mga lalawigan ng Constanța at Tulcea), na ipinahiwalay ang kasalukuyang bahagi ng Romanya (ang mga purok ng Ostrov at Lipnița, na ngayon ay bahagi ng Lalawigan ng Constanța) at ipinasama ang kasalukuyang bahagi ng mga kabayanan sa Bulgarya (mga bahagi ng Heneral Toshevo at Krushari)
2Mga Ruso lamang. (Ang mga Ruso at Lipobano ay hiwalay na binilang)
Kutamaya ng Dobrudyang Romanyano

Ang Kahilagaan Dobrudya ay kinakatawan ng dalawang lumbalumba sa Kutamaya ng Romanya.

Simula noong taong 2015, ipinagdiriwang ng Romanya ang Araw ng Dobrudya tuwing Nobyembre 14, kung kailan inaalala ang pagsama ng Kahilagaang Dobrudya sa Kaharian ng Romanya noong 1878 makalipas ang Kasunduan sa Berlin.[11]

  1. "Kasaysayan at mga kuta ng Dobrogea". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-02. Nakuha noong 2019-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Woolf, Stuart Joseph (21 Disyembre 1995). Nationalism in Europe, 1815 to the present: a reader. Routledge. p. 115. ISBN 978-0-415-12563-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The New York Times, 26 Hulyo 1940, "Kinikilala ng Britanya ang "mahalagang makatarungang" pagaangkin ng Bulgarya laban sa Romanya upang maipanubalik ang lupaing-sakahan ng mha trigo sa Katimugang Dobrudya"
  4. Кузманова, Антонина. От Ньой до Крайова. Въпросът за Южна Добруджа в международните отношения /1919-1940/, София 1989, с. 287-288.
  5. 5.0 5.1 bunga ng lahatambilang noong 2011 bawat lalawigan, lungsod at bayan"Populația stabilă pe sexe, după etnie – categorii de localități, macroregiuni, regiuni de dezvoltare și județe" (sa wikang Rumano). Institutul Național de Statistică. Inarkibo mula sa orihinal (XLS) noong 2019-08-15. Nakuha noong 2015-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. K. Karpat, : Correspondance Politique des Consuls. Turguie (Tulqa). 1 (1878) 280-82
  7. 7.0 7.1 G. Dănescu, Dobrogea (La Dobroudja). Étude de Géographie physique et ethnographique
  8. Roman, I. N. (1919). "La population de la Dobrogea. D'apres le recensement du 1er janvier 1913". Sa Demetrescu, A (pat.). La Dobrogea Roumaine. Études et documents (sa wikang Pranses). Bucarest. OCLC 80634772.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  9. Tinuos mula sa bunga ng lahatambilang noon 1930 bawat lalawigan, hinango sa Mănuilă, Sabin (1939). La Population de la Dobroudja (sa wikang Pranses). Bucarest: Institut Central de Statistique. OCLC 1983592.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 Tinuos mula sa palautatan ng mga lalawigan ng Tulcea at Constanța sa "Populația după etnie la recensămintele din perioada 1930–2002, pe judete" (PDF) (sa wikang Rumano). Guvernul României — Agenția Națională pentru Romi. pp. 5–6, 13–14. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-09-23. Nakuha noong 2007-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "The Law No. 230/2015 regarding the Declaration of November 14 as Dobruja Day" (sa wikang Rumano). Monitorul Oficial. 6 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Coordinates needed: you can help!