Pumunta sa nilalaman

Eskorbuto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kakulangan sa bitamina C)

Ang eskorbuto[1] o iskurbuto[1] (Ingles: scurvy[1][2], Kastila: escorbuto[1]) isang uri ng karamdaman na idinudulot ng pagkakaroon ng kakulangan sa bitamina C ng katawan. Kinakikitaan ang taong may ganitong sakit ng pagdurugo ng gilagid at balat, ng kadalian sa panghihina o panlulupaypay ng katawan.[2]

Sa mga sanggol o bata, isa sa mga sanhi nito ang pagpapakain o pagpapainom sa mga ito ng puro kondensadang gatas lamang, ngunit nalulunasan kapag binibigyan ang mga sanggol o bata ng isang kutsarita ng katas ng narangha dalawang ulit sa loob ng isang araw.[3] Kilala rin ang eskurbuto bilang karamdaman ni Barlow o sakit ni Barlow (Barlow's disease)  – na ipinangalan mula kay Gat o Ginoong Thomas Barlow (1845–1945), bagaman minsang itinuturing ito bilang isang partikular na uri o anyo lamang ng eskorbuto.

Ginagamit ding pamalit na tawag para sa karamdaman ni Barlow ang eskorbutong pambata (infantile scurvy) at eskorbutong rakitis (scurvy rickets).[3] Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng unang pagsubok na pangklinika,[4] napaunlad ng Eskoses na manggagamot na si James Lind ang teoriya na ang mga bungang sitrus ay nakapagpapagaling ng eskorbuto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 English, Leo James (1977). "Eskorbuto, iskurbuto". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 484.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Scurvy - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. 3.0 3.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Condensed milk; Barlow's disease, infantile scurvy, scurvy rickets". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 82 at 185.
  4. Simon, Harvey B. (2002). The Harvard Medical School guide to men's health. New York: Free Press. p. 31. ISBN 0-684-87181-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.