Kamara Komersyo ng Islas Filipinas
Pangalan ng pinakamatandang organisasyon ng negosyo sa Pilipinas
(salin sa Tagalog: Kamara Komersyo ng Islas Filipinas
ng rehistradong Chamber of Commerce of the Philippine Islands)
Tagalog trans.: Kamara Komersyo ng Islas Filipinas | |
Daglat | CCPI |
---|---|
Palayaw | The Chamber |
Pagkakabuo | 9 Abril 1886 |
Tagapagtatag |
|
Itinatag sa | Manila |
Uri | Non-profit |
Titulong propesyonal | The Chamber of Commerce of the Philippine Islands |
Punong tanggapan | The Chamber Building, Paseo de Magallanes 3, Intramuros, 1000 Manila, PH |
Kinaroroonan | |
Coordinate | 14°35′41″N 120°58′34″E / 14.59465°N 120.97615°E |
Wikang opisyal | Inggles (kasalukuyan) Espanyol (sa kasaysayan) |
May-ari | Chamber of Commerce of the Philippines Foundation, Inc. |
Main organ | COMMERCE Magazine |
Website | chamberphilislands.ph// |
Dating tinawag na | La Cámara de Comercio de las Islas Filipinas |
Chamber of Commerce of the Philippine Islands headquarters | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Kinaroroonan | 14°35′40″N 120°58′34″E / 14.5944887°N 120.9761999°E |
Pahatiran | No. 3 Magallanes Drive, Intramuros, Brgy U 56 Zone 49 |
Bayan o lungsod | Manila |
Bansa | Philippines |
Pagpapasinaya | 1937 |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Juan Arellano |
(Mga) dating pangalan | Paseo de Magallanes |
---|---|
Ipinangalan | Fernando Magallanes |
Pinapanatili ng | Intramuros Administration |
Haba | 0.632 km (0.393 mi) |
Lokasyon | Intramuros, Manila |
East na dulo | N150 (Liwasang Bonifacio) |
West na dulo | N1 (Plaza Mexico (Maynila) patungo nang Bonifacio Drive) |
Ang Camara de Comercio de Manila ay pormal na inorganisa at iniharap sa General Assembly nito noong ika-24 ng Mayo 1887, at noong ika-17 ng Hunyo 1887 ang mga batas nito ay unang sinangayunan ng Gobierno Superior ng Pilipinas; at sa wakas ay inaprubahan ng Kanyang Kamahalan, ang Reyna Rehente ng Espanya, si Maria Cristina, noong ika-9 ng Pebrero 1888.
Si Don Joaquín María Elizalde ay ang naging kanyang unang pangulo, kasunod sa 1890 ni Don Francisco Godínez, at sa 1895 ni Sr. Don José de Echeita.
Pagkatapos ng Digmaang Espanyol–Amerikano noong 1888 at ang sitwasyon ay naayos, noong ika-19 ng Hulyo 1903, ang Camara de Comercio de Manila ay nagsagawa ng kanilang unang pagkikitang pormal, kasama Gobernador Heneral ng Pilipinas William Howard Taft bilang kanyang Honorary President at si Don Francisco Reyes bilang unang pangulo ng Chamber of Commerce of the Philippine Islands.
Mga Pangulo ng Kamara
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Term | 1886 | 1890 | 1896 | 1903–1904 | 1904 | 1905 |
---|---|---|---|---|---|---|
Pres. | Joaquin Marcelino de Elizalde | Francisco Godínez | José María de Echeita | Francisco Reyes | Teodoro Yangco | Rafael del Pan |
Term | 1906–1912 | 1912–1915 | 1915–1916 | 1916–1917 | 1917–1918 | 1918–1919 |
Pres. | Vicente D. Fernandez | Rafael Reyes | Teodoro Yangco | Mauro Prieto | Jose F. Fernandez | Ramon J. Fernandez |
Term | 1919–1920 | 1920–1921 | 1921–1922 | 1922–1923 | 1923–1924 | 1924–1925 |
Pres. | Vicente Madrigal López y PdT | Juan B. Alegre | Jose V. Ramirez | Alfonso M. Tiaoqui | Teodoro Yangco | Leon Miguel Heras |
Term | 1925–1926 | 1926–1927 | 1927–1928 | 1928–1929 | 1930–1931 | 1931–1932 |
Pres. | Vicente G. Genato | Manuel E. Cuyugan | Vicente T. Fernandez | Pio V. Corpus | Leopoldo R. Aguinaldo | Isaac Barza |
Term | 1932–1933 | 1933–1934 | 1934–1935 | 1935–1936 | 1936–1941 | 1941 |
Pres. | Gonzalo Puyat | Arsenio N. Luz | Eulogio Rodriguez | Leopoldo R. Aguinaldo | Vicente Madrigal López y PdT | Aurelio Pedro Periquet y Ziálcita |
Term | 1941–1945 | 1945–1949 | 1951 | 1951–1954 | 1954–1955 | 1955–1957 |
Pres. | Vicente Madrigal | Gil J. Puyat | Aurelio Pedro Periquet y Ziálcita / Daniel R. Aguinaldo |
Antonio de las Alas | Teofilo D. Reyes Sr. | Cesar M. Lorenzo |
Term | 1957 | 1957–1958 | 1958–1960 | 1960–1961 | 1961–1962 | 1962–1963 |
Pres. | Bienvenido R. Medrano | Primitivo Lovina | Marcelo S. Balatbat | Gaudencio E. Antonino | Alfonso Calalang | Hermenegildo R. Reyes |
Term | 1963–1964 | 1964–1965 | 1965–1966 | 1966–1967 | 1967–1968 | 1968–1969 |
Pres. | Domingo Arcega | Demetrio Muñoz | Aurelio Periquet Jr. | Pio Pedrosa | Teofilo Reyes Jr. | Teofisto Guingona Jr. |
Term | 1969–1970 | 1970–1971 | 1971–1972 | 1972–1973 | 1973–1974 | 1975–1978 |
Pres. | Rogelio W. Manalo | Simeon C. Medalla | Miguel S. Arámbulo Jr. | Wigberto P. Clavesilla | Dominador Lim | Fred J. Elizalde |
Term | 1983 | 1984 | 1985–1992 | 1992–1993 | 1993–1996 | 1996–2000 |
Pres. | Perfecto Mañalac | Paulino S. Dionisio Jr. | Vicente Angliongto | José Barredo | Lourdes L. Sanvictores | Exequiel B. Garcia |
Term | 2000–2003 | 2003–2006 | 2006–2009 | 2009–2010 | 2010–2017 |
|
Pres. | Rose D. Teodoro | Francis C. Chua | Melito S. Salazar Jr. | Benigno N. Ricafort | Jose Luis U. Yulo Jr.[2][3] |
Mga Nagtatag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga tagapagtatag ng Kamara ay mga kinatawan ng lawak ng ekonomiya ng Pilipinas. Sila ay sina: Don Juan Rodriguez, gumagawa ng barko; Don Miguel Velasco, may-ari ng real estate; Sr. Rogaciano Rodriguez, negosyante; Sr. Francisco Reyes, bangkero, na siyang unang pangulo mula 1903-1904; Don Ricardo Aguado, negosyante; Sr. Teodoro Yang-co, may-ari ng real estate; Sr. Luis Hidalgo, negosyante; Don Pedro A. Roxas, may-ari ng real estate at negosyante; Sr. Rafael Reyes, may-ari ng real estate at industriyalista; Sr. Tomás Sunico, industriyalista; Sr. Vicente Somoza Cua-Peco, may-ari ng real estate at negosyante; Dr. Aristón Baustista, industriyalista; Don Vicente D. Fernández, attorney-in-fact ni Don Pedro P. Roxas; Sr. Telésforo Chuy-dian, may-ari ng real estate at negosyante; Don Bernandino Hernandez, negosyante; Sr. Faustino Lichauco, may-ari ng real estate at importer; Don Ramón Soriano, may-ari ng real estate at importer; Sr. Tomas Argüellles, arkitekto; Sr. Ignacio Sy-yap, negosyante; at Don Rafael del Pan, abogado.
Unang pagpulong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang pagpupulong ng organisasyon ng mga tagapagtatag ay ginanap sa tirahan ni Don Juan Rodriguez sa Calle Vives sa distrito ng San Nicolas. Ito ay pinangunahan ni Don Miguel Velasco. Sa pulong na ito, pinagtibay ng grupo ang "Cámara de Comercio de Manila" bilang pangalan ng kapisanan. Nang maglaon ay binago ito noong 1919 sa "Chamber of Commerce of the Philippine Islands / Camara de Comercio de las Islas Filipinas".[4]
Panahon ng Amerikano (1903-1946)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagbabago ng soberanya sa bansa mula sa Espanyol tungo sa Amerikano ay nagpabago sa takbo ng negosyo sa mga isla. Vicente Madrigal, Juan B. Alegre, Jose V. Ramirez, Alfonso M. Tiaoqui, Vicente P. Genato, Manuel E. Cuyugan, Vicente T. Fernandez at iba pang mga kilalang miyembro ng Camara ay pinatunayan ang kanilang sarili na mga pinuno sa pagtataguyod ng pinabuting relasyon sa negosyo sa Pilipinas.[5]
Noong Mayo 3, 1915, binago ng mga miyembro ng Camara de Comercio Filipinas ang mga batas nito, at noong Hunyo 19, 1915, niratipikahan ang Escritura Social nito.
Noong 1919, nagsimulang gamitin ang Inggles sa halip na Espanyol, sa gayon ang Cámara ay opisyal ding tinukoy sa mga dokumento bilang Chamber of Commerce ng Philippine Islands. Noong ika-17 ng Hulyo 1933, sa ika-3 sesyon ng ika-9 na Lehislatura ng Pilipinas, ang Kalihim ng Agrikultura at Komersiyo ay pinahintulutan na ibenta sa Kamara ang isang lupain para sa pagtatayo ng gusali nito[6][7] at ito ay inaprubahan noong ika-6 Disyembre 1933.
Ang Kamara ay binigyan ng titulo sa sarili nitong lupa, at sa pamamagitan ng mga kontribusyon ng mga pribadong negosyo, ang 3-palapag na gusali nito, na dinisenyo ng arkitekto na si Juan Arellano,[8] was built and inaugurated in 1937 with Philippine President Manuel Quezon officiating[9] kasama ang dating Pangulong Aurelio P. Periquet y Ziálcita.
Matapos ang pagtatapos ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig, nang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas, noong ika-6 ng Abril 1949, ang Komisyon sa mga Panagot at Palitan ng Department of Commerce and Industry ay naglabas ng Reconstruction of Records ng Kamara ng ilang mga nawawalang dokumento, kung saan pinangalanan ang Kamara bilang Cámara de Comercio de las Islas Filipinas (at magmula noon ay naging Chamber of Commerce of the Philippine Islands).[10]
Opisyal na Lathalain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga maagang taon ng COMMERCE
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang pagtatatag ng Kamara, ang pangangailangan para sa unilateral na pagpapahayag ng mga interes ng pamayanang pang-negosyo sa Pilipinas ay isang hindi pinaguukulan na konsepto. Gayunpaman, ang sari-saring mga alalahanin na kinakaharap sa pagpapatakbo ng negosyo ay nagpalakas ng loob sa Kamara tumungo sa mga alalahaning mahalaga ukol sa materyal na pag-unlad ng bansa.
Ang opisyal na publikasyon ng Kamara, na pinangalanang "Revista de la Cámara de Comercio de las Islas Filipinas" ay naglabas ng unang lathala nito noong 1927, na tinustusan ni Leopoldo R. Aguinaldo (na naging pangulo ng Kamara), at nang maglaon ay pinalitan ng pangalan. Sa pangyayaring ito, ang pangalan ng magazine ngayon ay binago bilang "COMMERCE Magazine". Ang pagpapalit ng pangalan ay ginawa upang maging kilala ito bilang opisyal na lathalain ng Kamara.
Ang COMMERCE Magazine ay may dalawang bahagi para sa mga mambabasa sa Inggles at Espanyol, ngunit kalaunan ay na-reformat ito bilang isang ganap na publikasyon sa wikang Inggles. Ito ay inilimbag sa deluxe format, sa mabigat na papel, na ginawa ito na pinakamahal, pinaka-awtoritatibo at eksklusibong publikasyong pangkalakalan sa Pilipinas.[11] Noong Enero 1952, si Dr. Jose R. Katigbak ay hinirang na mamahala ng magasin, sa pagtulong ni M.M. de los Reyes. Kasama sa Lupon ng mga Patnugot (editorial board) na pinamumunuan ni Dr. Katigbak sina Domingo Abadilla at Hilarion Vibal bilang mga kawani, na sinundan ng iba pang kilalang miyembro ng Kamara na humalili sa pagpapatakbo ng publikasyon, tulad nina Teofilo Reyes, Hilarion Vibal, Benito Medina, Carlos de Lara at George Yulo.
Ang mga kinalaunan na taon ng COMMERCE
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang paglalathala ng COMMERCE ay itinigil noong Batas militar sa ilalim ni Ferdinand Marcos. Noong 2015, nagpasya sina José Luis U. Yulo Jr. (ang ika-56 na pangulo ng Kamara) at Denissa G. Venturanza (Executive Director) na buhayin muli ang publikasyon. Sa kasalukuyan, ang COMMERCE Magazine (Philippines) ay patuloy na inilalabas tuwing ikatlong buwan ng taon.
Mga Larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "130 Years of the Chamber". COMMERCE. Blg. 2016-2017 Special Issue. p. 7.
- ↑ "Jose Luis Yulo, Jr". Israel Chamber of Commerce of the Philippines.
- ↑ "NordCham and the Chamber of Commerce of the Philippine Islands sign Memorandum of Cooperation". NordCham Philippines. Nobyembre 22, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 1, 2021. Nakuha noong Disyembre 13, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "130 Years of the Chamber". COMMERCE. Blg. 2016-2017 Special Issue. p. 8.
- ↑ "History of COMMERCE Magazine". Chamber of Commerce of the Philippine Islands website.
- ↑ "1937 original building of the Chamber of Commerce of the Philippines". Chamber of Commerce of the Philippines.
- ↑ "1963 Post World War II Restoration with original structure intact". Chamber of Commerce of the Philippines.
- ↑ "The Chamber of Commerce of the Philippine Islands, Historical Marker". Wikimedia Commons.
- ↑ "Philippine President Quezon officiates at the Chamber with Don Aurelio Periquet Sr". Chamber of Commerce of the Philippine Islands.
- ↑ "130 Years of the Chamber". COMMERCE. Blg. 2016-2017 Special Issue. p. 9.
- ↑ "History of COMMERCE Magazine". Chamber of Commerce of the Philippine Islands website.
- ↑ Bartolome, Tin (27 Marso 2015). "A Historic Landmark" (sa wikang Ingles). ABS-CBN News.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)