Pumunta sa nilalaman

Kari

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kari
Mga karing Indiyano
LugarSubkontinenteng Indiyano
Rehiyon o bansaBuong mundo
Pangunahing SangkapKarne o gulay, langis o ghee, mga espesya

Ang kari[1] o curry ay pagkaing may sarsa na tinimplahan ng mga espesya, pangunahing nauugnay sa lutuing Timog Asyano.[2][3] Sa timog Indiya, maaaring idagdag ang mga dahon mula sa murraya koenigii (curry tree).[4][5][6]

May maraming uri ang kari. Nakadepende sa kultural na tradisyon ng rehiyon at mga personal na kagustuhan ang espesyang ginagamit sa bawat putahe sa tradisyonal na lutuin. May mga pangalan ang mga ganitong ulam na tumutukoy sa mga ginagamit na sangkap, espesya, at paraan ng pagluluto.[7] Sa labas ng subkontinenteng Indiyano, ang kari ay ulam mula sa Timog-silangang Asya na gumagamit ng gata o minasang espesya, na sinasabayan ng kanin.[8] Maaaring maglaman ang mga kari ng isda, karne, poltri, o lamang-dagat, mag-isa man o may kasabay na gulay. May mga pambehetaryano rin. Niluluto ang mga tuyong kari sa kaunting likido na pinapasingaw, na maiwanang nakabalot ang mga ibang sangkap sa tinimplang espesya. Naglalaman naman ang mga basang kari ng makabuluhang halaga ng sarsa na gawa sa sabaw, krema ng niyog o gata, kremang gatasin o yogurt, o pinurée na legumbre, dinurog at ginisang sibuyas, o pinurée na kamatis.

Nagmula ang salitang kari sa wikang Tamil: கறி kaṟi na nangangahulugang 'sarsa' o 'pampasarap sa kanin' na gumagamit ng dahon ng murraya koenigii (curry tree).[9][10] Ginamit din ang salitang kari sa mga ibang wikang Drabida, samakatuwid nga, sa Malayalam, Kannada at Kodava na may kahulugang "anumang gulay (o karne), sariwa man o pinakuluan, kari".[11] Inilarawan ang kaṟi sa isang Portuges na cookbook noong kalagitnaan ng ika-17 siglo ng mga miyembro ng Kagalanggalang na Kompanya sa Silangang Indiya,[12] na nakikipagkalakalan sa mga negosyanteng Tamil sa Baybayin ng Coromandel ng timog-silangang Indiya,[13] at nakilala bilang "timpla ng espesya na ... tinatawag na kari podi o pinulbos na kari".[13]

Anyong Ingles naman ang salitang curry na unang lumitaw (sa anyong currey) sa aklat ni Hannah Glasse noong 1747, The Art of Cookery Made Plain and Easy (Ang Sining ng Pagluluto na Ginawang Simple at Madali).[10][12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "kari - Diksiyonaryo". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 9 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Curry" [Kari]. Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Agosto 2021.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Definition of Curry" [Kahulugan ng Kari] (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 25 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Fresh Curry Leaves Add a Touch of India" [Sariwang Dahon ng Kari, Nagdaragdag ng Anino ng Indiya] (sa wikang Ingles). NPR. 28 Setyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Abril 2018. Nakuha noong 6 Abril 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Curry definition and synonyms" [Kahulugan at mga kasingkahulugan ng kari]. Macmillan Dictionary (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 12 Hunyo 2018. Nakuha noong 13 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Raghavan, S. (2007). Handbook of Spices, Seasonings and Flavourings [Muntaklat ng Espesya, Panimpla at Pampalasa] (sa wikang Ingles). CRC Press. p. 302. ISBN 978-0-8493-2842-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Collingham, Lizzie (2006). Curry: A Tale of Cooks and Conquerors [Kari: Isang Kwento ng Mga Kusinero at Manlulupig] (sa wikang Ingles). New York, NY: Oxford University Press. p. 115. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2020. Nakuha noong 16 Hulyo 2020. Walang Indiyano, gayunpaman, ang tutukoy sa kanyang mga pagkain bilang kari. Wala sa Indiya ang ideya ng kari bilang isang partikular na ulam. Tinukoy ng mga Indiyano ang kani-kanilang mga ulam gamit ang mga tiyak na pangalan. Subalit pinagsama-sama ang lahat ng ito ng mga Briton sa katawagang "curry"{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Van Esterik, Penny (2008). Food Culture in Southeast Asia [Kultura ng Pagkain sa Timog-silangang Asya] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. pp. 58–59. ISBN 9780313344206.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Senthil Kumar, A. S. (2017). An Etymological Dictionary of Tamil Loanwords in English, Hindi, Sanskrit, Greek, Minoan, and Cypro-Minoan Languages [Isang Diksiyonaryo ng Etimolohiya ng mga Salitang Hiniram mula sa Tamil sa mga Wikang Ingles, Hindi, Sanskrito, Griyego, Minoiko, at Tsipro-Minoiko] (sa wikang Ingles). Senthil Kumar A.S. p. 83. Nakuha noong 23 Enero 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "Curry" [Kari] (sa wikang Ingles). Online Etymology Dictionary, Douglas Harper. 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2018. Nakuha noong 8 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "kari – A Dravidian Etymological Dictionary" [kari – Isang Diksiyonaryo ng Etimolohiyang Drabida] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hunyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Taylor, Anna-Louise (11 Oktubre 2013). "Curry: Where did it come from?" [Kari: Saan ito nanggaling?] (sa wikang Ingles). BBC: Food Knowledge and Learning. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 Marso 2014. Nakuha noong 4 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Sahni, Julie. Classic Indian Cooking [Klasikong Pagluluto sa Indiya] (sa wikang Ingles). (New York, NY: William Morrow and Company, Inc., c.1980), pa.39-40.