Panahong Heisei
8 Enero 1989 – 30 Abril 2019 | |
Lokasyon | Hapon |
---|---|
Mga pangunahing pangyayari |
|
Nakaraang sinundan | Shōwa |
Sinundan ng | Reiwa |
Monarko | Akihito |
Kasaysayan ng Hapon | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Mga panahon
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Mga paksa |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang Panahong Heisei (平成, Hapon: [heːseː] ( makinig)) ay ang panahon sa kasaysayan ng Hapon na kaayon sa pamumuno ni Emperador Emerito Akihito mula 8 Enero 1989 hanggang sa kanyang pagbibitiw noong 30 Abril 2019. Nagsimula ang panahon noong 8 Enero 1989, ang araw pagkatapos mamatay ni Emperador Hirohito, nang ang kanyang anak, si Akihito, ay namana ang trono bilang ika-125 Emperador ng Hapon. Alinsunod sa kaugaliang Hapon, postumong pinalitan ang pangalan ni Hirohito sa "Emperador Shōwa" noong 31 Enero 1989.
Kaya, katumbas ang 1989 sa Shōwa 64 hanggang sa 7 Enero at ang Heisei 1 (平成元年 Heisei gannen, gannen nangangahulugang "unang taon") ay nagsimula noong 8 Enero. Natapos ang panahong Heisei noong 30 Abril 2019 (Heisei 31), sa pagbibitiw ni Akihito mula sa Tronong Krisantemo. Sinundan nito ang panahong Reiwa habang ang noo'y kinoronang prinsipe Naruhito ay minana ang trono noong 1 Mayo ng hatinggabi, lokal na oras.[1]
Kasaysayan at kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 7 Enero 1989, sa ganap na 07:55 AM JST, ipinabatid ng Maringal na Mayordomo ng Ahensiya ng Sambahayang Imperyal ng Hapon na si Shōichi Fujimori, na namatay na si Emperador Hirohito sa ganap na 6:33 AM JST, at hinayag sa unang pagkakataon ang detalye sa kanyang kanser. Dagli pagkatapos ng pagkamatay ng Emperador, ipinabatid ni Keizō Obuchi, na noo'y Hepe ng Kalihim ng Gabinete at Punong Ministro ng Hapon sa kalaunan, ang katapusan ng panahong Shōwa, at ipinahayag ang bagong pangalan ng panahon na "Heisei" para sa bagong Emperador, at ipinaliwanag ang kahulugan nito.
Ayon kay Obuchi, kinuha ang pangalang "Heisei" mula sa dalawang aklat ng kasaysayan at pilosopiya na Tsino, at ang mga ito ay ang Mga Tala ng Maringal na Mananalaysay (史記) at ang Aklat ng mga Dokumento (書経). Sa Mga Tala ng Maringal na Mananalaysay, isang pangungusap ang lumitaw sa isang seksyon na ipinagbubunyi ang marunong na pamumuno ng malaalamat na Tsinong Emperador Shun, na nakasaad ang "内平外成" (Kanbun: 内平かに外成る, Uchi tairaka ni soto naru). Sa Aklat ng mga Dokumento, lumilitaw ang pangungusap na "地平天成" (Kanbun: 地平かに天成る, Chi tairaka ni ten naru, "kapayapaan sa langit at lupa"). Sa pagsasama ng parehong kahulugan, nilayon na ang kahulugan ng Heisei ay "kapayapaan kahit saan".[2] Agad nagkabisa ang panahong Heisei sa araw ng pagkatapos humalili si Emperador Akihito sa trono noong 7 Enero 1989.
Noong Agosto 2016, nagbigay si Emperador Akihito ng isang pahayag sa telebisyon para sa bansa, kung saan ipinahayag niya ang alalahanin sa edad na isang araw ay makakahadlang sa kanya na gampanin ang mga opisyal na tungkulin. Pagpahiwatig ito ng kanyang hiling na magretiro.[1] Nagpasa ang Diyetang Hapon ng isang batas noong Hunyo 2017 na payagan ipasa ang trono sa anak ni Akihito, si Naruhito.[1] Pagkatapos ng pagpupulong ng mga kasapi ng Konseho ng Kamarang Imperyal, ipinabatid ni Punong Ministro Shinzō Abe na 30 Abril 2019 ang petsang itinakda para sa pagbibitiw ni Akihito.[1] Nagsimula sa sumunod na araw ang panahon ng pamumuno ni Naruhito .[3]
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gumuho ang ekonomiyang bula na nagpatuloy mula sa mga dulo ng ng panahong Shōwa.
- Pinakamataas na 10 ayon sa kapitalisasyon ng merkado[4]
Ranggo | Unang taon ng Heisei (1989) | Huling taon ng Heisei (2019) |
---|---|---|
1 | NTT $163.8 billion |
Microsoft $940.8 billion |
2 | Industrial Bank of Japan $71.5 billion |
Apple Inc. $895.6 billion |
3 | The Sumitomo Bank $69.5 billion |
Amazon.com $874.7 billion |
4 | Fuji Bank $67.0 billion |
Alphabet Inc. $818.1 billion |
5 | Dai-Ichi Kangyo Bank $66.0 billion |
Berkshire Hathaway $493.7 billion |
6 | IBM $64.6 billion |
Facebook $475.7 billion |
7 | Mitsubishi Bank $59.2 billion |
Alibaba Group $472.9 billion |
8 | Exxon $54.9 billion |
Tencent $440.9 billion |
9 | Tokyo Electric Power Company $54.4 billion |
Johnson & Johnson $372.2 billion |
10 | Royal Dutch Shell $54.3 billion |
ExxonMobil $342.1 billion |
Tala ng pagpalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Para palitan ang kahit anumang taon sa kalendaryong Gregoryano sa pagitan ng 1989 at 2019 sa taon sa kalendaryong Hapon sa panahong Heisei, kailangang ibawas ang 1988 mula sa taon na nasa taon ng Heisei.
Heisei | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | |
AD | 1989 | 1990 | 1991 | 1992 | 1993 | 1994 | 1995 | 1996 |
MCMLXXXIX | MCMXC | MCMXCI | MCMXCII | MCMXCIII | MCMXCIV | MCMXCV | MCMXCVI | |
Heisei | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 |
IX | X | XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | |
AD | 1997 | 1998 | 1999 | 2000 | 2001 | 2002 | 2003 | 2004 |
MCMXCVII | MCMXCVIII | MCMXCIX | MM | MMI | MMII | MMIII | MMIV | |
Heisei | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 |
XVII | XVIII | XIX | XX | XXI | XXII | XXIII | XXIV | |
AD | 2005 | 2006 | 2007 | 2008 | 2009 | 2010 | 2011 | 2012 |
MMV | MMVI | MMVII | MMVIII | MMIX | MMX | MMXI | MMXII | |
Heisei | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | |
XXV | XXVI | XXVII | XXVIII | XXIX | XXX | XXXI | ||
AD | 2013 | 2014 | 2015 | 2016 | 2017 | 2018 | 2019 | |
MMXIII | MMXIV | MMXV | MMXVI | MMXVII | MMXVIII | MMXIX |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Japan's emperor to abdicate on April 30, 2019: gov't source". english.kyodonews.net (sa wikang Ingles). Kyodo News. 1 Disyembre 2017. Nakuha noong 1 Disyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 「明治」の由来は何ですか? (sa wikang Hapones). Meiji Shrine. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Abril 2019. Nakuha noong 3 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kyodo, Jiji (3 Disyembre 2017). "Japan's publishers wait in suspense for next era name". The Japan Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Septiyembre 2019. Nakuha noong 31 Enero 2018.
{{cite news}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "新経済連盟:仮想通貨・ブロックチェーンの「規制明確化」求める". Bitt Times (sa wikang Hapones). Nakuha noong Pebrero 8, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)