Naruhito
Naruhito | |
---|---|
Si Naruhito noong 2019 | |
Panahon | 1 Mayo 2019 – kasalukuyan |
Koronasyon | 22 Oktubre 2019 |
Sinundan | Akihito |
Tagapagmanang pinalagay | Fumihito |
Punong Ministro | Shinzō Abe |
Asawa | Masako Owada (k. 1993) |
Anak | Aiko, Prinsesa Toshi |
Pangalan at Hangganan ng kapanahunan | |
Reiwa: May 1, 2019 – kasalukuyan | |
Lalad | Imperyal na Bahay ng Hapon |
Ama | Akihito |
Ina | Michiko Shōda |
Kapanganakan | Ahensiyang Ospital ng Imperial na Sambahayan, Palasyong Imperyal ng Tokyo, Tokyo, Hapon | 23 Pebrero 1960
Pananampalataya | Shinto |
Si Naruhito (徳仁, binibigkas na [naɾɯçi̥to]; ipinanganak 23 Pebrero 1960) ay ang Emperador ng Hapon. Naluklok siya sa Tronong Krisantemo noong 1 Mayo 2019 sa simula ng panahon Reiwa, pagkatapos magbitiw sa tungkulin ang kanyang ama na si Emperador Akihito.[1] Siya ang ika-126 na monarko sang-ayon sa tradisyunal na pagkasunod-sunod ng paghalili sa bansang Hapon.
Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa bansang Hapon, hindi kinikilala ang Emperador sa kanyang ibinigay na pangalan ngunit sa halip ay kinikilala bilang "Ang Kanyang Kamahalang Emperador" (天皇陛下 Tennō Heika) na maaring paikliin sa "Kanyang Kamahalan" (陛下 Heika).[2] Sa kasulatan, pormal na tinutukoy ang Emperador bilang "Ang Naghaharing Emperador" (今上天皇 Kinjō Tennō). Ang panahon ng paghahari ni Naruhito ay nagdadala ng pangalang "Reiwa" (令和), at sang-ayon sa kaugalian, mapapalitan ang pangalan niya sa Emperador Reiwa (令和天皇 Reiwa Tennō) sang-ayon sa utos ng Gabinete pagkatapos ng oras ng kanyang kamatayan. Malalaman ang pangalan ng susunod na panahon sa ilalim ng kanyang kahalili pagkatapos ng kamatayan o bago ng kanyang pagbibitiw.[3]
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinangank si Naruhito noong 23 Pebrero 1960 at 4:15 p.m. in the Ahensiyang Ospital ng Imperial na Sambahayan sa Palasyong Imperyal ng Tokyo.[4] Bilang isang prinsipe, sinabi niya sa kalaunan, "Ipinanganak ako sa isang kamalig sa loob ng hukay."[5] Nag-iba ng relihiyon ang kanyang ina mula Romano Katolisismo tungong Shinto. Bago ang kapanganakan ni Naruhito, ang pagbatid ng noo'y Kinoronahang Prinsipe Akihito na siya ay ikakasal kay Michiko Shōda (Emperatris Michiko sa kalaunan) ay nagdulot ng pagsalungat mula sa mga pangkat na maka-tradisyon, dahil mula si Michiko sa isang pamilyang Romano Katoliko.[6] Bagaman hindi siya nabinyagan, pumasok ang ina ni Naruhito sa mga paaralang Katoliko at tila kinuha ang pananampalataya ng kanyang mga magulang. Pagkatapos mamatay ng lola ni Naruhito sa ama na si Emperatris Kōjun noong 2000, iniulat ng Reuters na si Emperatris Kōjun ang isa sa mga pinakatutol sa pagpapakasal ng kanyang anak, at noong dekada 1960, binigyan niya ng matinding kalungkutan ang kanyang manugang at mga apo sa pamamagitan ng patuloy ng pag-akusa na hindi siya karapat-dapat sa kanyang anak.[7]
Naiulat na naging masaya ang pagkabata ni Naruhito at natutuwa siya sa mga aktibidad tulad ng pag-akyat sa bundok, pagmamaneho at pag-aaral ng biyolin. Naglalaro siya kasama ang mga anak ng mga monarkong punong-guro, at tagahanga siya ng Yomiuri Giants sa Gitnang Liga, ang kanyang paboritong manlalaro ay ang Blg. 3, na kalaunan ay naging tagapamahala ng koponan, na si Shigeo Nagashima. Isang araw, natagpuan ni Naruhito ang labi ng isang lumang lansangan sa lupain ng palasyo, na nag-udyok sa kanya na mamangha sa kasaysayan ng trasportasyon, na naging paksa ng kanyang batsilyer at maestrong digri sa kasaysayan.[8] Sinabi niya sa kalunan, "Mayroon akong masigasig na interes sa mga lansangan noon pang bata ako. Sa mga lansangan, maari kang makapunta sa mga hindi kilalang mundo. Yayamang nabubuhay ako na may iilang pagkakataon na lumabas ng malaya, napakahalaga ang mga lansangan upang makakonekta sa hindi kilalang mga mundo, sabi nga."[9]
Noong Agosto 1974, noong 14 na gulang ang prinsipe, ipinadala siya sa Melbourne, Australia, para isang homestay o pagtira sa isang bahay ng ibang pamilya. Ang ama ni Naruhito, ang noo'y Kinoronahang Prinsipe Akihito, ay nagkaroon ng positibong karanasan doon noong napunta siya doon isang taon bago nagpunta si Naruhito, at hinimok ang anak na magpunta na rin doon.[10] Tumira siya sa pamilya ng isang negosyante na si Colin Harper.[11] Nakasundo niya ang kanyang mga kasama sa bahay, at sila'y bumiyahe sa palibot ng Point Lonsdale, tumugtog ng biyolin, naglaro ng tennis, at umakyat ng Uluru ng sama-sama.[12] Tumugtog siya ng isang beses ng biyolin para sa mga dignitaryo sa isang hapunang pang-estado sa Bahay ng Gobernador na pinamunuan ni Gobernador-Heneral Sir John Kerr.[13]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nang siya ay apat na taong gulang, pumasok siya sa prestihiyosong sistemang paaralan na Gakushūin, kung saan maraming elitistang pamilyang Hapon at narikin (nouveau riche o bagong mayaman) ang ipinapadala ang kanilang mga anak.[14] Sa senior high ng siya'y nasa mataas na paaralan, umanib si Naruhito sa is klab pang-heograpiya.[15]
Nagtapos si Naruhito sa Unibersidad ng Gakushuin noong Marso 1982 na may isang Batsilyer ng mga Sulat na may digri sa kasaysayan.[16] Noong Hulyo 1983, pumasok siya sa isang tatlong-buwang masidhing kurso sa wikang Ingles bago pumasok sa Kolehiyo ng Merton, Unibersidad ng Oxford, sa Reino Unido,[17] na nag-aral siya hanggang 1986. Bagaman, hindi sinumite ni Naruhito ang kanyang tesis na A Study of Navigation and Traffic on the Upper Thames in the 18th Century (Isang Pag-aaral ng Nabigasyon at Trapiko sa Kataasan ng Thames noong ika-18 siglo) hanggang 1989.[18] Binisita niya muli sa kalaunan ng mga taon na ito ang kanyang aklat na Ang Thames at Ako – isang Talaarawan ng Dalawang Taon sa Oxford. Pumunta siya sa 21 makasaysayang pub, kabilang ang Trout Inn.[19] Umanib si Naruhito sa Lipunang Hapon at lipunang pang-drama, at naging honoraryong pangulo ng klab ng karate at judo.[20] Naglaro siya ng inter-kolehiyong tennis[20] at kumuha ng mga aralin sa golp mula isang propesyunal.[20] Sa kanyang tatlong taon sa Merton, umakyat din siya sa mga matataas na bundok sa tatlong nasasakupang bansa ng Reino Unido: ang Ben Nevis ng Scotland, ang Snowdon ng Wales at Scafell Pike sa Inglatera.[21]
Habang nasa Oxford, nakapunta si Naruhito sa iba't ibang lugar sa Europa at makilala ang karamihan sa monarko nito, kabilang ang pamilyang monarko ng Britanya.[21] Namangha siya sa maluwag na pamamaraan ng mga monarko sa Reino Unido: "Si Reyna Elizabeth II, pinansin niya na may pagkagulat, ay sinalin niya ang kanyang sariling tsaa at siya ang naghatid ng mga sandwits."[22] Sumama rin siya upang makipag-ski kay Prinsipe Hans-Adam II ng Liechtenstein, nagbakasyon sa Mallorca sa Mediteranyo kasama ang Haring Juan Carlos I, at naglayag kasama ang Kinoronahang Prinsipe Harald ng Norway at Kinoronahang Prinsesa Sonja at Reyna Beatrix ng Netherlands.[23]
Nang bumalik siya sa Hapon, pumasok muli siya sa Unibersidad ng Gakushūin upang makamit ang digri na Maestro sa Humanidades sa kasaysayan, na matagumpay na nagawa ito noong 1988.[24]
Pansariling buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang nakilala ni Naruhito si Masako Owada sa piging pang-tsaa para kay Infanta Elena ng Espanya noong Nobyembre 1986,[20][25] nang nag-aaral si Masako sa Unibersidad ng Tokyo. Agad na naakit ang prinsipe sa kanya,[26] at inareglo ang pagkita sa kanya ng ilang beses ng sumunod na mga linggo.[27] Dahil dito, inaabangan lagi sila ng mga mamamahayag sa loob ng taong 1987.[28]
Sa kabila ng pagtutol ng Ahensiyang Imperyal na Sambahayanan kay Masako, at sa pagpasok nito sa Kolehiyo ng Balliol, Oxford, sa sumunod na dalawang taon, nanatiling interasado si Naruhito kay Masako. Nag-propose o nagmungkahi siya ng pagpakasal kay Masako ng tatlong beses sa Palasyong Imperyal at pinabatid na sila'y engage o ikakasal na noong 19 Enero 1993. Naganap ang kasal noong Hunyo 9 ng parehong taon sa Bulwagan ng Imperyal na Shinto sa Tokyo na nag-imbita ng 800 panauhin, kabilang ang maraming pinuno ng estado at monarko sa Europa.[29]
Sa panahon ng kanilang kasal, namatay na ang lolo ni Naruhito na si Emperador Shōwa (Hirohito) at noong Peberro 23, 1991, naglaan si Naruhito bilang ang Kinoronahang Prinsipe na may titulong Prinsipe Hiro (浩宮 Hiro-no-miya).[30] Pinabatid ang unang pagbubuntis ni Masako noong December 1999, ngunit nakunan siya.[31] Nagkaroon sila ng isang anak, si Aiko, Prinsesa Toshi (敬宮愛子内親王 Toshi-no-miya Aiko Naishinnō), na ipinanganak noong December 1, 2001 sa Ahensyang Ospital ng Imperyal na Sambahayanan sa Palasyong Imperyal ng Tokyo.[32][33]
Emperador ng Hapon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1 Disyembre 2017, inanunsyo ng pamahalaan na ang ama ni Naruhito, si Emperador Akihito, ay magbibitiw sa puwesto sa 30 Abril 2019, at si Naruhito ang magiging Emperador sa May 1, 2019.[34][35] Pagkatapos ng seremonya ng pagbibitiw noong hapon ng Abril 30, ang paghahari ni Akihito ay nanatili hanggang sa katapusan ng araw. Pagkatapos ng araw na iyon, humalili sa kanya si Naruhito bilang emperador sa simula ng araw ng Mayo 1, na sinusumulan ang isang panahon ng Reiwa. Nangyari ang pagpapalit noong hatinggabi. Naging pormal ang pagiging emperador ni Naruhito sa isang seremonya noong umaga ng Mayo 1. Sa kanyang unang pahayag bilang emperador, nangako siya na malalim na magmuni-muni sa daan kanyang tatahakin pagkatapos ng kanyang ama, at matupad ang responsibilidad "bilang isang sagisag ng estado at ang pagkakaisa ng taong-bayan ng Hapon."[1] Naganap ang seremonya ng pagluluklok noong 22 Oktubre 2019,[36] kung saan naluklok siya sa isang kaparaanang sinauna na seremonyang proklamasyon.[37]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Japan's new Emperor Naruhito pledges unity". BBC News (sa wikang Ingles). 1 Mayo 2019. Nakuha noong 2019-05-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Members of the Order of the Garter" (sa wikang Ingles). The British Monarchy.
- ↑ "National Day of Japan to be celebrated" (sa wikang Ingles). Embassy of Japan in Pakistan. 7 Disyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Pebrero 2008. Nakuha noong 28 Disyembre 2007.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2 February 2008[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "浩宮徳仁親王(現皇太子)誕生". Mainichi Shimbun (sa wikang Ingles). 23 Pebrero 1960. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2018. Nakuha noong 30 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 24 December 2018[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Hills 2006, p. 69
- ↑ Bix, Herbert P. (2000). Hirohito and the Making of Modern Japan (sa wikang Ingles). New York: Harper Collins. pp. 661. ISBN 978-0-06-019314-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japan's Dowager Empress Dead At 97" (sa wikang Ingles). CBS News. 2000-06-16. Nakuha noong 2016-10-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Hills 2006, p. 76
- ↑ Hills 2006, p. 77
- ↑ Hills 2006, p. 56
- ↑ Hills 2006, p. 57
- ↑ Hills 2006, pp. 60–61
- ↑ Hills 2006, p. 60
- ↑ Hills 2006, pp. 77–78
- ↑ Hills 2006, p. 79
- ↑ Hills 2006, p. 81
- ↑ Hills 2006, pp. 142–143, 152
- ↑ Hills 2006, pp. 144–145
- ↑ Hills 2006, pp. 145–146
- ↑ 20.0 20.1 20.2 20.3 Hills 2006, p. 150
- ↑ 21.0 21.1 Hills 2006, p. 151
- ↑ Hills 2006, p. 148
- ↑ Hills 2006, pp. 151–152
- ↑ "Personal Histories of Their Majesties the Emperor and Empress". The Imperial Household Agency. Nakuha noong 23 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fitzpatrick, Beth Cooney (21 Enero 2011). "Great Royal Weddings: Princess Masako and Crown Prince Naruhito". Stylelist. AOL. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2011. Nakuha noong 2 Disyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 10 September 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Hills 2006, pp. 120–121
- ↑ Hills 2006, p. 123
- ↑ Hills 2006, p. 136
- ↑ Hills 2006, p. 2
- ↑ "Personal Histories of Their Imperial Highnesses the Crown Prince and Crown Princess" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2002. Nakuha noong 2 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Royal life takes its toll on Japan's crown princess". China Daily (sa wikang Ingles). 2 Agosto 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hunyo 2011. Nakuha noong 16 Nobyembre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Girl Born to Japan's Princess". The New York Times. 1 Disyembre 2001. Nakuha noong 16 Nobyembre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ French, Howard W. (8 Disyembre 2001). "Japan: A Name For The Royal Baby". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Nobyembre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Emperor Akihito to abdicate on April 30, 2019". japantoday.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Osaki, Tomohiro (1 Disyembre 2017). "Japan sets date for Emperor Akihito's abdication as April 30, 2019". The Japan Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Enthronement ceremony for new emperor mulled for Oct. 2019" (sa wikang Ingles). Mainichi Shimbun. 31 Disyembre 2017. Nakuha noong 31 Disyembre 2017.
The government is mulling scheduling the enthronement ceremony for the next emperor for October 2019, months after Crown Prince Naruhito accedes to the Imperial Throne on May 1 that year upon his father Emperor Akihito's abdication, it has been learned.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Japan emperor proclaims enthromement in ancient-style ceremony Naka-arkibo 2019-12-09 sa Wayback Machine. (sa Ingles)