Kilusang Kasarinlan ng Hong Kong
Ang Kilusang Kasarinlan ng Hong Kong (Tsino: 香港獨立運動) ay isang kilusang naglalayong maging isang estadong soberano ang Hong Kong.[1] Kasunod ng paglipat ng soberaniya ng Hong Kong sa Pangmadlang Republika ng Tsina, marami sa mga taga Hong Kong ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala at mga huna-huna ukol sa pamumuno ng Partidong Komunista ng Tsina tungkol sa mga suliraning mayroong kaugnayan sa katarungan, kalayaan, demokratikong pag-unlad, at maging ang matiwasay na paglago ng ekonomiyang pagkapaligiran matapos maging Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Pangmadlang Republika ng Tsina. Nais din ng iba sa kanila na maging soberanong lungsod-estado ang Hong Kong katulad ng Singgapur, na dati ring koronang kolonyal ng Imperyong Britaniko. Ayon sa engkwesta (poll) ng HKPOP noong 2007, 25% sa mga taga Hong Kong ang mga namili ng nagsasariling Hong Kong sa halip na pamunuan ng Pangmadlang Republika ng Tsina, isang pagtaas mula sa 22% noong 2005, habang ang 64.7% ng mga nakapanayam ay salungat sa pagsasarili. 33% ng mga nakapanayam ang nagsabi na pipiliin nila ang kasarinlan kung patuloy pa ring mamumuno ang partidong komunista ng Tsina sa taóng 2047, kapag natapos na ang Pinagsamang Deklarasyong Sino-Britaniko, ngunit pinahayag na pipiliin nilang maging bahagi ng bansa kung ang Komunistang Partido ay magkakaroon ng reporma para sa buong demokrasya na may panglahatang suprahiyo (paghahalal).[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 安平,“港独”暗流涌动网际 与各路分裂势力关系密切,中国新闻网,中新社香港,2005-02-06
- ↑ [1] Naka-arkibo 2011-07-21 sa Wayback Machine.《香港大學民意網站》「香港、台灣、澳門、沖繩民眾文化與國家認同國際比較調查」2007
- Associated Press, 15 November 2004 Naka-arkibo 11 March 2007 sa Wayback Machine.
- Associated Press, 16 November 2004
Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.