Kilusang Pagbabago ng Sandinista
Kilusang Pagbabago ng Sandinista Movimiento Renovador Sandinista | |
---|---|
Pangulo | Suyén Barahona Cuan |
Itinatag | 18 May 1995 |
Humiwalay sa | Sandinista National Liberation Front |
Punong-tanggapan | Managua, Nicaragua |
Palakuruan | Social democracy Sandinismo Left-wing nationalism |
Posisyong pampolitika | Centre-left |
Kasapaing pandaigdig | Progressive Alliance |
Seats in the National Assembly | 0 / 92
|
Logo | |
Website | |
www.partidomrs.org |
The Kilusang Pagbabago ng Sandinista (Movimiento Renovador Sandinista o MRS, sa wikang Kastila) at (Sandinista Renovation Movement naman sa Ingles) ay isang partidong pampulitika ng Nicaragua na itinatag noong 21 Mayo 1995.
Kasama sa mga nagtatag nito ay ang mga kilalang militante ng Sandinista National Liberation Front (FSLN) mga militanteng humiwalay sa partidong pampulitika na iyon dahil sa mga hindi pagkakaunawaan sa pamumuno ni Daniel Ortega.
Kabilang sa mga nagtatag ng MRS ay sina Sergio Ramírez Mercadowhoich (na siyang naging unang presidente), Dora María Téllez, Luis Carrión Cruz, Luis Felipe Pérez Caldera, Leonor Arguello at Reynaldo Antonio Téfel.
Noong 2016, sumali ang MRS sa Alyansang Progresibo na binubuo ng mahigit 130 Labour, Social Democrat at mga makakaliwang partido, mga organisasyon at mga kilusan galing sa iba't ibang dako ng mundo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang konstityutibong kumbensyon ng Movimiento Renovador Sandinista/ Kilusang Pagbabago ng Sandinista (MRS) ay ginanap noong 21 Mayo 1995, sa okasyon ng sentenaryo ng kapanganakan ni Augusto C. Sandino (18 Mayo 1895). Inapruba ng kumbensyon ang mga saligang dokumento ng MRS: Mga prinsipyo, programa, mga batas at inihalal ang kanilang mga unang pambansang awtoridad.
Mula sa pagtatag nito, ang mga tagapagtatag ng MRS ay nagdeklara ng kanilang pangako sa mga panuntunan ng demokrasya, kapayapaan, katarungang panlipunan at pakikibakang pambayan.
Sa mga taong 1994 at 1995, ang mga kinatawan ng MRS sa Pambansang Pagpupulong, ay aktibong lumahok sa pagbalangkas ng mga konstitusyonal na reporma na nagbigay sa Nicaragua ng bagong ligal na balangkas upang tumungo sa, at pagsamahin ang demokrasya, sa bagong sitwasyong kinaroroonan ng Nicaragua at ng buong mundo noong panahong iyon. Noong 1996 lumahok ang MRS sa pambansang halalan kasama si Sergio Ramírez bilang kandidato sa pagkapresidente at Leonel Arguello bilang kandidato sa pagkabise-presidente.
Noong 2001, base sa nakaprogramang plataporma na may mga demokratikong pangako at saligan, kasama ang MRS sa Alyansa ng Pambansang Tagpuan at sa pamamagitan ng alyansang ito, lumahok sa pambansang halalan noong taong iyon.
Sa pampangulo at parlyamentaryong halalan noong 2006, pinamunuan ng MRS ang Alyansang MRS, na pinangunahan ng dating alkalde ng Managua Herty Lewites, na hinirang na kandidato sa pagkapresidente sa isang tandem kasama si Edmundo Jarquín Calderón bilang kandidato sa pagkabise-presidente.
Ang Alyansang MRS ay binubuo ng MRS at ng mga sumusunod na partido at kilusan:
- Citizen Action Party (PAC)
- Movement for the Rescue of Sandinismo
- Nicaraguan Socialist Party (PSN)
- Social Christian Party
- Green Ecologist Movement (GP-Nicaragua).
- Women's Autonomous Movement
- Movement Change Reflection Ethics Action (CREA)
Ang pagsulong ng kampanya bago ang eleksyon ay nagpakita ng mga napaka kanais-nais na posibilidad para sa Alyansang MRS. Nilagay ng lahat ng botohan si Herty Lewites at ang koalisyon sa isang matatag at lumalaking pangatlong puwesto sa likod ng FSLN at ng Alianza Liberal Nicaragüense (ALN).
Sa gitna ng kampanyang panghalalan, noong 2 Hulyo 2006, namatay si Herty Lewites. Kaya si Edmundo Jarquín Calderón ang naging kandidato sa pagkapresidente at si Carlos Mejía Godoy naman sa pagkabise-presidente.
Ang biglaang pagkamatay ni Hertty Lewites ay nakaapekto sa mga posibilidad para sa Alyansang MRS, kung saan sa dulo ay nakalikom ng halos 8% ng lahat ng mga boto.
Noong 11 Hunyo 2008, sa pagproseso ng panghalalang munisipyo para sa halalan sa 9 Nobyembre, ang Kataas-taasang Konsehong Elektoral ng Nicaragua (CSE) - na kontrolado ni Daniel Ortega, na pinamunuan ang gobyerno sa taong 2007-, ay kinansela ang ligal na pagkakakilanlan ng MRS, sa dahilanang “self-dissolution". Subalit, isang buwan lamang ang nakalilipas, noong 12 Mayo, ang CSE mismo ang naglabas ng huling listahan ng mga kandidato para sa pagka-alkalde, deputy na alkalde at mga konsehal para sa lahat ng mga partidong pulitikal na sumali sa halalan, kasama na rin ang mga galing sa MRS.
Sa pambansang halalan ng 2011, ang MRS ay sumali sa koalisyong elektoral ng PLI Alianza, na nakakuha ng 2 deputy at 3 kapalit na deputy sa Pambansang Pagpupulong; nagmamay-ari ng isang deputy at isang deputy sa Parlyamentaryo ng Gitnang Amerika.
Noong Oktubre ng taong 2016, ang Broad Front for Democracy (Frente Amplio por la Democracia, FAD) ay binuo. Ito ay isang alyansa kung saan ang MRS ay sasama sa iba't ibang pulitikal na mga organisasyon at mga kilusang panlipunan. Layunin ng FAD ang pagtatag ng demokrasya sa Nicaragua, sa pamamagitan ng pambayang pagkikilos ng mamamayan.
Bilang myembro ng FAD, ang MRS ay kasama sa Blue and White National Unity na inilunsad noong 4 Oktubre 2018. Ang Blue and White National Unity, ay isang malawak na alyansa na pinagtitipon ang mga oposisyon kay pangulong Ortega. Ang Blue and White Unity ay binubuo ng 43 na panlipunan at pampulitikal na organisasyon at kilusan.
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang MRS ay kinikilala bilang isang demokratiko at progresibong partido, na binubuo ng mga babae at lalake, na isinusulong ang pagbuo ng isang Nicaragua na may oportunidad, pag-unlad, pakikiisa, demokrasya at soberanya.
Ang MRS ay binuo sa buhay pulitika sa pakikibaka para isalba ang demokrasya at mga pampublikong institusyon na kasalukuyan ay hindi kinikilala at ibinabalewala sa Nicaragua. Ito'y para na rin sa pagmungkahi ng mga tunay na solusyon sa kahirapan na nararanasan ng karamihan sa mga mamamayan ng Nicaragua.
National board of director
Noong 18 Nobyembre 2017 ginanap ang VIII Pambansang Kumbensyon ng MRS. Sa pagtitipong ito, ang mga National Board of Directors ay inihalal.
• Suyén Barahona Cuan, presidente
• Hugo Torres Jímenez, bise-presidente
MRS's Presidents
Pangulo | Petsa |
Sergio Ramírez | 1995-1998 |
Dora María Téllez | 1998-2007 |
Enrique Sáenz | 2007-2012 |
Ana Margarita Vijil | 2012-2017 |
Suyén Barahona C. | 2017- |
Links
Website : http://partidomrs.org Naka-arkibo 2020-08-04 sa Wayback Machine.
Blog : Zona Naranja. El Blog
Facebook : MRS Oficial
Twitter : @ProtestaNica y @Partido_MRS
Channel TV : MRS Tv
: MRS Radio[patay na link]