Pumunta sa nilalaman

Kim Domingo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kim Domingo
Kapanganakan3 Pebrero 1995
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasang Our Lady of Fatima
Trabahoartista, modelo, host sa telebisyon

Si Kim Domingo (ipinanganak Pebrero 3, 1995), ay isang Pilipinang aktres, mang-aawit, modelo, personalidad sa internet, at nagtatanghal sa telebisyon.[1][2][3] Kilala siya sa mga palabas na telebisyon tulad ng Juan Happy Love Story, Tsuperhero at Super Ma'am. Kasalukuyang nakakontrata siya sa GMA Network.

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanangak si Domingo noong Pebrero 3, 1995,[4] at lumaki sa Novaliches, Lungsod Quezon.[5] Nag-iisang anak lamang siya ng kanyang Pranses na ama na si Guy Belleville, at ng kanyang Pilipinang ina na si Fina Domingo. Yayamang naghiwalay ang kanyang mga magulang at hindi naikasal, nakuha niya ang apelyido ng kanyang ina.[4][6] Sang-ayon kay Kim, maka-lola siya at istriktong pinalaki siya ng kanyang lola lamang.[4] Nagtapos si Kim ng elementary sa Mababang Paaralan ng San Agustin, Lungsod Quezon, kung saan isang mahiyaing mag-aaral si Domingo.[5] Pumasok siya sa Our Lady of Fatima University at kumuha ng kursong dentisterya.[7]

Unang sumikat si Domingo sa kanyang pag-dubsmash ng awiting "Twerk It Like Miley" noong 2014. Pumirma siya ng isang kontrata sa GMA Artist Center noong sumunod na taon, at gumanap sa mga palabas sa telebisyon na Juan Happy Love Story at Bubble Gang. Lumabas si Domingo sa pabalat ng FHM Philippines sa mga isyu noong Disyembre 2015[8] at Enero 2017.[9]

Pumirma si Domingo ng kontratang rekording sa GMA Records noong Agosto 2016.[10] Pagkatapos nito, nilabas niya ang kanyang unang single na "Know Me" na kinatatampukan ng internasyunal na rapper na si C-Tru.[11][12][13][14] Noong Oktubre 2016, ipinakila si Domingo ng Ginebra San Miguel bilang binibini sa kanilang kalendaryo ng 2017.[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "18 sexiest photos of Kim Domingo you must see" (sa wikang Ingles). GMA Network.
  2. "Kim Domingo, bagong Kapuso Pantasya ng Bayan". GMA News (sa wikang Ingles).
  3. "Kim Domingo - FHM Cover Girl December 2015" (sa wikang Ingles). FHM.com.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-05. Nakuha noong 2022-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Lo, Ricky (Oktubre 23, 2016). "Kim Domingo stripped!". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 26, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Santos, Rhea (Hulyo 14, 2016). Tunay na Buhay: Kim Domingo, ibinahagi ang karanasan bago sumabak sa showbiz (full episode). GMA News (sa wikang Filipino). YouTube.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "MEET: Kim Domingo Parents: Kim's Mother and Father in Real Life" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 8, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "LOOK: Internet sensation Kim Domingo bares skin". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Disyembre 1, 2015. Nakuha noong Setyembre 17, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Brumana, Zara (a.k.a. Cherry Liquor) (Disyembre 7, 2015). "BRACE YOURSELF FOR THE FINE BOOTY OF KIM DOMINGO IN FHM PHILIPPINES". JoBlo.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 4, 2016. Nakuha noong Setyembre 17, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "LOOK: Kim Domingo goes topless for FHM's January cover". GMA Network (sa wikang Ingles). Disyembre 29, 2016. Nakuha noong Disyembre 31, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Artist Center stars sign recording contracts" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 16, 2016. Nakuha noong Agosto 16, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Multimedia, NMI (Hulyo 18, 2016). "Kim Domingo to release debut song". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 26, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Kim Domingo, may debut song na sa GMA Records". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 26, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. GMARecordsOfficial (Hulyo 12, 2016), Kim Domingo | The Making of "Know Me" | BTS Teaser #1 (sa wikang Ingles), nakuha noong Hulyo 26, 2016{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Sun, Cherry (Agosto 15, 2016). "Kim Domingos' 'Know Me' single and ringback tune, now available". GMA Records (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 6, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Kim Domingo Ginebra San Miguel Calendar 2017". PinoyBoxBreak (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 21, 2016. Nakuha noong Oktubre 21, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)