Pumunta sa nilalaman

Kim Jong-un

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kim Jong Un)
Respetadong Kasama
Mariskal ng Republika

Kim Jong-un
김정은
Si Kim Jong-un habang nakikipagkamay kay Vladimir Putin noong 2023 sa Vostochny Cosmodrome

Ika-3 Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
10 Enero 2021
Nakaraang sinundanKim Jong-il

Pangulo ng Komisyon ng Ugnayang Pampamahalaan
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
29 Hunyo 2016
Unang Pangalawang PanguloChoe Ryong-hae
Pangalawang PanguloHwang Pyong-so
Pak Pong-ju
Choe Ryong-hae
Kim Tok-hun
PremiyerPak Pong-ju
Kim Jae-ryong
Kim Tok-hun

Unang Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa
Nasa puwesto
13 Abril 2012 – 29 Hunyo 2016
Pangalawang TagapanguloKim Yong-chun
Ri Yong-mu
Jang Song-taek
O Kuk-ryol
Choe Ryong-hae
Hwang Pyong-so
PremiyerChoe Yong-rim
Pak Pong-ju
Nakaraang sinundanKim Jong-il (bilang Tagapangulo)
Personal na detalye
Isinilang (1982-01-08) 8 Enero 1982 (edad 42)
Pyongyang, Hilagang Korea
Partidong pampolitika Partido Manggagawa ng Korea
AsawaRi Sol-ju
AnakKim Ju-ae
MagulangKim Jong-il (ama)
Ko Yong-hee (ina)
Alma materPamantasang Kim Il-sung
Pirma
Serbisyo sa militar
KatapatanHilagang Korea Hilagang Korea
Sangay/Serbisyo Hukbong Bayan ng Korea
Taon sa lingkod2010-kasalukuyan
Ranggo
Wŏnsu (원수)
Mariskal
AtasanKataas-taasang Komandante
Pagkakasapi sa Institusyong Sentral
  • 2014-2019: Diputado; Ika-13 Kataas-taasang Asembleyang Bayan
  • 2012-kasalukuyan: Kasapi; Presidyo ng Kawanihang Pampolitika ng Ika-6-8 Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 2012-kasalukuyan: Tagapangulo; Komisyong Militar Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 2010-kasalukuyan: Ika-6-8 Komite Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea
  • 2010-2012: Pangalawang Tagapangulo; Komisyong Militar Sentral ng Partido Manggagawa ng Korea

Hilagang Korea Ika-3 Kataas-taasang Pinuno ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea
(Disyembre 17, 2011 – kasalukuyan)

Si Kim Jong-un (ipinanganak Enero 8, 1982) ay Koreanong politiko na siyang ikatlo at kasalukuyang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea. Nagsimula ang kanyang pamamahala mula sa pagkamatay ng kanyang amang si Kim Jong-il noong 2011. Naglilingkod siya bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea at Pangulo ng Komisyon ng Ugnayang Pampamahalaan.

Siya ang pangatlo at bunsong anak na lalaki ni Kim Jong-il at ng konsorte ni Kim Jong-il na si Ko Young-hee.[1] Magmula noong hulihan ng 2010, tinanaw si Kim Jong-un bilang waring tagapagmana sa pagkapinuno ng bansa, at kasunod ng kamatayan ng kaniyang ama, ipinahayag siya bilang "Dakilang Kahalili" ng telebisyong pang-estado ng Hilagang Korea.[2] Sa serbisyong memoryal ni Kim Jong-il, ipinahayag ng Tagapangasiwa ng Kataas-taasang Kapulungan ng Bayan ng Timog Korea na si Kim Yong-nam na si Kim Jong-un ay isang iginagalang na katoto na kataas-taasang pinuno ng kanilang partido, militar at bansa na nagmamana ng ideolohiya, pamumuno, katangian, mga pagpapahalaga, tibay ng loob at katapangan ng dakilang katotong si Kim Jong-il.[3] Noong 30 Disyembre 2011, pormal na itinalaga si Kim Jong-un ng Politburo ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea bilang Kataas-taasang Tagapag-atas ng Hukbong Bayan ng Korea.[4] Noong 11 Abril 2012, inihalal siya noong ika-4 na Pagpupulong ng Partido sa bagong likhang puwesto na Unang Kalihim ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea.

Iniangat siya sa ranggong marsiyal ng DPRK sa loob ng Hukbong Bayan ng Korea (Korean People's Army) noong 18 Hulyo 2012, na nagpisan-pisan at nagpatatag ng kaniyang katungkulan bilang kataas-taasang komandante ng mga sandatahang lakas.[5] Nakatanggap siya ng dalawang mga degri, isa sa pisika mula sa Pamantasan ng Kim Il-sung at ng isa pa mula Pamantasang Pangmilitar ng Kim Il-sung.[6][7] Sa gulang na 40–41, siya ang pinakabatang pinuno ng estado sa buong mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Moore, Malcom. Kim Jong-un: a profile of North Korea's next leader. The Daily Telegraph. 2 Hunyo 2009
  2. Alastair Gale (18 Disyembre 2011). "Kim Jong Il Has Died". The Wall Street Journal Asia. Nakuha noong 19 Disyembre 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Kim Jong Il son declared 'supreme leader' of North Korea's people, party and military". Washington Post. 28 Disyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-10. Nakuha noong 29 Disyembre 2011. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "N.Korea declares Kim Jong-Un commander of military". Agence France-Presse. 30 Disyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-08. Nakuha noong 30 Disyembre 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "North Korea's Kim Jong-un named 'marshal'". BBC News. 18 Hulyo 2012. Nakuha noong 18 Hulyo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kim Jong Un makes first appearance since father's death (Los Angeles Times, 20 Disyembre 2011). Latimesblogs.latimes.com (20 Disyembre 2011). Nakuha noong 1 Enero 2012.
  7. Powell, Bill. (22 Disyembre 2011) The Generals Who Will Really Rule North Korea (TIME, 22 December 2011) Naka-arkibo 23 August 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine.. Time.com. Nakuha noong 1 Enero 2012.