Koalisyong Ekstremenyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Koalisyong Ekstremenyo (Cualición Extremeña, Extremaduran Coalition sa Ingles; pormal na pinangalanang Cualición Extremeña PREx-CREx) ay isang pederasyon ng mga partido sa Extremadura na binuo ng Partido Regionalista Extremeño (PREx) at ng Convergencia Regionalista de Extremadura (CREx). Mula 2003 hanggang 2011, kasama na ito sa koalisyon na katuwang ng Partido Socialista Obrero Español (PSOE) sa lahat ng panglahatan at pang-awtonomong halalan.

Simula pa noong 2007, ipinagtatangol ng Partido Regionalista Extremeño ang pagkakakilanlang nasyonal ng Extremadura, kapantay ng iba pang mga "nasyon" sa Espanya at binigyang depinisyon ito na "Estremenyista".[1][2] Ang mga pagpakahulugang iyon ay tinanggap ng Ikalawang Kongresong Pampederal na ipinagdiwang noong Nobyembre 2008 na lumalabas sa manipestong politiko nito (EXTREMADURA ES UNA NACIÓN, con más de 350 años de historia; ANG EKSTREMADURA AY ISANG NASYON, na mayroong higit na 350 taon ng kasaysayan), habang binigyang-lalang ang ideolohikang pangkapahayagan bilang isang pederasyon ng mga partidos [...] na pang-rehiyonal, sosyo-demokrato, pederalista, aglutinador at mayroong umiiral na sentrista.[3] Muling nahalal si Estanislao Martín bilang koodinador heneral.

Sa halalang pang-awtonomo ng 2011, nagkaroon ng dalawang deputado, na nasa talaan ng PSOE. Subalit, pagkatapos ng 10 taon ng koalisyon, ay ipinahayag ang pakikipag-kalas nito mula sa PSOE, na naiwan ang dalawang deputados sa Asamblea ng Ekstremadura sa nakahalong grupo.[4]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.