Kolehiyo ng Pinong Sining ng Unibersidad ng Pilipinas
Ang Kolehiyo ng Fine Arts ng Unibersidad ng Pilipinas o mas kilala bilang UP College of Fine Arts (CFA) ay ang pinakamatandang institusyon sa Pilipinas na nagtuturo ng sining at disenyo. Ito rin ay isa sa mga unang yunit ng Unibersidad ng Pilipinas na nagsimula pa mula noong unang parte ng ika-labingsiyam na siglo. Ang Kolehiyo ng Pinong Sining ay unang kinilala bilang Academia de Dibujo noong 1823, tapos ay naging Escuela Superior de Pintura, at noong 1891 naman ay binantog na Escultura y Grabado. Noong naisakatuparan ang Act No. 1870 sa pamamagitan ng Asembliya ng Pilipinas na nagtatag ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1908, ang Escuela, na napalitan sa bantog na Paaralang ng Pinong Sining, ay nabilang bilang isa sa yunit ng Unibersidad ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ang CFA ay produkto ng mga pinagsama-samang pananaw ng mga kilala sa sining na nagpalago sa buhay ng institusyon hanggang sa kinilala na ito bilang isa sa pinakamagaling sa bansa. Ang kolehiyo ay pinanggalingan na ng siyam sa mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas pati na rin ng marami pang iba na mga magagaling at kilalang mga alagad ng sining.
Ang Kolehiyo ng Pinong Sining ay nananatiling matatag sa kanyang pananaw na maging bantog na aralang institusyon para sa sining at disenyo, na may malalim na kahulugan ng sangkatauhan na binibigyang inspirasyon ng mga Pilipino upang magsikap para sa kahusayan. Ang UPCFA ay nanunumpa mismo sa gawain na pangalagaan ang mga mag-aaral nito at iukol sila sa pagpapabuti sa kanilang mga talento at sining at sa pagpapayabong pa sa lipunan ng Pilipinas.
Ang Kolehiyo ng Pinong Sining ay nag-aalok ng mga sumusunod na mga kurso: Para sa mga undergraduate, mayroong kursong Sertipiko sa Pinong Sining na maaaring espesyalista sa Pang-Industriyang Disenyo, Pagpinta, Iskultura o Biswal na Komunikasyon. Para naman sa Batsilyer sa Pinong Sining, ang kolehiyo ay nag-aalok ng pagpapadalubhasa sa larangan ng Edukasyon sa Sining, Kasaysayan ng Sining, Pang-Industriyang Disenyo, Pagpinta, Iskultura at Biswal na Komunikasyon. Nag-aalok din ng kurso para sa mga nagtapos ang kolehiyo kung saan maaaring kumuha ng antas ng pagkakadalubhasa (masters degree) sa Pinong Sining.
Bago makapag-aral ang kahit sino sa kursong naisin ninuman sa Kolehiyong ito, dapat ay makapasa siya sa ilang serye ng mga pagsusulit. May pakikipanayam, pagsusulit sa mental na abilidad at pagsisiyasat sa talento ng mga nais pumasok sa kolehiyong ito.