Pumunta sa nilalaman

Komisyon sa Awdit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Komisyon sa Audit (Pilipinas))
Komisyon sa Awdit
Commission on Awdit
Buod ng Ahensya
Pagkabuo1899
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
Punong himpilanAbenida Commonwealth, Lungsod Quezon, Pilipinas
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
  • Michael G. Aguinaldo, Tagapangulo
  • Jose A. Fabia, Komisyonado
Pinagmulan na ahensiyaKomisyong konstitusyonal
Websaytwww.coa.gov.ph

Ang Komisyon sa Audit[1] o Komisyon sa Pagsusuri[2] (COA; Inggles: Commission on Audit), opisyal na baybay bilang Komisyon sa Awdit,[3] ay isang Makapangyarihang Institusyon sa Pagtutuos ng Pilipinas.[4] Ipinapahayag ng Saligang-batas ng Pilipinas[5] ang kalayaang ito bilang tanggapang konstitusyonal, ipinagkakaloob ng mga kapangyarihang ito na magtuos ang lahat ng mga katuusan na sumasaklaw sa lahat ng mga rentas at gastos ng pamahalaan/mga gamit ng ari-arian ng pamahalaan at upang magtakda ng pagtutuos at mga tuntunin sa pagtutuos, ibinibigay ang pantanging kapangyarihan upang mapaliwanag ang sakop at mga pamamaraan ukol sa mga tuos nito, at ipinagbabawal ang mga nasa tagapagbatas ng anumang batas na magsasagawa ng hangganan ng sakop ng pagtutuos.

Mga inatasang gawain

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ang nangangalaga sa pondo ng bayan sa pamamagitan ng pagtiyak na ginagamit ito ng mga opisyal ng pamahalaan at mga kawani sa tunay at kapaki-pakinabang na layunin. Ito ang namamahala sa lahat ng kinikita at ginagastos ng pamahalaan. Ang Komisyon sa Audit ay may kapangyarihan, namamahala, at tungkulin na magsuri, mag-audit, at magsaayos ng lahat ng mga katuusan hinggil sa rentas at mga resibo ng, at mga gastos o gamit ng mga pondo at ari-arian, pag-aari o hawak ng tiwala ng, o hinggil sa, Pamahalaan, o anuman sa mga subdibisyon, mga ahensiya, o mga instrumentalidad, kabilang ang mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan na may likas na karta, at sa isang batayan ng pagtatapos ng audit:[6]

  • mga katawang konstitusyonal, mga komisyon at mga tanggapan na ipinagkaloob ng awtonomiyang piskal sa ilalim ng Saligang-batas na ito:
  • mga pampublikong dalubhasaang may awtonomiya at mga pamantasan;
  • mga ibang korporasyong pag-aari ng pamhalaaan at ang kanilang subsidaryo; at
  • mga tulad na entidad na di-pampamahalaan na tumatanggap ng tulong na pananalapi at natitirang halaga ng ari-arian, tuwiran o di-tuwiran, mula o sa pamamagitan ng Pamahalaan, na hiniling ng batas o ang institusyon na ipinagkalooban upang ipasa sa mga tulad na audit bilang kondisyon ng subsidiya at ekidad. Gayumpaman, kung saan ang sistemang panloob sa pagkokontrol ng mga natuusang ahensiya ay di-sapat, ang Komisyon ay maaaring kumandili ng hangganan, kasama ang pansamantala o tanging paghahanda ng audit, bilang kailangan at tumpak upang itama ang mga kakulangan. Dapat kinikipil nito ang mga pangkalahatang katuusan ng Pamahalaan at, ukol sa ilang panahon na maaaring ipagkaloob ng batas, ipangalagaan ang mga dokumento na nagpapatunay at ang mga iba pang dokumento na kumakandili hinggil doon.

Ang Komisyon ay may pantanging awtoridad, napapailalim sa mga limitasyon sa Artikulong ito, upang matiyak ang sakop ng audit at pagsusuri nito, makapagtatag ang mga pamamaraan at ayos na nangangailangan para doon, at magpahayag sa madla ang katuusan at mga tuntunin at alintuntunin sa pagtutuos, kabilang ang mga nasa pag-iwas at pagtanggi ng paliban-liban, di-kailangan, labis, o maluhong gastos o mga gamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan.

Ang pambansang pagtutuos sa Pilipinas[7] ay naganap sa kapanahunan ng kabihasnan ng mga lumang pamayanan. Ang mga sumusungaw na lipunan sa nayon, na kinilalang baranggay, ay pinamunuan ng mga datu na gumagamit ng kapangyarihan sa mga pamumuhay ng mga tao at ang pamamahala ng kanilang munting pamahalaan. Ito ay kabilang ang alokasyong pangmadla at pamamahagi ng kayamanan sa kanyang tikha.

Sa ilalim ng pamumuno ng mga mananakop na Kastila sa Pilipinas, nagsusumite ng Audiencia Real, isang mataas na hukuman ng katarungan ang ulat ng pagtutuos tungkol sa mga kalagayang pananalapi ng kapuluan sa mga pamunuan. Kinabukasan, ang Hukom ng Katuusan (Tribunal de Cuentas) ay naging punong institusyon sa pagtutuos na may pantanging saklaw sa lahat ng mga bagay na pananalapi. Ang himagsikan laban sa mga Kastila at napunta sa pagkatatag ng Konggresong Malolos ng Pilipinas. Bukod pa sa mga gawaing pantagapagbatas, ito'y ay nagsusuri at nagpapatibay ng mga gastusin at mga katuusang rentas ng rebolusyonaryong pamahalaan.

Nang dumating ang pamamahala ng mga Amerikano, itinatag ang Tanggapan ng Tagatuos para sa Insular na Pilipinas. Ang sistema ng pagtutuos ay ibinantad ng pagrerepaso ng bawat transaksiyon, nagtatrato ng mga pagpasok sa pamamagitan ng mga aklat ng katuusan, at naghahampil ng katumpakang pansipnayan ng katuusan. Ito ay kauna-unahang at nangungunang pagsasagawa ng paghahanda ng pagtutuos.

Noong 1935, ang Tanggapan ng Pangkalahatang Pagtutuos (GAO), na pinamunuan ng Pangkalahatang Tagatuos, ay nangangasiwa na nanggagaling sa Saligang-batas. Ito ay may tungkulin sa pagsusuri, pag-aaudit at pagsasaayos ng lahat ng mga katuusan, gayundin sa pagtutuos ng lahat ng mga pondong pagkakagastusan at mga ari-arian ng pamahalaan.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinuloy nang minimal ang gawain sa pagtutuos. Pagkatapos ng digmaan, ang Tanggapan ng Pangkalahatang Pagtutuos ay muling itinatag at naging kasalukuyang Komisyon sa Audit sa ilalim ng 1973 Saligang-batas. Kasabay sa pagkatatag, ang Pangkalahatang Tagatuos ay napalitan ng sama-samang pamamahala ng Tagapangulo at dalawang Komisyonado.

Nagdulot ng Rebolusyong EDSA ang bagong Saligang-batas na pinalawak ang atas ng COA tungo sa pinataas na pananagutan sa pagganap ng mga gawaing-pamahalaan.

Sa ngayon, ang COA at nakatayong matatag at matinghaw bilang tunay na kasangga sa pamamahala ng pagbubuo ng bansa at ang kaunlaran ng antas ng pamumuhay para sa mga Pilipino.

  1. ARTIKULO IX: ANG MGA KOMISYONG KONSTITUSYONAL Naka-arkibo 2012-01-15 sa Wayback Machine., Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas.
  2. "TAKBO-TANIM SA 78TH CONVENTION NG PICPA, GAGANAPIN SA PUERTO PRINCESA". Puerto Princesa: The Official Website of the City Government. Lungsod ng Puerto Princesa. 9 Nobyembre 2015. Nakuha noong 8 Abril 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Marso 29, 2017. Nakuha noong Marso 27, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ano ang COA?
  5. Artikulo VIII (K), Sek. 1 , Ang Saligang-batas ng Republika ng Pilipinas
  6. Mandated Functions of COA
  7. "Kasaysayan ng COA". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-06-25. Nakuha noong 2008-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]