Komisyon sa Serbisyo Sibil
Civil Service Commission | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 19 Setyembre 1900 |
Kapamahalaan | Pamahalaan ng Pilipinas |
Punong himpilan | Burol Konstitusyon, Hugnayan ng Batasang Pambansa, Diliman, Lungsod Quezon, Pilipinas |
Kasabihan/motto | Mamamayan muna, hindi mamaya na! |
Tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Komisyong konstitusyonal |
Websayt | www.csc.gov.ph |
Ang Komisyon sa Serbisyo Sibil[1] kilala rin bilang Komisyon sa Serbisyong Sibil;[2] Ingles: Civil Service Commission o CSC) ay isang pantauhang sentral na ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas.[3] Isa sa mga tatlong malalayang komisyong konstitusyonal na may pinagpapasiyahang tungkulin sa kabuuan ng pambansang pamahalaan, ito'y ipinapagawa upang harapin ang pinakahuling pagsasaayos sa pagtatalo at aksiyong pantauhan sa pangyayari ng serbisyo sibil.[4]
Mga inatasang gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ng ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 292, ang Komisyon sa Serbisyo Sibil ay dapat gampanan ang mga sumusunod na gawain:[5]
- Mamahala at ipairal ang mga konstitusyonal at isinabatas na panustos sa sistemang merito para sa lahat ng mga antas at ranggo sa Serbisyo Sibil;
- Magtakda, susugin at ipairal ang mga tuntunin at alintuntunin ukol sa pagkakaroon ng bisa ang mga panustos ng mga Batas sa Serbisyo Sibil at iba pang angkop na batas;
- Magpahayag sa madla ang mga patakaran, batayan at mga tagubilin ukol sa Serbisyo Sibil at magkandili ng mga plano at programa upang iangat ang matipid, matalaba at mabisang pamamahalang pantauhan sa pamahalaan;
- Gumawa ng mga patakaran at alintuntunin para sa pamamahala, pagpapanatili at pagpapairal ng kaurian ng posisyon at himagal at magsaayos ng mga batayan ukol sa pagkatatag, alokasyon at muling-alokasyon ng mga sukatang bayad, mga klase at mga posisyon;
- Magsumite ng mga kuru-kuro at mga pamumuno ng lahat ng mga bagay higgil sa mga manggagawa at Serbisyo Sibil na nakakatiyak sa lahat ng puno ng mga kagawaran, tanggapan at ahensiya at na maaaring madadala sa Kataas-taasang Hukuman sa sersyorari;
- Magtalaga at disiplinahin ang mga opisyal at manggagawa alinsunod sa batas at paggamit ng kapangyarihan sa buong saklaw ng mga gawain ng Komisyon;
- Magkontrol, mamahala at gampanan ang gawaing pagsusulit ng Serbisyo Sibil. Anumang entidad o opisyal sa pamahalaan ay maaaring matawagan ng Komisyon upang tulungan sa paghahanda at pamumuno ng nasabing pagsusulit kabilang ang seguridad, gamit ng gusali at mga pasilidad ganundin ang mga tauhan at transportasyon ng mga kagamitan ng pagsusulit na hindi masasali sa mga alintuntunin ng pagsisiyasat;
- Magtakda ng lahat ng mga dokumentong susulatan ukol sa mga pagsusulit ng Serbisyo Sibil, katungkulan, mga ulat at iba pang lalik na maaaring hiningan ng batas, mga tuntunin at mga alintuntunin;
- Magpahayag ng mga posisyon sa Serbisyo sibil na maaaring angkop na maging pangunahing mapagkakatiwalaan, teknikal na mataas o nagtatahasan ng patakaran;
- Gumawa, mamahala at magsuri ang mga programa na naaangkop sa kaunlaran at retensiyon ng kwalipikado at may kakayahang gumawa sa pambayang paglilingkod;
- Pakinggan at magpasiya ang mga kasong administratibo na isinagawa ng o madala bago nito nang tuwiran o sa pakiusap, kabilang ang mga naghamong katungkulan, at suriing muli ang mga pasiya at aksiyon ng mga tanggapang ito at ng ahensiya na nakaugnay ito. Ang mga opisyal at manggagawa na nabigong tumalima sa mga ilang pasiya, kautusan o mga pamamayani ay mananagot ukol sa pag-alimura ng Komisyon. Ang mga pasiya, kautusan o mga pamamayaning ito ay magiging huli at may bisa. Ang mga ilang pasiya, kautusan o mga pamamayani ay maaaring madala sa Kataas-taasang Hukuman sa sersyorari sa pamamagitan ng nang-aaping panig sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagtanggap ng sipi hinggil doon;
- Magpalabas ng subpoena at subpoenang duces tecum ukol sa paggawa ng mga dokumento at rekord na naaakma sa mga pagisiyasat at pag-uusisa na pinamunuan ng alinsunod sa mga nangangasiwa na pinagkalooban ng Saligang-batas at mga naaangkop na batas;
- Payuhan ang Pangulo tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasama ang pamunuang pantauhan sa paglilingkod ng pamahalaan at magpasa sa Pangulo ang taunang ulat tungkol sa mga programang pantauhan;
- Tunghayan ang mga karampatang aksiyon sa lahat ng mga katungkulan at mga ibang bagay pantauhan sa Serbisyo Sibil kabilang ang pagpapalawig ng paglilingkod pagkalampas ng taon ng pagreretiro;
- Siyasatin at tuusin ang mga aksiyong pantauhan at mga programa ng mga kagawaran, mga ahensiya, mga kawanihan, mga tanggapan, mga pamahalaang pampook kabilang ang mga korporasyon na pag-aari ng pamahalaan; mangasiwa ng pana-panahong pagsusuri ng mga pasiya at mga aksiyon ng mga tanggapan at mga opisyal kung saan ang awtoridad na kumakatawan ng Komisyon gayundin sa asal ng mga opisyal at mga manggagagawa sa mga tanggapang ito at maglaan ng mga karampatang pagsang-ayon kung kailangan.
- Kumatawan ng maykapangyarihan ukol sa pagsasagawa ng anumang mga gawain sa mga kagawaran, mga ahensiya at mga tanggapan kung saan ang mga ilang gawain na maaaring isagawa nang mabisa.
- Mamahala ang mga programang pangretiro ng mga opisyal ng pamahaalan at mga manggagawa, at mga napagtibayang paglilingkod sa pamahalaan at wari-wariin ang katangian ukol sa pagreretiro.
- Hawakan at pangalagaan ang mga pantauhang rekord ng lahat ng mga opisyal at mga manggagawa sa Serbisyo Sibil; at
- Magsagawa ng lahat ng mga gawain nang maayos na napapasama sa isang pantauhang sentral na ahensiya tulad ng mga ibang gawain na maaaring ipagkaloob ng batas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Komisyon sa Serbisyo Sibil ng Pilipinas ay pormal na itinatag sa ilalim ng Batas Pampubliko Blg. 5 na itinaguriang Ang Batas ukol sa Pagkatatag at Pagpapanatili sa Ating Mabisa at Matapat na Serbisyo Sibil ng Pulo ng Pilipinas ng Ikalawang Komisyon ng Pilipinas noong 1900. Ang Lupon ng Serbisyo Sibil nito ay binubuo ng isang Tagapangulo, Kalihim at Puno sa Pagbibigay ng Pagsusulit. Ang Lupon ay namamahala sa mga pagsusulit ng serbisyo sibil at nag-aayos ng mga batayan ukol sa pagtatalaga sa paglilingko sa pamahalaan. Ito'y isinaayos muli sa Kawanihan noong 1905.[6]
Mahigpit na itinatag ng 1935 Saligang-batas ng Pilipinas ang sistemang merito bilang batayan ukol sa trabaho sa pamahalaan. Ang mga sumusunod na taon ay sumasaksi rin ang pagpapalawak ng hurisdksiyon ng Kawanihan na ibilang ang tatlong sangay ng pamahalaan: ang pambansang pamahalaan, pampook na pamahalaan, at mga korporasyong pampamahalaan.
Noong 1959, isinasabatas na ang Batas republika Blg. 2260 nakinikilalang Batas ng Serbisyo Sibil. Ito ang unang mahalagang nabuong batas sa burukrasya ng Pilipinas, humahalili ang mga kumakalat na kautusan ng pamamahala na may kaugnayan sa administrasyong pantauhan ng pamahalaan na inilabas noong 1900. Pinalitan ng Batas na ito ang Kawanihan ng Serbisyo Sibil sa Komisyon sa Serbisyo Sibil na may katayuang pangkagawaran.
Noong 1975, isinaayos muli ang kahulugan ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 807 (Kautusan sa Serbisyo Sibil ng Pilipinas) ang tungkulin ng Komisyon bilang pantauhang sentral na ahensiya ng pamahalaan. Ang kasalukuyang atas ay hinango mula sa Artikulo IX-B ng 1987 Saligang-batas ng Pilipinas na binigyan ng bisa sa pamamagitan ng Aklat V ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 292 (Ang Kodigong Administratibo ng 1987). Ang Kodigo ay inuulit na nagsasabi ang mga lumalaganap na prinsipyo at patakaran sa pamamahala ng burukrasya at kinikilala, sa unang pagkakataon, ang karapatan ng mga manggagawa sa pamahalaan sa pagkakaroon ng organisasyon sa sarili at mga palansak na negosasyon sa ilalim ng banghay ng 1987 Saligang-batas ng Pilipinas.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Marso 29, 2017. Nakuha noong Marso 27, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Montes, April M. (5 Setyembre 2015). "Tagalog news: Aplikasyon sa 'career service exam' hanggang Setyembre 6 na lang". Philippine Information Agency. Nakuha noong 8 Abril 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Artikulo IX ng Saligang Batas ng Pilipinas". Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2012. Nakuha noong 8 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tungkol sa CSC". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-02. Nakuha noong 2008-07-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mga Inatasang Gawain ng CSC
- ↑ "Kasaysayan ng CSC". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-24. Nakuha noong 2008-07-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Websayt ng Komisyon sa Serbisyo Sibil Naka-arkibo 2008-07-02 sa Wayback Machine.