Pumunta sa nilalaman

Kongreso ng Viena

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kongreso ng Vienna)
Ang mga pambansang hangganan sa loob ng Europa na itinakda ng Kongreso ng Viena

Ang Kongreso ng Viena (Pranses: Congrès de Vienne, Aleman: Wiener Kongress) ng 1814–1815 ay isang pandaigdigang kumperensiyang diplomatiko upang muling maitaguyod ang kaayusang pampolitika ng Europa matapos ang pagbagsak ng Emperador ng Pransiya na si Napoleon I. Ito ay isang pagpupulong ng mga embahador ng mga estado ng Europa na pinamumunuan ng estadistang Austriakong si Klemens von Metternich, at isinagawa sa Vienna mula Nobyembre 1814 hanggang Hunyo 1815.

Ang layunin ng Kongreso ay upang magbigay ng isang pangmatagalang plano para sa kapayapaan para sa Europa sa pamamagitan ng paglutas ng mga kritikal na isyu na nagmumula sa mga Digmaang Rebolusyonaryong Pranses at mga Digmaang Napoleoniko. Ang layunin ay hindi lamang ibalik ang dating mga hangganan ngunit upang baguhin ang laki ang pangunahing mga kapangyarihan upang sila ay makapagbalanse sa bawat isa at manatili sa kapayapaan. Higit na panimula, ang mga konserbatibong pinuno ng Kongreso ay naghahangad na pigilan o matanggal ang republikanismo at rebolusyon na umuusbong sa kaayusang konstitusyonal ng matandang rehimen ng Europa, at kung saan ay patuloy na banta rito. Sa mga paglutas, nawala sa Pransiya ang lahat nitong mga huling pananakop, habang ang Prusya, Austria, at Russya ay malalakihang nagdagdag ng mga teritoryo. Ang Prusya ay nagdagdag ng mas maliit na mga estadong Aleman sa kanluran, Pomeraniang Suweko, 60% ng Kaharian ng Sahonya, at ang kanlurang bahagi ng dating Dukado ng Varsovia; Nakuha ng Austria ang Venecia at ang kalakhan sa hilagang Italya. Nakuha ng Rusya ang gitna at silangang bahagi ng Dukado ng Varsovia. Ipinagtibay nito ang bagong Kaharian ng Netherlands na nalikha ilang buwan lamang mula sa dating teritoryong Austriako na noong 1830 ay naging Belhika.

Pabalat ng mga Atas ng Kongreso ng Viena

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]