Kaharian ng Sahonya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kaharian ng Sahonya
Königreich Sachsen
1700–1918
Watawat ng Sahonya
Watawat
Eskudo ng Sahonya
Eskudo
Salawikain: Providentiae Memor
"Alalahin ang Kalooban ng Diyos"
Awiting Pambansa: Sachsen Hymne
"Preise dein Glücke, gesegnetes Sachsen!/ Purihin ang kaligayahan, o pinagpalang Sahonya!"
Ang Kaharian ng Sahonya sa loob ng Imperyong Aleman.
Ang Kaharian ng Sahonya sa loob ng Imperyong Aleman.
KatayuanEstado ng Kumpederasyon ng Rino
(1806–1813)
Estado ng Kumpederasyong Aleman
(1815–1866)
Estado ng Kumpederasyong Hilagang Aleman
(1866–1871)
Pederadong estado ng Imperyong Aleman
(1871–1918)
KabiseraDresden
Karaniwang wikaHilagang Alemang Sahonyano
PamahalaanMonarkiyang konstitusyonal
Hari 
• 1806–1827
Frederick Augustus I
• 1904–1918
Frederick Augustus III
Pangulong-Ministro 
• 1831–1843
Bernhard von Lindenau
• 1918
Rudolf Heinze
LehislaturaLandtag
• Mataas na kapulungan
Herrenhaus
• Mababang kapulungan
Abgeordnetenhaus
PanahonMga Digmaang Napoleoniko / WWI
• Naitatag
Disyembre 20 1700
• Binuwag
Nobyembre 13 1918
Lawak
191014,993 km2 (5,789 mi kuw)
Populasyon
• 1910
4806661
Pinalitan
Pumalit
Manghahalal ng Sahonya
Sahonya

Ang Kaharian ng Sahonya (Aleman: Königreich Sachsen, Ingles: Kingdom of Saxony), ay isang malayang miyembro ng mga estado na kabilang sa mga makasaysayang kumpederasyon ng Napoleoniko at post-Napoleonikong Alemanya. Simula noong 1871, ito ay kabilang sa Imperyong Aleman. Ang Kaharian ng Sahonya ay naging isang malayang estado sa panahon ng Republikang Weimar noong 1918 hanggang sa Unang Digmaang Pandaigdig hanggang sa pagbitaw sa tungkulin ni Frederick Augustus III ng Sahonya. Ang dating kabisero nito ay sa Dresden, at sa kasalukuyan, ang teritoryo nito ay sakop ng Malayang Estado ng Sahonya.

Panahong Napoleoniko at ang Kumpederasyong Aleman[baguhin | baguhin ang wikitext]

Watawat ng Manghahalal ng Sahonya bago mag-1815.

Bago ang taong 1806, ang Sahonya ay bahagi ng Banal na Imperyong Romano, isang matandang samahan ng mga bansa at kaharian na nagmimithing maging isang estado pero naging desentralisado na paglaon. Sa loob ng maraming siglo, ang mga pinuno ng Manghahalal ng Sahonya ay hawak ang titulong manghahalal, o electorate, na siyang bumoboto sa Emperador ng Banal na Imperyong Romano. Noong binuwag ang Banal na Imperyong Romano matapos matalo ni Napoleon I si Emperador Francis II sa Labanan sa Austerlitz, itinaas ang katayuan ng Manghahalal ng Sahonya bilang isang kaharian, sa tulong na rin ng Pransiya. Ang huling manghahalal ng Sahonya na si Frederick Augustus I ang naging unang hari ng bagong kaharian.

Noong matalo naman ang kakampi ng Sahonya, ang Prusya, sa Labanan sa Jena noong 1806, sumali ang Sahonya sa Kumpederasyon ng Rino at nanatili sa samahan hanggang sa buwagin ito noong 1813 kasabay ng pagkatalo ni Napoleon sa Labanan sa Leipzig. Ang Sahonya, na iisa lamang sa mga estadong Aleman na lumaban sa Prusya, ay kaanib ng Pransiya. Pagkatapos ng labanan sa Leipzig, dinakip si Frederick Augustus I at ginawang bilanggo ng mga Pruso, at tinuring bakante na ang kanyang trono kaya sinamantala ng Prusya ang pagsakop sa kaharian. Marahil isa ito sa mga pangarap ng Prusya na idagdag ang Sahonya sa kanilang lupain at isa sa mga isyu sa Kongreso ng Vienna. Sa kadulu-duluhan, ang apatnapung porsyento ng Sahonya, kabilang na ang Wittenberg, ang lugar kung saan nagsimula ang Protestantismo, ay napunta sa Prusya. Kahit na nawala ang karamihan sa kanilang teritoryo, ibinalik pa rin sa trono si Frederick Augustus I. Umanib din ang Kaharian ng Sahonya sa Kumpederasyong Aleman, isang samahan na ang layunin ay pumalit sa Banal na Imperyong Romano.

Ang Digmaang Austro-Pruso at ang Imperyong Aleman[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kaharian ng Sahonya noong 1895.

Noong Digmaang Austro-Pruso, umanib ang Sahonya sa Austriya habang nakita na ang mga sundalong Sahonyano lamang ang sinasabing nagbigay ng tanging tulong para sa Kaharian ng Austriya. Iniwan ng mga sundalo ang Sahonya na walang depensa laban sa hukbo ng Prusya upang humalo sa sandatahan ng Austriya sa Bohemya. Ang estratehiyang ito ay naging mabisa para iwasan ang naging kapalaran ng ibang estado sa hilagang Alemanya, halimbawa, ang Kaharian ng Hanover, na sinakop ng Prusya pagkatapos ng digmaan. Bilang punto ng karangalan, pinilit ng Austriya na huwag nang sakupin ang Sahonya, na pumayag naman ang Prusya. Nang sumunod na taon, sumali ang Sahonya sa Hilagang Kumpederasyong Aleman na pinamumunuan ng Prusya. Pagkatapos ng tagumpay ng Prusya laban sa Pransiya sa Digmaang Pranses-Pruso noong 1871, ang mga miyembro ng Kumpederasyon ay inayos ni Otto von Bismarck upang buuin ang Imperyong Aleman habang si Wilhelm I ang unang emperador. Si John I, ang kasalukuyang hari ng Sahonya ng mga panahong iyon, ay nagpakita ng katapatang umanib kay Wilhelm I. Kagaya ng ibang prinsipeng Aleman, bagamat sakop na ng Emperador ng Alemanya, ay napanatili ang kanilang karapatan bilang isang malayang estado, gaya ng pagpasok sa mga relasyong diplomatiko sa ibang mga estado.

Pagwawakas ng kaharian[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang apo ni Wilhelm I na si Kaiser Wilhelm II ay nagbitiw sa puwesto noong 1918 pagkatapos na matalo ng Alemanya sa Unang Digmaang Pandaigdig. Nagbitiw din sa tungkulin si Frederick Augustus III ng Sahonya at ang kaharian ay naging Malayang Estado ng Sahonya sa loob ng bagong-tatag na Republikang Weimar.