Pumunta sa nilalaman

Kosmetiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kosmetika)
Samu't saring mga kosmetiko at mga kasangkapang panlagay ng kosmetiko.

Ang kosmetiko, kosmetik, o kolorete ay mga kagamitang pampaganda, pampabango, o kaya nakapagpapabago ng hitsura ng katawan. Karaniwang ginagamit ang mga kosmetiko upang gawing mas kahali-halina ang isang tao para sa ibang tao, o sa isang kultura o kabahaging kultura. Kabilang sa mga nakapagpapaganda o nakapagpapabango ang mga pamahid, mga pulbos, at mga pabango.[1] Maming ibat ibang layuniarn ng kosmetiko. Ilan sa mga ito ay pangangalaga ng personal at pangangalaga sa balat. Maaaring pang hugas at panglinis ng balat o proteksyon para katawan at balat.  Ang kosmetiko ay matagal ng bahagi ng kasaysayan at kultura ng ibat ibang lahi sa buong mundo. Lahat ng ginagamit at ginagawa ng tao upang mapainam ang wangis ng kanyang katawan ay maituturing na kalinangang pangkagandahan, kultura ng kagandahan, o kultura ng pagpapaganda.[2]

Noong unang panahon, pangunahing layunin ng kultura ng pagpapaganda ang pagpapaganda lamang ng mukha at buhok ng mga kababaihan. Kaya't hindi bago ang diwa at kasiyahan sa paggamit ng mga kosmetiko at pagsubok sa iba't ibang mga estilo ng buhok, bagaman maaaring nagsimula ang pagmemeyk-ap dahil sa mga kadahilanang pangpananampalataya upang mabigyan ng kasiyahan ang mga diyus-diyusan. Sa paglaon naging para sa pagpapaganda na ng katawan ang paggamit ng mga meyk-ap. Pagkaraan ng Gitnang mga Panahon (Middle Ages), naging mahalaga ito noong ika-16 daang taon magpahanggang ika-17 daang taon. Pinipinturahan na ni Reyna Jezebel ang kanyang mata at nagdidikurasyon na rin siya ng kanyang buhok noon pa mang ika-19 daang taon BK. Noong may 2,000 mga taon na ang nakalilipas, nagkaroon na ng dalubhasang mga barbero sa Sinaunang Roma. Pero hindi nasarili ng mga kababaihan ang kasiyahan at kasiglahan sa pagpapaganda dahil naging gawain na rin ito ng sinaunang mga kalalakihan, katulad ng sinaunang mga lalaking Romano, Galen, at mga ginoo noong kapanahunang Elisabetano at noong ika-16 daang taon. Naiulat ni Pliny na Matanda ang pag-aangkat ng sinaunang mga Romanong lalaki ng mga likidong mga sabon mula sa Gaul na ginagamit na pampapula ng mga buhok. Inimbento naman at ginamit din ng Griyegong manggagamot na si Galen ang malamig na krema. Noong panahong Elisabetano, kinukulot ng mga lalaki ang kanilang buhok at balbas sa pamamagitan ng pagpaplantsa. Noong ika-16 daang taon sa Inglatera at Pransiya, ang mga ginoo ng korte ay gumagamit na ng mga pulbos at mga pinturang pangmukha.[2]

Tulong na pampaganda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasama sa mga pantulong sa pagpapaganda ang mga sumusunod:[2]

  • Pampapula o kosmetikong rouge
  • Lipstik
  • Pamahid sa mata at kapaligiran nito. Ginagawa ito upang mapigilan ang panunuyo at pagtanda ng balat sa ilalim at paligid ng mata.
  • Pangkilay
  • Pangkulot ng pilikmata o eyelash curler
  • Mga losyong pambalat
  • Mga panuldok na pampaganda, mga patseng yari sa itim na tela na idinidikit sa pisngi, baba, at noo. Ginamit ito ng sinaunang mga Ehipsiyo at ng mga tao sa Pransiya noong ika-17 daang taon upang mabigyang-diin ang parang gatas na kaputian ng balat.
  • Kosmetikong maskara sa mukha
  • Pangangalaga at pagpinta sa mga kuko
  • Pabango
  • Pangkulay ng buhok
  • Pangkulot ng buhok

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Cosmetic - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Beauty Culture". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), tomo para sa titik B, pahina 110-111.