Kosmopolitanismo
Ang kosmopolitanismo ay ang ideolohiya na ang lahat ng tao ay kasapi sa iisang komunidad, batay sa iisang moralidad. Ang taong umaayon sa ideya ng kosmopolitanismo sa kahit anong anyo nito ay tinatawag na kosmopolitan o kosmopolita.
Ang isang kosmopolitang komunidad ay maaaring nakabatay sa isang panlahatang moralidad, isang magkatulad na pang-ekonomiyang relasyon, o isang pulitikal na istruktura na sumasaklaw sa iba't ibang mga bansa. Sa isang kosmopolitang komunidad, ang mga indibidwal mula sa iba't ibang lugar ay bumubuo ng relasyon na may paggalang sa isa't isa. Bilang isang halimbawa, iminumungkahi ni Kwame Anthony Appiah ang posibilidad ng isang kosmopolitang komunidad kung saan ang mga indibidwal mula sa iba’t ibang lokasyon (pisikal, ekonomiko, atbp.) ay pumapasok sa mga relasyon na may paggalang sa isa’t isa sa kabila ng kanilang magkakaibang mga paniniwala (relihiyon, pulitika, atbp.)
Ang kosmopolitan ay hango sa salitang Griyego na kosmopolitês, nabuo mula sa kosmos, na ang ibig sabihin ay "mundo", "kalawakan", o "kosmos", at "politês" na ang ibig sabihin ay "mamamayan" o "kabilang sa isang lungsod". Sa pangkasalukuyang gamit, tinutukoy ang termino bilang "mamamayan ng mundo".
Orihinal na salin sa Ingles: https://en.wikipedia.org/wiki/Cosmopolitanism